Matagal ka nang nagtatago sa dilim. Matagal mo na 'tong kinikimkim.
Kaya sa pagbabalik niya, kirot, sakit, at panlulumo ang maitatanim.•••
"Marcus..."
"Aira..."
Naglabas nalang ako ng buntong hininga sa sobrang pagpipigil ko ng galit.
"Marcus sorry. H-hindi ko naman sinasadya."
Mas umigting ang pagbaon ng aking kuko sa palad ko dahil sa sobrang higpit ng kamao ko. Hindi ako papayag na mapunta sya sa iba. Hinding hindi.
"Hindi sinasadya?! Masaya ka na ba dahil nakasira ka na ng relasyon ng iba?! Aira parang awa mo na naman oh! Ayoko na say—"
"Marcus alam mo namang mahal na mahal parin kita. Gagawin ko lahat ng gusto mo para lang... Para lang maibalik yung dati."
Sa puntong yon, nagising na ang diwa ko. Alam ko na yung mga sinasabi ko.
Hindi rin nagtagal ay pumatak na ang luha ko. Hindi ko na 'to kinakaya kaya, hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga taksil kong luha na kanina pa nagbabalak lumabas.
Mahal parin kita Marcus.
"Aira matagal na tayong wala! Noon pa!"
Lumapit ako sa kanya at lumuhod.
"Hindi! Ako parin yung mahal mo diba? Ikaw parin yung lalaking minahal ko at minahal rin ako pabalik, diba? Diba?!"
Lumipas ang ilang minuto na hagulgol lang ang maririnig sa pagitan naming dalawa kaya naisipan ko nalang na tumayo at saka magpatuloy sa pakikipagusap.
"Kung ayaw mo, please lang, sabihin mo sa akin sa huling pagkakataon na ayaw mo nang bumalik sa dating tayo. After that, tatanggapin ko na rin lahat ng 'to."
"Hindi na kita mahal. Wag mo nang ipagpilitan yung sarili mo sa taong matagal ka nang kinalimutan."
Tumagos lahat ng yon sa kalamnan ko. Pero kakayanin ko para lang sa taong mahal ko.
"Wag mo nang ipagpilitan yung gusto mo na ibalik pa yung dati. Besides, hindi ikaw yung naunang nasaktan. Ako yun, Aira!"
Tama sya. Hindi ako yung naunang naiwan, kundi sya.
"Sorry ah? Kung nagpapakatanga ako sa kagaya mo at kung nagiging gago nako para lang balikan mo. Mahal lang kita yun lang yun. Paalam."
Tinalikuran ko si Marcus at sa huling pagkakataon, hindi ko na sya nilingon pa.
Masakit, oo. Kasi hindi mo naman inasahan na yung taong sineryoso mo ng totoo sa buong buhay mo, iiwan ka nalang bigla na para bang ang laki laki ng galit nya sayo.
*beeep*
Blackout
His POV
Nakita ko, gamit ang dalawang mata ko yung nangyari sa taong pinakamumuhian ko.
Nasagasaan sya ng kotse pero nilagpasan nya lang ang katawan ni Aira. Hit and run, kumbaga.
Automatic na gumalaw ang mga paa ko at pumunta sa kinaroroonan ni Aira. Wala na syang pulso.
Patay na sya.
Sa kanang kamay nya ay may nakatuping papel na kulay green.
Kinuha ko yun saka binasa.
Marcus , salamat sa memories, thanks rin dahil ikaw ang naging inspirasyon ko, thanks sa time, thanks sa letter na binigay mo noon, thanks sa poem na sinulat mo tapos binigay mo sa akin noon, thanks sa binigay mong choco choco hehe.
Sorry kung minsan nagkukulang ako sa time para sa'yo, sorry dahil selosa ako, sorry kung sa paningin ng iba offlimits na yung relationship natin, sorry kung pinagsisisihan mong minahal moko, sorry kung nagalit ako sa Twitter.
Yung mga binigay ko, itago mo ah? Sa tamang panahon, babalikan kita. Yung dreams mo, sana matupad mo. Yung faith mo rin, ingatan mo.
I'm so lucky I had you in my life. I love you and I always will.
Take care Marcus.
—Your ex hehe
Aira Macaspac•••
Dedicated to @yiellawpad kasi sa kanya galing yung note sa last part. Sa kanya kasing love story 'to and half of the story is true to life. Thankyou guys!
BINABASA MO ANG
Death Really Do Us Part
Short StorySi kamatayan na lang pala yung makapagpapaalis ng feelings ko sayo