Ito ay love story ng isang bad boy at isang Girl na walang ginawa kundi ang mag aral para sa ikabubuti nila ng pamilya .
Hi ako si john 17 years old ako nung nag aral ako sa Arellano University , 1st year college. Galing ako sa public school sa makati simula 1st year high hanggang 4th year high don ako nag aral. Yung 4 years ko don hindi naging maayos , sabhin na natin na isa ako sa mga sakit sa ulo ng mga teachers nung high school pako . Away dito away doon , cutting dito cutting doon at madalas akong napapatawag sa principal's office. Ganon ako kalala pero sa awa ng Diyos nakagraduate naman ako. So jump na tayo sa first day ng college life ko sa A.U...
First day.. hinatid lang ako ni mama sa loob ng school then utol ko na nagturo sakin kung saan yung mga room ko then maya maya iniwan na din ako ni kuya kase may klase din sya. 1st subject ko di ako pumasok kase akala ko late nako kaya ginawa ko nag yosi nalang ako sa labas . Tas non eh umakyat nako ulit dun sa second subj ko kase kahit naman na gago ako eh trip ko din naman pumasok haha. So ayun pag akyat ko sarado pa yung room nagantay nalang ako tapat non , habang nagaantay ako buksan yung room dumating tong si pau . Yup siya yung babaeng kapartner ko sa story na to, yun nga dumating sya kasama nya yung step father nya eh ako napagtripan nilang tanungin kaya ayun usap usap onti tas nung paalis na yung step father nya eh sabe "ayan sama kna sa kanya magkaklase naman kayo" ako naman dedma kase sa isip isip ko lalayo din naman sya sakin kase mukha tlga akong siraulo haha . Then pumasok kame sa loob 2nd subj na whooo ! Tumabi sya sa isa pa namin nakilala that day dun kame pumwesto sa pinakalikod tatlo lang kame andon . Usap usap kame tanungan kung sino kame ganyan ganyan to make the story short eh nung first day ko din nakuha yung number nya kase kame kame lang magkakilala kaya nagbigayan kame ng contact para sa kinabukasan.Nung susunod na subj namin wala ng prof kaya nagdesisyon kame na umuwi nalang edi yon nagkahiwalay hiwalay na kame. Nung pauwi nako tinext ko siya tska inadd ko sya sa fb syempre ang dyosa eh haha . Yung mismong araw na yun nagkaron kame ng convo na asaran eh ako pikon ako kaya nun eh di nako natuwa katxt sya . Tas yun habang tumatagal kame magkasama eh nagiging tropapips kame . Pero nung bandang gitna ng 1st sem namin eh lumayo sya sakin .. ako kase that time eh wlang inintindi kundi bisyo , liwaliw palagi , tas cutting ng cutting sguro napaisip isip sya na layuan ako kase nga malala ako nung nakilala nya ako sobrang siraulo ko non .yung tipo na pumapasok ako eh sabog na sabog ako . So ayun lumayo sya hindi ko inintindi kase nga bisyo is life ako. That time Nagkaron sya ng kalove team sa isa sa mga kaklase namin edi ako lalo akong dedma kase nga alam ko may lovelife na sya baka makagulo pako. Ang nangyare nung mga panahon na yan eh nagkakausap kame , madalas namin pagusapan yung sitwasyon nya parang may hirap sa sitwasyon nya ganyan ganyan tas kinekwento din nya na seloso tong kaloveteam nya etc etc. Ako naman si boy payo ng payo usap ng usap sa kanya hanggang sa madalas na kame naguusap as in madalas lageng naabot kame sa madaling araw pero madalas naman pinagttripan nya lang ako sa convo. So ayun back to close na ulit kame pero sa chat lang yon kase sa personal eh lagi akong high haha kaya di ako namamansin tas sya din dyosa haba ng hair kaya di rin namamansin pero sa chat tlga nagkukulitan kame haha. Then tumagal ng ganon tas dumaan birthday ko sabay namin sinalubong mga banda dito pakners in crime na kame eh nakakapagopen up narin ako saknya ng mga problema ko at ganun sya . May sinbe sya sakin na ako lang ang nakakaalam tas ako din may snbe sknya na sya lang nakakaalam tlgang pakners na nga . Then yun nung asa nueva ecija ako gabe yon eto pinaka kilig moments ko nung nagaadik pako eh haha. Magkausap kame umamin ako sa kanya na gusto ko sya achuchuchu achuchuchu tas langya di nagrereply lumipas sguro yung 30 minutes wla akong natatanggap na reply . Edi inisip ko na wla na to di nako kakausapin neto awkward na nakakahiya . Tas patulog nako langya biglang nag vibrate ng nag vibrate cellphone ko ang meron syang mga message nawlan pala ako ng signal nung mga oras na yun . Tas yun nabasa ko yung message nya at nabigla ako ang pinakanaaalala ko sa mga txt nya ay "putangina mo nung first sem pa kita gusto" . Ako naman sobrang saya ko kase tingin ko tlga imposible yung maging kame kase nga sobrang siraulo ko tas hindi pako gwapo pero sya dyosa na matalino na tas aral is lyf pa dba ano panama ko sa mga manliligaw nya . Pero nangyre na nangyre nagwagi ako haha, pero di pa kame naging mag on non kase natatakot sya dahil bawal nga sya mag bf sa mga magulang nya .. edi m.u kame okay lang sakin kase nga nasasanay nadin ako na lagi kame magkausap tska aminado ako na habang m.u kame minamahal ko na sya . Tas april 15, 2016yun na tinanong ko sya na pabiro kung kailan ba magiging kami eh samantalang oo nalang nya kulang kameng kame na haha tas yun sumagot sya OO na daw edi tuwang tuwa ako syempre yung dyosa na dko naman inakala na magiging akin eh akin na sya ngayon . Simula non araw araw magkasama kame as in araw araw kase magkaklase kame halos sa lahat ng subj kaya madalas kame nakakapag bonding. Alam nyo ang pinakahinangaan ko sa babae na yon eh despite sa lahat ng katarantaduhan ko na nalaman nya eh tinanggap nya ako ng parang wala lang. Hindi sya yung katulad ng iba na ssbhan ako na magbago ako ganyan ganyan . Sya ang snbe nya lang sakin eh "mahal kita kahit ganyan ka" sarap sa pakiramdam diba sya yung pinakaminahal kong babae sa totoo lang . Edi sa hiya ko ginawa ko ako mismo sa sarili ko nagbago ako tinanggal ko bisyo ko as in lahat ng bisyo ko maski pagtambay tinanggal ko . Sa awa ng Diyos eh nakayanan ko naman so ayun 3 months kameng ganon araw araw bonding , andyan yung nagsisimba kame pag free time , tas mag mmall kame , nuod sine , tas kain sa labas para kameng may sariling mundo na napakasaya andyan yung asa labas kame tas mapapansin nalang namin na malelate na pala kame sa susunod naming subject kaya di na kame papasok magsasaya nalang kame. Ang saya ! Sobrang saya nung mga panahon na yon, parang wla akong kaproble-problema pag magkasama kaming dalawa . Pero tulad ng ibang storya di lang kame puro saya . Dumating yung araw na nagawa ko yung desisyon na dko alam eh yun pala magiging susi para maging mahirap yung sitwasyon namin , pinilit ko sya na ipaalam sa mama nya na kami na kahit snsbhan nya nako na ibang klase mama nya . Pero ayun snbe nya kase nga pinilit ko . Yung ineexpect ko na magiging okay lahat eh kabaliktaran yung nangyre . Nagalit mama nya at pumunta sa school kinausap ako ksma step father nya . Binalaan nila ako na pag di namin tinigil yung relasyon namin patitigilin sa pag aaral si pau . Literal na pinaghihiwalay kame in person. Ako kase msyado akong matapang na kahit na ganon nga mangyyre eh snbe ko na ayaw ko hiwalayan anak nila kase wala naman kame ginagawang masama ansayasaya pa nga namin eh .ayun di ako sumangayon sa gusto