"Ma,Pa?nandito na po ako."tawag ko kila mama Fat at papa Cedie habang inilalapag ang basket na pinaglagyan ng mga bulaklak na nabenta.
"Anak?hay salamat naman at nakauwi kana,nagalala kami ng papa mo sayo."sabi ni mama habang lumalapit sakin na may bakas nang pagaalala sa kaniyang mukha.
"Ma naman hindi na po ako bata,kaya ko na ang sarili ko."hay ang OA talaga netong si mama Fat.
"Eh kasi malay mo ay may-"pinutol ko ang sasabihin niya.
"Seriously Ma?Bente anyos nako,di nako bata para sa mga ganyan ganyan."
"Nagalala lang kami anak,hindi ka namin pinapangaralan."sabat ni papa sa usapan.
"Pa-pasensya na po."nakayuko kong sabi.Oo nga naman,hindi nila ako pinapangaralan.Ako pala ang OA.
"Ahm okay lang yun Rina.Siya nga pala,asan ang benta sa mga bulaklak anak?nakarami kaba?"tanong sakin ni mama Fat.
Inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang lahat ng pera na napagkakitaan ko.
"Hayan napo lahat yun.Sayang nga at walang naging customer."
"Naku pabayaan mona anak.Ahm kami naman ng mama mo ang maglalako Rina.Magpahinga ka muna rito bukas.Maaga kaming aalis para makarami kami."sabi sakin ni papa ng nakangiti.
"Magaling napo ba talaga kayo papa?mamaya ay mabinat pa kayo,ako nalang po."nako itong si papa napaka tigas ng ulo,sinabi nang magpahinga na muna.
"Anak kaya kona.Walang mangyayari kung magpapahinga lang ako,kailangan kong magbenta para may makain tayo.Atsaka malakas nako anak tingnan mo oh."sabi ni papa habang inilalabas at pinapatigas ang mga muscles niya sa braso.
Sumimangot ako."Pa naman,buto po iyang nakikita ko."
"Hay basta kami na ang aalis bukas.Anak,kaya na namin to.Kasama ko naman ang mama mo eh,hindi ako pababayaan niyan hindi ba Fat?"
Tumango si mama nang nakangiti.Hay nako wala na talaga akong magagawa nito,pinagtulungan na talaga ako ng dalawang to.
"Tsk!may magagawa pa ba ako?"
"Yes!salamat anak."tsk,as if naman gusto ko.
"Kumain kana pala riyan Rina.Nandiyan ang pagkain mo sa lamesa."sigaw ni mama na paakyat na sa ikalawang palapag ng aming bahay.
Hindi nako sumagot pa atsaka ko binuksan ang platong may takip.Hmm adobo.
Kumulo ang tiyan ko nang maamoy ko ang mabangong aroma ng adobong manok.Ngayon kolang naramdaman ang gutom sa buong maghapon kong paglalako ng mga bulaklak.
Sinimulan ko nang kumain.Nang matapos kong kumain ay hinugasan kona ang aking pinagkainan atsaka nagsipilyo.
Well mahirap lang ang buhay namin kaya kailangan talaga naming magsikap ng trabaho.Pagtitinda lang ng mga bulaklak ang puhunan namin sa araw-araw.Swerte na kapag may customer kami na gustong umorder ng mga bulaklak na pang kasal,pang patay at iba pa.
May flower garden kasi ang papa ko dito sa lugar namin.Pinamana ito sa kanya ni Lola Cecilia na matagal ng yumao.At sobrang laking tulong nito kasi ang pagtitinda lang naman ng mga bulaklak ang buhay namin.
Pagkatapos magsipilyo ay umakyat nako patungo sa kwarto.Napa buntong-hininga ako nang maalala ko na naman ang mga katagang hinding hindi ko makalimutan.
"Eres hermosa baby Red."
Hindi ko talaga maintindihan.Ibang lengwahe siguro?Hay makatulog na nga lang.
"Eres hermosa baby Red." nakangiting sabi ng babae sa isang batang babae.
"Re-."
Naputol ang sasabihin ng batang babae nang biglang may malakas na nagbukas ng pinto at nagmamadaling pumasok ang isang lalaki na may takot na takot na ekspresyon sa mukha.
"Aliantice?You and Red have to go!they're here,Go move,Run!run Aliantice!Argh Mierda."
"QUÈ?MIERDA!"gulat na sambit ng babae.
Tumingin ang babae sa bata na may pangambang ekspresyon na sa mukha.
"Red."umupo ito sa kama at sinapo ang mukha ng batang babae.
"We have to move,we have to run and escape my daughter!Or else they will take you away from us.Listen to me baby,we-."naputol ang iba pa nitong sasabihin nang may marinig silang malakas na putok ng baril na nanggaling sa unang palapag ng mansyon.
"Go now Aliantice!Más rapido."sigaw ng lalaki habang binubunot ang baril mula sa kaniyang bulsa at itinutok ito sa pinto.
Bago umalis at buksan ng babaeng nagngangalang Aliantice ang sikretong pinto,tinawag muli siya ng lalaki.
"Ali."tawag ng lalaki sa babae.
"Sì,Rien?."
"I love you!Por favor,take care of our daughter."nakangiting sabi ng lalaki bago tuluyan nang umalis ang mag-ina upang makatakas.
Napabangon ako mula sa pagkakahiga at pinagpapawisan na huminga ng malalim.
Ano na naman ba iyon?Dinadalaw na naman ako ng mga weird kong panaginip.
Pilit kong inalala ang mga pangyayari na nakita ko sa aking panaginip,pero mabilis na nawala ito sa aking alaala at naging malabo na sakin yung mga nakita ko.
Fuck!sumasakit ang ulo ko.Napahawak ako sa ulo ko atsaka minasahe ito.At nang hindi na masyadong sumasakit ay bumangon mula sa kama at bumaba na patungo sa baba.
Nang makababa ay naabutan ko na,na kumakain sila mama at papa ng agahan.
"Rina,gising kana pala anak.Halika at kumain kana rito."tawag sakin ni papa Ced na hinihila ang katabing upuan nya.
"Anak hindi kana namin ginising para makasabay samin,kasi alam namin na kailangan mo ng pahinga dahil buong maghapon ka kahapon na naglako."wika naman ni mama Fat.
Umupo ako sa bakanteng upuan atsaka sinimulan nang kumain.