Prologue

14 2 0
                                    

Disclaimer: This is a work of Fiction. Purely Fiction. Any Characters, Names, Events, Places here that has any resemblance to a living or dead person is purely coincidental.

___________________

Alas-sais na ng hapon pero nandito pa rin ako sa school.
Hindi ko magawang iwan ang mga paperworks na ginagawa ko. This is my job as a School council president anyways. Andami kasing nagpadala ng sulat kanina dito sa office namin. Mga hinaing ng ibang estudyante tungkol sa kanilang mga Guro, kaklase, Asignatura, at maging sa kanilang mga, karelasyon, magulang, at marami pang iba. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kakabasa ng mga ito. Tapos sasalain ko pang maigi ang mga mas nangangalingan ng karampatang aksyon doon sa mga "mema" lang. Hay nako!






Itinulak ko ang swivel chair na inuupuan ko palayo sa makalat kong mesa na punong-puno ng papel. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at hinilot-hilot ang aking sentido. Kung hindi ako hihinga sandali ay baka talagang hindi ko na kayanin pa.







Gustong-gusto ko nang mag-pahinga pero eto ako ngayon nagtatrabaho sa aking maliit na opisina dito sa aming paaralan. I kennot. Bakit kasi ako lang ang nagtatrabaho dito mag-isa diba. Anong silbi ng Vice President at yung mga other officers ng SC.







Nakakalola silang lahat. Oo silang lahat pati na yung SC Adviser namin dahil iniwan nila ako dito MAG-ISA. Yan, caps lock para intense. Hindi naman sa natatakot akong mag-isa dito. Mas maganda lang kasi pagmarami para mabilis ang trabaho.







Maya-maya pa ay narinig kong kumakalam na ang aking tyan. Nakow! Yung mga sawa ko sa loob gutom na. Agad kong kinuha ang bag ko at kinalkal iyon. Hindi kasi ako nawawalan ng pagkain sa bag eh. Luckily at may nakita pa ako ditong isang cupcake at isang chichiria kaya agad-agad ko rin itong kinain.






Ng maubos ko ang aking pag-kain ay nakaramdam naman ako ngayon ng uhaw. Peste. Kaya naman kahit tinatamad akong tumayo ay ginawa ko parin makalapit lang doon sa Water Dispenser. At kung mamalasin ka nga naman oo, wala pang tubig yung galon. Nak ng teteng.






Mariin akong napapikit at napabuntong hininga na lang dahil doon. Kinalma ko ang aking sarili at napagdesisyonan na pumunta na lang sa faculty para doon kumuha ng tubig. Mas malapit kasi ito kesa sa Canteen kaya doon na lang.






Hinawakan ko ang ang door knob  at dahan-dahan itong pinihit para bumukas ang pinto. Napalunok ako ng ilang beses ng sumalubong sa akin ang isang malamig na hangin at madilim na kapaligiran. Oo nga pala't October na kaya mabilis na lang ang araw ngayon at mas mahaba na ang gabi.







Kinapa kapa ko ang aking cellphone mula sa bulsa ng aking palda at ginamit ito bilang flashlight. Bigla akong kinilabutan ng biglang umihip muli ang hangin. Putcha. Nanginginig ang aking kamay at nangangatog ang aking binti habang naglalakad. Parang gusto ko na lang tuloy pigilan ang uhaw ko.







Habang palapit ako ng palapit sa faculty ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko sa takot. Oh my God. Lord please help me, guide me, and take care of me. Wag niyo Po sanang hayaan na may mangyari sa aking masama. Kailangan ko pa pong makauwi sa bahay namin. Huehue.







Parang bigla namang tumigil ang oras at nag-slow mo ang lahat ng sa wakas ay nakatapak na ako sa tapat ng faculty. Yey! May ilaw pa sa loob ibig-sabihin meroon pang teacher kaya naman agad-agad akong pumasok pero parang nabato ako sa aking kinatatayuan ng makatapak ako sa loob ng silid.






Yung Adviser namin sa Student council naliligo na sa kanyang sariling dugo.







Napatakip ako sa aking bibig dahil sa aking nakita at isang luha ang pumatak mula sa aking mga mata.









At mas lalo akong napaiyak ng makita ko ang Killer. Na tumatakbo palabas sa crime scene.







_____________
Note:

Hello mga Lodi!
Kamusta? Comment ka naman oh. Yiee thank you ah at nag-abala kang basahin ang librong ito. Salamatsuuu.
God bless.

Love lots,
Eukatelyptus

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Haunted | Slow Updates Where stories live. Discover now