00

8 1 0
                                    

"Class dismissed"

Inayos ko na ang mga gamit ko at nang makauwi na ako. Masyadong mabilis ang oras ngayon. Siguro dahil na rin sa nag-enjoy ako sa klase kasi ako yung tipo ng tao na pinalahalagahan ang edukasyon.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ko, dumiretso na agad ako sa pinto para makauwi na nang mag biglang tumakid sakin at sinabing... 'abno HAHAHA'. Nakitawa ang iba samantala ang iba naman ay sumuway sa kanya dahil alam nila kung sino talaga ako.

Bahala. Yan lagi ang sinasabi ko sa sarili ko kapag binu-bully ako ng iba. Alam ko naman kasi kung bakit nila yun ginagawa sakin eh.

Dahil sa bibig ko. Sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Hindi ako pala-kaibigan dahil natatakot ako na baka may mangyaring masama sa kanila pag kinaibigan nila ako. Tulad nga ng sabi ng isa kanina, isa akong abno which I know naman na abnormal talaga ako.

Nang makarating ako sa bahay, inayos ko ang gamit ko at nagsimulang maghanda ng hapunan. Wala ang nanay ko dahil nasa trabaho pa sya, ang tatay ko naman, wala na sa mundo.

Hindi ko alam kung pano ako nabubuhay sa isang mundo na puno ng hirap ang binibigay sakin. Nahihirapan ako magsalita kasi natatakot ako. Natatakot sa kung anong mangyayari kapag nagsalita ako.

Naiinggit ako lagi sa iba. Kasi sila, kahit anong sabihin nila, walang mangyayari sa sinasabi nila. Di tulad ko, na kung ano man ang sabihin ko sa isang tao, mangyayari at mangyayari kahit na isang 'joke' lang yon.

Kung nagtataka kayo kung sino ako, Laila Rianne Uy ang pangalan ko. The girl with a sinful mouth.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 09, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sinful Mouth Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon