*Kaelgrave pov.
"Lo! Ayoko sya dito!" Sigaw ko kay lolo. Puta! Ayoko dito yung babaeng yun! Ang creepy! Ni-hindi man ngumingiti o tumatawa! Akala mo naman kagandaha-- oo, maganda sya.
Matangkad, maputi, makinis, ma-sex appeal. Matangos ang ilong, mala-chokolateng mata, hanggang bewang nyang itim na buhok at mapupula n'yang labi.
Teka-- naging makata ata ako.
Pero kahit ganoon. Ay ayaw ko parin sakanya
"Lo! Ano ba? Kung saan saan mo lang naman s'ya napulot! Atsaka lo, if gusto mo ng secretary or katulong. Ako nalang ang mag hahanap" reklamo ko sa lolo ko. Bwiset naman, hindi pa sumasagot si lolo!
"Apo, matanda na ako. Pag bigyan mo naman ako sakanya. Hayaan mo na lang syang dito manirahan" pagsusuyo nito. Bwiset 'tong matandang to! Mamumulot na nga lang ng babae. Hindi pa maayos.
"Pero lo--?!" Naputol na ang sasabihin ko ng biglang may kumatok.
"Grandfather. You need to drink your meds" singit ng babaeng to. Sino ba to ha?! Ba't tuloy tuloy lang sya?! Problema nito? At bakit grandfather ang tawag nya sa lolo ko ha?! Lolo ko sya! Akin lang sya!-- wait. Ang pangit pakinggan. Still! Lolo ko sya at hindi sakanya!
"Rainesha, anak. Ilagay mo nalang jan sa tabi at mag uusap muna kami ng apo ko" tumango naman itong-- teka, anong pangalan nito? Nesha? Yesha? Nene? Ano? Pero bakit anak yung tawag? Tukuyan na bang inampon ni Lolo yun? Hindi ba't bawal na yun?
Lumabas na ang katakot takot na babae at humarap na ako kay lolo.
"Kita mo Lo?! Nakakatakot 'yang babaeng yan! Hindi sya normal! Malay mo, mag nanakaw pala yan!" Delikado na. Malalaki pa naman ang mga companya ni Lolo. At ipapamana nya pa ito saakin.
"Si Rainesha, ay isang mabuting babae apo. Tinulungan nya ako sa mga hold-uper nung nag lalakad ako" sabay hawak nito sa kamay ko.
"Apo, kahit ganyan 'yang si Rainesha. Mabait yan. Pag masdan mo lang" ngumiti si lolo ng onti. Matapos ang usapan namin ni Lolo ay lumabas na ako.
Mukhang wala na akong magagawa. Si Lolo na ang may sabi. Tsk. Etong tandang na to. Kahit kaylan!
Nga pala, ako si Zen Kaelgrave Rivera. Ang isang gwapong nilalang na gagambala sa mundo mo. Isa akong player. At mayaman dahil sa lolo ko.
Si Lolo nalang ang nag iisa kong magulang, dahil yung parents ko. Sumakabilang bahay na-- I mean. Buhay pala. Yes. Wala na sila.
Habang pababa ako ng hagdanan ay nakita ko ang babaeng katakot takot na nakaupo sa sofa habang naka-earphone at nag babasa ng libro.
Sumilip ako sa binabasa nito.
'He stabbed her heart out, same as a man that she's been looking for'
Puta--?! Tignan mo! Nag babasa pa nang nakakatakot! Hindi pwede iyan! Hindi makatarungan!
"Hey you!" Sabay taboy sa libro nito.
Tinitigan nya ang libro sabay tumingin saakin ng walang kabuhay buhay."Uh--" I hate that stare. Nakaka-ewan. Kinakabahan ako. Teka, ano ulit yung sasabihin ko?
"What?" Walang kabuhay buhay nitong tanong saakin at tinitigan ako sa mata. Tangna, makatingin to. Parang tinitigan na yung loob looban ko. Yung parang, hawak nya na yung buhay ko. O kaya naman, nakikita nya yung kaluluwa ko.
"Ah- ah-- wala! Ang pangit mo!" Sabay takbo pabalik sa kwarto ko. Binagsak ko ang pintuan ng kwarto ko at hinabol ang pag hinga ko. Puta, ba't nga ba ako tumakbo? Aish! Baka isipin nyang nahihiya ako sakanya! Pero pake ko ba sa iniisip nya?
![](https://img.wattpad.com/cover/134848364-288-k907798.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Who Never Smiles
Teen FictionSmile \'smī(-e)l\ to make the corners of your mouth turn up in an expression that shows happiness, amusement, pleasure, affection, etc.