Pasensya na,
Kung papatulugin na muna,
Ang pusong napagod kakahintay.
Kaya't sa natitirang,
Segundong kayakap ka,
Maaari bang magkunwaring,
Akin pa....I am here at my favorite spot, dito sa munting roof top ng apartment na inuupahan ko. Tinutugtog ang gitara at kumakanta habang sinasariwa ang ating mga masasayang alaala at iniisip ang mga bagay na dapat kung gawin.
---------
3 years before
Nagising ako dahil sa araw na dumadampi sa aking balat. Unang araw ng klase ngayon sa bago kong eskwelahan at dapat ay hindi ako malate ngunit pagtingin ko sa aking orasan 20 minutes na lang ay magsisimula na ang klase kaya agad agad akong bumangon at naligo. Pagkatapos ko ay kumuha lang ako ng isang tinapay sa lamesa at agad ng pumasok.
Pagdating ko sa aming school, sa sobrang pagmamadali ko ay may nabangga akong isang lalaki.
"Sorry di ko sinasadya" sabi ko ng nakayuko dahil sa hiya.
"Okay lang" tugon nya sakin.
"Sge mauna na ako" sabi ko at akmang aalis na ngunit nagsalita pa sya.
"Sandali lang" Sabi nya sakin.
"Ano po yun?" Sagot ko.
"Alam mo ba kung saan itong room na to? Bago lang kasi ako dito eh" Tanong nya sakin at ipinakita ang hawak nyang papel.
Pagkatingin ko doon ay nalaman kong magkaklase pala kami. Iniangat ko ang aking muka upang tignan ang itsura nya at isang lalaking matipuno at gwapo ang tumambad sakin.
"Alam ko yan. Magkaklase pala tayo eh. Tara sumunod ka sakin sa Engineering building" sabi ko sakanya.
"Talaga? Ayos pala. Anyway I'm Ronnel" Sabi nya sakin ng nakatingi habang inaabot ang kanyang kamay.
"I'm Cleona. Ano tara na?" Sabi ko naman na may ngiti sa labi at inabot ang kanyang kamay.
"Tara" Sabi nya at pumunta na nga kami sa aming room assigned.
---
Lumipas ang mga buwan at naging malapit kami ni Ronnel sa isa't isa. Halos araw araw ay sabay kami pumasok at kumain. Marami na rin akong alam sakanya at ganon din sya sakin. Alam nyang marunong akong mag gitara at kumanta kaya minsan nagrerequest sya sakin na kantahan ko sya. Napakagentleman nyang tao. Lagi nya kong tinutulungan pag nahihirapan ako kaya naman di nagtagal nahulog ang loob ko sakanya. Di ko sinabi yun dahil natatakot akong layuan nya ako. Hanggang isang araw umamin sya sakin.
"Cleona" Sigaw sakin ni Ronnel sa di kalayuan
"Bakit?" Tanong ko at patakbo syang lumapit sa akin.
"Pwede ba tayong magusap?" Tanong nya sakin. Pagkarinig ko nun ay munting kaba ang aking nadama.
"O-oo naman" Sabi ko sakanya ng nauutal
"Tara sa may roof top" Aya nya sakin at agad naman akong sumama.
Pagdating namin sa roof top, katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Di ko sya mabasa kahit nakatitig sya sakin.
"Ahm Cleona?" Muli nyang tawag ngunit halos pabulong na ito.
"Ano bang paguusapan natin Ronnel?" Tanong ko sakanya.
Di ko alam kung anong nararamdaman ko pero may parte sa akin na nagsasabi at umaasang sana ay sabihin nyang gusto nya ako.
"Alam mo matagal kong tinago to. Hindi ko alam pero pag di ko sinabi to sasabog na ako." Sabi nya ng diretso saking mata. Kinakabahan na talaga ako pero namumutawi pa rin ang saya sa aking puso.
BINABASA MO ANG
MALAYA
General FictionIt is a one shot story about a girl who chose to let go instead of holding on to something that will never back again to her.