" Kailangan na nating itigil toh... alam nating pareho na wala na tong patutungohan. Oo mahal natin ang isa't-isa... pero paano? Paano mo ipaglalaban kung sa simula palang alam mong talo na?! "
Hindi maalis sa isip ko ang bawat salitang dumudurog sa puso ko habang tumutulo ang luhang nakatitig sa suot kong singsing. Nakahiga sa buhangin sa tabing dagat, sa ilalim ng gabing puno ng mga bituin. Ano nga ba ang dapat kong gawin?! Parang masisiraan na ako sa kakaisip kung sino ba dapat kong sundin? Isip o Puso?
Sabi nila kaya daw nilagay ang utak sa pinakamataas na bahagi dahil ito ang dapat sundin... pero nakalimutan yata nila ang halaga ng puso?
If our brain doesn't do it's core purpose tiyak na paralyzed ang tao...eh naisip ba din nila? paano pag yung puso tumigil sa purpose nya? eh di patay na...
Ilang logic pa ba dapat kong paglabanan at sagutin para malaman ang dapat kong gawin? Eh sa logic din kasi lahat may rason...
Hindi ko alam kung paano ba ako nalagay sa alanganing sitwasyong 'to... Tama bang hilingin ko na sana hindi nalang kami pinagtagpo? Paano ko naman pagsisisihan ang mga bagay sa buhay kong nagdulot sakin ng sobrang sakit kung yun din naman rason na naramdaman ko yung sobrang kaligayahan at ang pakiramdam na buhay na buhay ako?!....
Sa ilalim ng buwan at mga bituin, oo nagsesenti ako. I went out of town alone to give myself a room to breathe. Beach talaga is a perfect place for everything. Baka sakaling tangayin ng alon lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Baka sakaling malinaw ng liwanag ng buwan ang magulo kong pag-iisip. Nagbabaka-sakaling kahit papano gumaan man lang kahit konti yung pakiramdam ko. Dinadama ko ang lamig ng simoy ng hangin sa tabi ng dagat. Nagflashback sa akin lahat ng mga alaala kasabay ng luha kong lasang tubig dagat sa alat.
BINABASA MO ANG
A Dose of Euphoria
Romance" Sometimes on a very unexpected times, you'll find someone who makes you laugh. Smile. Grow. Lust. Want. Crave. Feel. Love. Make you mad but happy and crazy. Keep that. That's Euphoria. " Just when Sofia thought she has everything she needs in life...