Chapter Three

1 0 0
                                    

Nagsilabasan na ang mga kaklase ni Tala. Papaalis na rin si Gab subalit tinawag siya ni Tala.

"kuya, sama ako sayo" sabay pa cute nito.

Tumingin lamang si Gab at di pinansin si Tala sabay labas ng room. Di naman nagpapigil si Tala at sinundan niya ng palihim si Gab.

"Kuya sinusundan kita. Kaya kahit san ka magpunta kasam mo 'ko hihihi" napahinto naman si Gab si sinabi ni Tala.

At dahil sa biglaang paghinto ni Gab sa paglakad ay nabunggo siya ni Tala sa likod akala kasi ng babae na hindi huminto sa paglakad ang lalake.

Humarap si Gab kay Tala at---

Kinorner nito gamit ang dalawang kamay ang dalaga sa isang pader.

Nagulat ang babae dahil sa tinuran ng lalake.

"A-anong g-gagawin m-mo saakin k-kuya?" Gulat na gulat nitong tanong. Batid din sa mukha nito ang pamumula dahil siya'y naiilang. Sobrang magkalapit ang mukha ng dalawa kaya bilang babae nailang ng sobra si Tala.

"....." as usual. Walang narinig na sagot si Tala kundi ang nakita lamang nito ay ang kunot na noo at magkadikitang kilay ni Gab.

Ibinaba ng bahagya ni Gab ang kanyang ulo upang maging lalong magkadikit ang labi nila ni Tala.

Napalunok naman ng 'laway' ang dalaga dahil sa kaba. Sabay ipinikit nito ang kanyang mga mata na waring 'ready ng magpahalik' sa lalake.

Subalit ilang segundo na ang lumipas wala pa ring dumadamping labi sa labi ni Tala, kaya'y unti-unti nitong dinilat ang kanyang mga mata.

Di nito malaman subalit para bang na disappoint siya ng wala naman palang 'kiss' na magaganap.

Nakita ni Tala ang papalayo ng likod ni Gab. Dito lang din nito napansin na di pala nagsasalita ang lalake.

Pilit niyang inalala lahat ng pagkakataon na nakasama niya si Gab subalit ni isa sa mga pagkakataong iyon ay hindi man lang niya narinig ang boses nito.

"Pipi kaya siya?" Nagtataka nitong tanong na waring sasagutin naman siya ng kanyang sarili.

Napakamot ng ulo si Tala habang pinagmamasdan ang likod ng papalayong si Gab.

"Lahat ng bagay nangyayari dahil may dahilan..." dugtong nito.

"At aalamin ko ang dahilan ng pagka 'pipi' mo kuya ko." Deteminado nitong plano.

---kinabukasan(sa bahay ni Gab)---

"Anak, bakit ba palagi kang naglalakad papuntang school?" Tanong ng Tito ni Gab. Kumakain silang dalawa habang nag uusap.

Wala pa ring narinig na sagot ang tito nito na galing sa kanya.

"Alam mo namang napaka yaman mo 'di ba? You owns many businesses. Target ka rin ng mga criminals dahil alam nilang mapera ka. Kaya nga I am always keeping my guards to you 'di ba. I don't want you to put in danger. So please, sumunod ka saakin kahit ngayon lang. Please. Kahit walang response okay lang. But please. Starting tomorrow, 'di ka na ulit mag ko-commute." Mahabang paliwanag nito.

Alam naman nitong naintindihan siya ni Gab kaya 'di niya na lang kinulit pa ang lalake. At alam din nitong masunuring bata si Gab. Minsan nga lang pag tinotopak nag kaka problema.

"Nga pala mamaya after your class dumiretso ka sa opisina. Kakailaganin kita doon. Sisimulan na kitang i train para pag dumating ang araw ay di ka na mahirapan pa sa pag handle sa sarili mong negosyo." Utos pa nito.

Matapos kumain ay nagpunta si Gab sa terrace ng kanyang kwarto at pinagmasdan ang pagbukang liwayway.

Pumikit si Gab at inalala ang lahat ng masasayang alaalang kasama niya pa ang kanyang ina't ama.

----

"Sir, nariyan na

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love HealsWhere stories live. Discover now