nila mangyre maski si pau ayaw din na makipaghiwalay sakin . Hanggang sa nung mismong araw na yon eh pinatawag yung mga magulang ko nagkaharap harap na sila yun padin topic paghihiwalayin nga kame eh ang family ko ayaw din kase napamahal na sa kanila si pau kaya ayun di nagkasundo nag walk out si mama nya ng galit. Matapos nung araw na yon nagdesisyon kame ni pau na maging matapang na haharapin namin yung sitwasyon ng hindi maghihiwalay kahit gaano kahirap. Tinago namin yung relasyon namin sa mama nya pero nilipat sya ng school . Malungkot pero kailangan namin lagpasan yun ang mind set namin that time. Ang hirap ng inabot namin pareho sobrang hirap madalas kame nakakapagusap txt nalang kase pag call kame magkausao tago lang kase nga may bantay sya . Tas one time gusto namin magkita tumakas sya nahuli pa kame edi lalo nahirapan si pau . Lumipas ang mga araw ng pakikipagsapalaran namin. Nagkaron kame ng 1 break up nung asa sitwasyon kame na ganon pero di ko sya basta basta sinuko . Pinilit ko sya na kaya pa namin pagsubok lang to wag syang bibitaw . Sa awa ng Diyos isang araw nagdesisyon sya na laban ulit kame kakayanin nya na daw lahat . Then nagcontinue yung pagmamahalan namin may mga araw na iyak kame pareho , may mga araw na pinipilit namin pasayahin yung isat isa kahit na alam namin na hirap na hirap na kame may time din na binabalewala namin yung problema para lang maenjoy namin yung isat isa . Simula nung nahuli kame nung last na kita namin eh di na ulit kame nakapagkita . Para kameng ldr . Tas tulad din ng ibang storya natapos din kame . November 12 2016 6 months na kame 3 days nalang 7 months na .. ramdam ko na hirap na hirap na sya tas ako inaaway kopa sya . Tas yun dumating yung oras na nagdesisyon sya na ayaw na nya pagod na pagod na sya . Wala nakong nagawa kase ramdam ko din na hirap na hirap na yung pinakamamahal kong pakner . Yun nakipaghiwalay sya yung araw na yun natapos kame . Mahirap , masakit, nakakwindang lahat ng pangyayare pero nangyre na . Sobrang nasaktan ako to the point na ilang beses ko gustong ireached out sya kumbaga gusto ko syang ibalik sakin mag sosorry ako sa mga pagkukulang ko sa mga pangaaway ko sa mga sitwasyon na sinasabayan ko ng init ng ulo ko yung problema namin kaya kami nagaaway . Sad to say pero hindi ko sya naibalik sakin , lumipas ang 2 buwan sinubukan ko kausapin sya kaso nagkasungitan pa kame kaya ayun bnlock nya ako wla na kameng contact sa isa't isa. Hanggang sa napunta nako ng u.s sya prin nasa isip ko walang araw na dumaan na di ako nalulungkot pag naaalala ko sya . Dun na natapos yung storya ng pagmamahalan namin dalawa. Ang lungkot ng storya namin ano pero ganon pa man eh wala akong piangsisihan sa desisyon na lumaban kasama sya . Nag papasalamat parin ako na nakilala ko sya . Mahal na mahal ko yung babae na yon sya lang yung babaeng minahal ko ng higit pa sa sarili ko. Pero ganon tlga di naman palagi happy ending kaya kailangan tanggapin kahit sobrang sakit at sobrang lungkot kailangan kayanin. Siguro nga hindi ako yung lalakeng magpapasaya sa kanya . Dito na nagtatapos ang storya naming dalawa ang masasabe ko nalang ay Mahal , thankyou sa lahat lahat ng sakripisyo , sa lahat ng luha na iniyak mo sakin , sa pagmamahal mo , at sa saya na binigay mo sakin sa loob ng almost 7 months natin na pinagsamahan.
It was a good fight pau :')
BINABASA MO ANG
Mahal , it was a good fight.
Romanceito ay love story ng isang bad boy na nainlove sa isang good girl na di nya inakala na mamahalin nya ng sobra sobra hanggang huli.