The Epic Curse

1.8K 36 12
                                    

Panimula

Malakas ang kulog at kidlat sa labas ng isang lumang bahay. Isang babaeng luhaan ang nais magpakulam sa lalaking sumugat ng kanyang puso, Ay mali! Let me rephraise. Isang lalaking dumurog sa kanyang puso.

“Sinaktan ka niya?”tanong ng isang magandang babaeng mangkukulam sa babaeng luhaan. Sininok pa ang babae sabay tango.

“O-opo! Napaka-babaero niya! Manloloko!”hikbing sigaw ng babae at sininok muli. Napangisi ang babaeng mangkukulam.

“Kung ganoon, Anong nais mong gawin sa kanya?”tanong ng mangkukulam sa babae.

“Gusto ko po siyang papangitin para hindi na siya muling makapambabae at makasakit muli ng iba pang puso.”umiiyak na sabi ng babae at sinisinok pa habang sinasabi ang mga katagang iyan. Humalakhak ang mangkukulam, Nakakakilabot!

Dumagungdong ang malakas na kidlat kasabay ng pagkuha ng mangkukulam sa isang matandang libro sa kanyang baul. Nilapag niya iyon sa mesa at dahil sa nakatago sa baul puro alikabok na iyon.

“Hachoo!”bahing ng babaeng luhaan at sininok muli. Hindi pinansin ng mangkukulam ang pagbahing ng babae.

“Gusto mo talaga siyang papangitin?”paninigurado ng mangkukulam at tumango ang babae. Pursigido siyang papangitin ang gwapong mukha ng lalaking nanakit sa kanya.

“Ibigay mo sa akin ang kanyang larawan, Dalawang kutsaritang ihi at laway mula sa lalaking ito. Buhok, Dalawang klase isa sa ulo at isa sa ulo sa ibaba.”sabi ng mangkukulam at tumango ang dalaga sabay kuha ng maliit na botelya kung saan nakalagay ang ihi at laway ng lalaking kanyang ipapakulam. Ang Buhok, Dalawang klase na nakalagay sa dalawang resealable plastic at ang napakagwapong larawan nito.

“Halata ngang babaero sa sobrang gwapo ng kanyang mukha.”sabi ng mangkukulam at dinampot ang larawan ng lalaki. Pinagpupunit iyon ng mangkukulam at nilagay sa kanyang malaking kawali na gawa pa sa bato.

Nilagay niya na rin ang ihi at laway nito, Pati na rin ang ilang herbs and spices na makukuha lamang sa bundok dimakaipot na recipe sa pangungulam niya.

“Kulang pa! Dala mo ba ang isang gamit na mula sa kanya?”tanong ng mangkukulam at tumango ang babae, Nilabas niya sa kanyang bag ang singsing na mula sa lalaking kanyang ipapakulam.

“Ito po.”sabi ng dalaga at humihikbi pa siya. Dalawang dahilan kung bakit siya humikhikbi, Dahil sa sinaktan siya ng lalaking nagbigay sa kanya ng singsing at dahil sa mamahalin ang singsing na iyon at ilang karat din ang diamond. Tinapon ng walanghiyang mangkukulam ang singsing sa malaking kawali na nagkukulay berde na.

“Abulabu Ji Buda Bu Kiki Lala Bum.. Err..”hindi pinahalata ng mangkukulam na hindi niya mabasa ang isa sa mga nakasulat sa libro. Napalunok siya ng laway at huminga ng malalim, Dinampot niya ang dalawang klase ng buhok ng lalaki na nasa loob ng resealable plastic at hinagis sa malaking kawali.

“Bibi Bujiji Bra!”hula ng mangkukulam sa nakasulat sa libro at biglang lumabas ang isang itim na usok mula sa kawali kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan, Isang sumpa ang naganap sa lalaking mahilig manakit ng puso ng mga kababaihan.

_________________________

I am under a writer's block sa iba kong stories at ito ang lumabas sa pag-piga ko ng utak ko. Pwede ko itong i-delete or hindi.

~Cynthia

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Epic CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon