UNCONDITIONAL LOVE

305 14 2
                                    

UNCONDITIONAL LOVE (HAPPY MOTHER'S DAY)

I'm Rea. Uhm.. just Rea. I'm just a simple dreamer and incoming 4th year college student who keep on fighting for my ambition. 'LABAN LANG!'  'yon ang lagi kong sinasabi sa sarili ko.

So here I am. I just landed at the airport somewhere in my province. Finally, I'm at my home town, my paradise and my birthplace.

As I get my baggage, naglakad na ako palabas ng Airport. Nagpalinga-linga ako sa paligid at hinahanap ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

"NAAAK!" someone shouted out mula sa malayo at kaagad ko rin naman itong natanaw.

Malayo pa man ngunit tila hindi ko ininda ang bigat ng bagaheng dala ko sa bilis ng mga hakbang ko papunta sa kanya.

Oh God... finally.

Our tears are running down to our face as we hugged each other. It's been what? It's been 3 years since the last day I saw you.

Sabi ko hindi ako iiyak pero nang makita ko siya ay  sumabog ang emosyon ko at hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha. No words came out from the both of us, yakap lang ay sapat na para maiparamdam kung gaano natin namiss ang isa't isa.

Mama na-miss kita ng sobra at tila gusto ko nang itigil ang oras kung saan kasama kita.

Pinunasan mo ang mga luha sa aking mga mata at sinabing "Anak, tahan na. Wala tayong magagawa, mahirap lang tayo at may pangarap ka."

Napangiti nalang ako ng mapait.

Tinitigan ko ng maiigi ang iyong mukha. Walang nagbago ngunit pansin kong may mga kulubot ka na. I've realized one thing, that is the reality that while I'm growing up, you're getting older as well.

Ang sakit lang na kailangan ko pang lumayo sa kanya para makapag-aral sa college at tuparin ang mga pangarap ko.

Neglecting the sad things, we went home with a huge smile on our faces. Tila wala na tayong mapagsidlan ng tuwa.

At night, we keep on talking and talking until we fall asleep while cuddling each other.

As I woke up, akala ko panaginip lang ang lahat but NO! I'm at my home. Kaagad akong lumabas ng kwarto at nakita kita sa kusina na abala sa paghahanda ng umagahan.

Pagtingin ko sa mesa ay nandoon na yung gatas ko at nakahanda na para sa akin. I wanna cry. I missed my Mom.

Naiiyak  ako dahil sobrang na-miss ko 'yong ganito. Na-miss ko 'yong kalinga at alaga niya sa pang araw-araw. I'm not a baby anymore, but when I'm with her... I feel like I am. I am always her baby even I grew old.

Mother's Day came. Tadah!

Pagkagaling ko sa simabahan ay nanghingi agad ako sa kaibigan kong may tanim na roses para ibigay sa kanya. Yeah, I gave her fresh roses with love. Binati kita at niyakap.

Days had passed by. Birthday na naman ng mama ko. Ang galing! kahit ilang araw lang ang bakasyon ko ay perfect timing naman. Mother's Day na, may Mother's Birthday pa. Back to back hindi ba?

Madaling araw palang kinantahan na kita ng birthday songs kahit na ang pangit ng boses ko. Ramdam ko kung gaano kita napasaya. Muli, binigyan kita ng flowers with love. Hindi man tayo ganoon kayaman para i-celebrate 'yong birthday mo at least magkasama tayo sa araw na iyon.

At ito na nga, time for me to say good bye again. Night before my flight, niyakap kita ng sobrang higpit habang tulog ka at tumatagaktak na naman ang mga luha ko. Nang ako naman ang nakatulog, nahuli kitang tinititigan ako habang tulog. Alam ko parehong mabigat na naman ang loob natin sa pag alis ko pero kaunting tiis nalang Ma.

So ito na, 8 AM 'yong flight ko kaya 6 AM palang nandoon na kami sa airport. After I checked in my baggage bumalik ako sa labas kasi nandoon ka lang eh. Hindi ka na pweding pumasok sa loob.

Nagkwentuhan muna tayo na parang hindi ako aalis. Never tayong nagbigay ng salitang pamamaalam. I know deep inside pareho nating pinipigilang tumulo ang mga luha natin kaya dinaan nalang natin sa kwentong masaya.

An hour after, pinapasok na kami sa loob. Ito na 'yong pinakamasakit at pinakamabigat. Pareho tayong nagkatinginan nang marinig natin 'yong announcement. Ayoko umalis sa totoo lang. Ayoko na Ma. Gusto kong kasama kita pero ano bang mararating ko kung hindi ako magsisikap para sa sarili ko? Hindi niyo ako kayang pag-aralin mag-isa kaya kailangan kong gawin 'to.

Niyakap mo ako at umalis ka na agad. Alam kong ayaw mong makita kitang umiiyak kasi ayaw mo rin akong umiyak. Oo ang sakit sakit makitang umiiyak ka Ma pero kakayanin ko 'to. Sa pagtalikod mo, alam kong may mga luhang pumapatak sa mga mata mo.

Iyak ako nang iyak hanggang sa loob ng departure area. Everyone was looking at me pero wala akong pakialam. I cried until nabawasan ang bigat ng loob ko.

Sa puntong iyon ng buhay ko, I've realized na hindi pang iiwan ng jowa ang pinakamasakit na bagay. I've been hurt, I've been cheated pero mas masakit 'to. Ang malayo ka sa taong nagbigay ng buhay sa'yo.

I know not all of us ay mayroong INA na gumagabay. Kaya kung kasama mo pa siya ngayon, you're so blessed dahil may isang bagay kang hindi lahat ay mayroon. Kaya habang kasama niyo pa sila, iparamdam niyo kung gaano niyo sila kamahal at  bigyan niyo ng halaga.

At higit sa lahat, ang swerte mo kung nakayanan nilang paaralin ka nang hindi ka naghihirap. Kaya suklian mo 'yon, mag-aral ka at magtapos. Make your MOTHER proud. Ikaw din, baka magsisi ka sa huli.

HAPPY MOTHER'S DAY 💓

Alright Reserved 2020
Copyright ©
Plagiarism is a Crime.

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon