~at dahil 4th year na kami naisip kong gawin yan :)
Ang akin mga Kaibigan sila ay yung mga taong nakakaintindi saakin kahit gaano man ako kabaliw. XD
Sa kanila ko madalas nasasabi ang aking mga problema at nararamdaman dahil alam ko na matutulungan nila ako. :)
Marami na kaming mga napagdaanan mga away bati na pangyayari pero di ito masisira ang aming pagkakaibigan gagawa kami ng paraan para maayos ito. Walang inggitan,walang samaan ng loob kung meron man sasabhin agad ito upang maayos na agad ang ano man problema. Lahat ng kalokohan,kasiyahan,kalungkutan,iyakan at kahit ano pa yan kami ay sama sama at nagdadamayan. kapag ang isa ay naapi o nasasaktan gagawa at gagawa ng solusyon para dito. lalo na sa love life. XD. Kapag kami ay aalis at may hndi pinayagan ipagpapaalam siya para makasama lamang.
10 BUWAN na lang kami ay magkakahiwahiwalay na magaaral na sa iba't ibang institusyon o unibersidad pero hindi ito magiging problema o hadlang saaming pagkakaibigan dahil gagawa kami ng paraan para magkasamasama muli kahit sa sandaling panahon lamang para magawa namin uli ang mga nagagawa namin ngayon.
BESTFRIENDS mahal na mahal ko kayo kahit ano man mangyari di ko kayo makakalimutan.
"No matter what happend our friendship will never end"