Her POV

177 17 2
                                    

                                  


1st year college, September  20, 2015 to be exact when I first saw you.  Matangkad ka,  gwapo at maputi. Samantalang ako pandak, di kagandahan at morena. Kahit siguro aso hindi lilingon pag dumaan ako tsarot.  Yes I admit, dun palang crush na kita yun oh!  landi hahaha. Crush at first sight kumbaga. Akala ko nung una bakla ka dinaig mo pa kase babae kung makipag daldalan lols. Hinanap ko account mo sa fb tatlo yung lumabas kaya inadd ko lahat yun but unfortunately hindi moko inaccept.


Then naging mgkagrupo tayo sa PE.  Sa wakas nakilala mo din ako haha.  You used to call me in my surname pero para sakin kilig na kilig na ako kase natatandaan moko. Fast forward,  we became friends yey. Binubully mo na ako, nagsshare kana sakin about  sa life mo , sa problema mo and etc.  Dun ko lang nalaman na may lungkot pala na nakatago behind your smile.  Akala ko masayahin kang tao pero hindi pala. Dun ko naintindihan kaya pala ganito ganyan ugali mo,  kaya pala minsan pampam ka kase kulang ka sa attention. Higit sa lahat kaya ka pala natutong magyosi. Instead na maturn off sayo lalo kitang nagustuhan.

Hanggang sa tinuring kitang bestfriend.  Palagi na tayong magkasama sa kung saan yung lakad hanggang sa paguwi pareho kasi tayo ng daan pauwi mauuna lang ako sa pagbaba.


Then one day,  nalaman ko nalang na may gusto ka pala sa kaibigan kung babae at balak mo pang ligawan.  Oo nasaktan ako  pero okay lang. Sinuportahan kita sa kanya kasi alam ko sa mabuting babae ka naman mapupunta ako pa nga ginawa mong tulay para mapalapit sa kanya lols.  Natatawa ako sayo kasi ang torpe mo hahaha. But then again nabigo ka kasi may ibang mahal yung kaibigan ko.  So yun nasaktan ka, dinamayan kita.  Hindi naman sa abangers ako kasi never ko naman hinangad na maging tayo gusto ko lang naman na kasama kita lagi kasi masaya ako sayo.

Days after okay kana . Bilis mo makamoved on hahaha. Hindi ko alam kung assumera lang ako or what pero parang biglang nag iba ang ihip ng hangin at ang sweet mo bigla sakin. Binubuhat mo bag ko kahit di ko naman sinabi,  pinupunasan mo pawis ko, pag mainit sa pwesto ko makikipag palit ka kasi sabi mo negra na nga magpapainit pa,  shinishare mo sakin foods mo,  water mo,  may mga banat jokes kana na din na parang iba yung meaning,  pag pagod ako at inaantok inooffer mo shoulder mo sakin para makaidlip ako.  Basta!  nakakainis ka!  ang sweet mo sakin at pafall ka masyado!

Naisip ko na baka may gusto kana din sakin lol.  Oo inaamin ko dahil dun umasa ako na baka pareho tayo ng nararamdaman.  Ayokong umasa ng matagal at masaktan lang sa huli kaya naisip ko na umamin na sayo at alamin kung ano nararamdaman mo sakin habang maaga para malinaw sakin at wag na umasa sa wala.

So ayun eto na grrrr hahaha.  Nasa jeep tayo that time pauwi na kase tayo.  Kinakabahan na ako mg bongga pero kailangan.  Damdamin ko ang nakataya dito. Nakakatawa pero nagpractice talaga ako sa bahay ng sasabihin ko sayo pero shit! Sabog sabog yung emotions ko. Parang umurong ata dila ko bes, di ko kayang sabihin kaya naman tinype ko nalang sa phone yung salitang "I think... I'm falling in love with you" tsaka ko inabot sa sayo yung phone.  Sabi ko sa sayo wag mo akong tawanan pero tinawanan mo ako. Gusto ko na tumalon sa hiya that time. Pero sayang naman yung binayad ko kay manong driver choss. Hindi ano, naglakas loob na talaga ako na magtanong kung ano nararamdaman mo para sakin pero 'di ka sumagot, nginitian mo lang ako. Hinawakan mo ang kamay ko *insert kiling* then pinasandal mo ako sa shoulder mo.

Matapos nun, hindi ko naman pinagsisihan na ginawa ko yun at wait! Ano nga pala ngayon? Ah... anniversary pala natin. Oo naging kami pero hindi ako yung nanligaw ah! Syempre niligawan niya ako at chossy paba ako? Palay na lumalapit sa manok bes! Char lang. Ang masasabi ko lang, hindi masama na tayong mga babae ang gumawa ng first move. Basta maghanda kalang sa pwedeng kalalabasan nito. Masakit man o masaya dapat mong tanggapin. That's life. Pero malay mo...crush ka din ng crush mo :)




A/N: what about His POV? HAHAHA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon