Jiro's POV
Tanghali na at sobrang hot parang ako, kakatapos lang ng klase namin from Mr. Dingdong then paderetso na kami ng tropa sa canteen kasi nga lagi naman kaming gutom.
Then parang may nakita akong pamilyar na babaeng nakatalikod na nakaharap sa counter nung canteen. Malamang siguro si Gail 'to. Patay ka saking engot ka!
"Hoy ulaga! Magbayad ka naman ng utang mo sakin! Ang tagal na non no!", sabi ko sabay alog ko ng ulo ni Gail
Lumingon siya bigla kaso nakasimangot. Tae napakaganda talaga neto, mala Loisa Andalio tapos matangkad at sexy, nakakagigil pa yung future nya ang laki HAHAHAHA. Oo inaamin ko manyak po ako.
"Langya! Taeng tae naman 'to eh! Bukas babayaran kita promise.", sabay ngiti at angat ng kamay nya na parang gesture ni Honesto
"Lagi mo namang sinasabi 'yan, siguro naka 824 na beses na.", sabi ko sabay simpleng akbay sakanya
Pucha ang tagal tagal na kasing nangutang sakin netong bingot na 'to eh naalala ko pa noong araw na yon.
Flashback muna ha
September noon naka-red shirt ako at sweat shorts kasama si Gail na naka-ano... wala yata syang suot non. Joke! Namimili kami sa Divisoria ng isusuot para sa Acquaintance party, then yung motif kasi ay gothic so hanap hanap muna kami, medyo pinagtitinginan ako ng mga babae kasi nga pogi ako. To make the long story short may nakita syang gusto nya kaso kulang sya ng P800 kaya pinautang ko muna sya.
Hindi naman po ako mayaman, mapagbigay este nagpapautang lang sa nangangailangan. Actually, may pera naman si Gail tanga lang kaya naiwan nya wallet nya.
Flashback ends here
Reminder lang guys ha hindi ko sya gusto, maganda nga sya pero hindi ko sya tipo. Sobrang pogi ko para sakanya, teka nakalimutan ko palang magpakilala
Ako nga pala si Jiro Ruello, nagiisang anak. Pogi po ako sabi ni nanay, hindi katangkaran siguro 5'6 lang bumbay ganon. Wala akong sports na alam, nagbabasketball lang minsan tapos volleyball kasi kahit anong pilit ko wala talaga akong sports. Mahusay DAW akong kumanta, saka maggitara. Sa Legarda ako nakatira, hindi kami mayaman, may kaya lang sa buhay.
At kahit na hindi ako kasing perfect ng ibang wattpad characters pucha feeling special pa din ako. Ganito din naman kayo in real world diba? Kahit di perfect may uniqueness pa din.
Okay so balik tayo ano po? Ang daldal ko eh, kanina nung inakbayan ko siya putek pabebe kinotongan ako!
Naghiwalay na yung landas namin nang di ko sya nasisingil, then sumama nako kay Kaloy (tropa kong tanga)
At dahil puro aral ang inaatupag ko, kunwari kong kinumusta yung research namin.
"Pre kumusta na ba yung research natin? May materials na ba tayo para sa bisexual armor natin?", tanong ko kay Kaloy sabay acting na parang interested.
Kumunot ang noo ni Kaloy sabay palo sa ulo ko
"Gago! Unisexual armor yon!"