Hanggang sa isang gabi ng ako ay natutulog nagkaroon ako ng isamg pangitain.
Ang Paligid ay puro apoy! Gumuguho, lumilindol nasaan na ang aking mga kapatid? Nasaan na aking ama? Nasaan na ang bunso namin? Nakikita ko ang mga tao na nahuhulog sa bumubukang lupa at may mga demonyo! Ang iitim at ang pupula ng knilang mukha at buong katawan. Tulungan nyo ako! Ako'y sigaw ng sigaw. Tulungan nyo ako! Hanggang sa may isang lalake na palapit sa akin, inabot ang kanyang kamay sakin. Gusto ko silayan ang kaniyang mukha ngunit ito'y napakaliwanag. Pagtingin ko sa kaniyang paa ay napakaliwanag at ang buhok ay sing kintab ng ginto at sadyang napakaganda.
"Anak, hawakan mo ang aking kamay. Sumama ka saakin. Ipapakita ko sayo ang langit." Ika niya
Sa kagustuhan kong umalis sa kinasasadlakan ko ngayon, inabot ko ang kamay nya.

BINABASA MO ANG
Diyos ay Pag-ibig
Short StorySana magandahan kayo, and I hope sana through this story I helped you to strengthen your faith in God. Enjoy reading of my stories. Ü