Chapter 1: Number for Reference

4 1 0
                                    

4th of May. Same ordinary working day para sa akin. I'm Sofia Domingo works as an Event Organizer. So I was on this certain event that day. Busy ang lahat minding their own tasks. Nanakit na yung binti ko sa dami ng ginawa ko at sa taas ng takong ng sapatos ko that's why decide to sit for a while. Habang pinapahinga ko ang binti ko, at nirerelaks yung likod ko, napansin kong panay ang tingin nung lalaki sa tapat ng kinauupuan ko. He smiled at me pero hindi ko sya nabawian ng ngiti dahil suplada ako or what. Pagod lang talaga. I guess he's a model of that certain event. Gwapo si Kuya eh... maputi, maporma naman at medyo may katawan. Hawig nya si Ansel Elgort. Tuwing napapalingon ako sa kinatatayuan nya, napapansin ko talagang panay ang tingin nya habang kausap nya yung baklang kasama nya. Mukhang manager nya yata. Deadma lang ako kahit gwapo sya. Sanay na ko kong nakakakita at nakakatrabaho ang tulad nya. Besides, focus ako sa trabaho ko.

Nang matapos ang event at nagliligpit na ang lahat para makauwi, inaayos ko nadin yung mga gamit ko. Pagod ako at naiimagine ko na ang traffic na madadaanan ko bago makauwi nang biglang lumapit si Kuya.

"Hi! Events Organizer ka?" , sabi nya.

"Obvious ba?", sagot ko. Naisip kong parang ang sarcastic yata ng sagot ko pagod na nga yata ako. So tinanong ko sya kung bakit nya natanong eh obvious naman.

"Ahhhmm... Pwede ko bang makuha yung number mo? In case na kailanganin namen ng Events Organizer para maireccomend kita. Okay lang ba?", sabi nya.

"Ahh yun lang ba? Ok lang naman. Syempre trabaho yan sino ba naman ako para tumanggi? basta let me know soon ahh para ma-check ko din kung open sked ako..." , sagot ko.

So binigyan ko sya ng business numbers ko. Wala sa isip kong paraan nya lang pala yun para kausapin ako at makuha yung number ko. Hindi naman kasi ako nandun para makipaglandian kundi para magtrabaho besides I already have a fiancé. Kaya I know I'm good.

Hindi ko naman dini-declare sa lahat that I'm Engaged unless they'll ask. Magmumukha naman kasi akong GGSS kung lalagyan ko ng malisya lahat ng lalaking kakausap o tatangkaing kunin ang number ko.

Everyone believes that I have everything I need to live a comfort life. Hindi naman mayaman ang pamilya ko pero lahat kami may trabaho. My parents believe specially my mom that I found my perfect match already. Lahat sila nagsasabi na ang swerte ko raw sa fiancé ko. He's a pilot by profession. I've been with him for more than 5 years. Sa una, hindi ko naman talaga sya gusto dahil hindi pa ako totally moved on sa ex ko before him but everyone thinks na he's already the best for me. Lahat sila boto sa kanya lalo na ang pamilya ko...syempre Pilot eh. They think that he's my ticket to a better life. Stable na kasi sya. So in the future sure na akong buhay. Everyone pushes me to give it a try malay mo mahalin ko rin daw. Fair enough! Hindi sya mahirap mahalin. Nagtagal nman kami kahit minsan lang kaming magkita sa isang taon dahil sa trabaho nya. Even if we almost spend 2 months in a year to be together, bumabawi sya saken by giving me luxurious gifts. I don't ask for any of it kasi mas gusto ko parin syempre yung tangible na klase ng relationship.

A Dose of Euphoria Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon