The Friendzone Curse

297 16 5
                                    

Friend zone.

Marahil ay marami sa'tin ang rinding-rindi na sa mga salitang 'yan. Naririndi kasi sobrang nakakasawa na...o kaya naman baka kasi nasasaktan sila sa bawat pagkakataon na naririnig nila ang mga salitang 'yan. According to our mighty best friend Google, friend zone refers to a platonic relationship wherein one person wishes to enter into a romantic or sexual relationship, while the other does not. It is generally considered to be an undesirable or dreaded situation by the lovelorn person. Tama naman 'di ba? Pero may mga bagay pa rin na hindi kayang ipaliwanag si Google, at 'yun 'yung sakit na nararamdaman ng isang tao sa oras na mafriendzone siya. Hindi niya kayang ipredict kung ilan bang gabing paulit-ulit na umiiyak ang isang taong nafriendzoned, kung ilan bang litro ng luha ang maaaring lumabas mula sa mga mata niya, o kung gaano ba siya katagal masasaktan.

Pero understandable naman 'yun kasi isa la’ng namang search engine si Google---wala siyang pakiramdam.

Pero para sa isang taong may puso, may utak at posible namang may kaluluwa---hindi katanggap-tanggap ang hindi magkaroon ng pakiramdam.

Well...sabihin na nating may pakiramdam naman siya. Nalulungkot, natutuwa, nagagalit, kadalasang nauutot (wait... pakiramdam ba 'to?), nagmamahal at kung anong-ano pang pakiramdam na capable ang isang tao na madama. Kaya nga la’ng, medyo tanga siya.

Tanga siya kasi hindi niya maramdaman (o baka ayaw la’ng niyang maramdaman) kung gaano ko siya kamahal.

 

 

Magsimula na tayo sa totoong kwento. Walong taong gulang pa la’ng ako noong una ko siyang nakilala, lumipat kasi kami sa isang subdivision kung saan nakatira ang bagong mapapangasawa ni Mama. Oo, bago. Namatay kasi si Papa noong two years old pa la’ng ako, at kahit ilang beses ko pa mang halukayin ang kailailaliman ng utak ko, wala talaga akong maalala tungkol sa kanya---sa mga pictures ko la’ng siya palaging nakikita. Excited pa nga ako noon dahil magkakaroon na ako ng bagong Papa, pero mukhang nagkamali kami ni Mama sa pagkakakilala sa kanya. Tulad ng ibang mga lalaki (hindi ko nilalahat, peace mga bro), sa una la’ng siya magaling. Lumabas ang baho niya pagkatapos ng kasal nila ni Mama. Nalaman namin na sugarol at dakilang manginginom pala siya. Araw-araw naman siyang pumapasok sa trabaho niya, kaya nga la’ng sa oras na dumating siya sa bahay, doon na nagsisimula ang beer marathon niya. Madalas din niya kaming binubugbog ni Mama kapag nalalasing siya. Hanggang ngayon nga ay na sa'kin pa rin ang mga peklat sa binti at braso na ebidensya ng kademonyohan niya.

 

 

Nakilala ko siya isang araw noong tumakas ako sa bahay dahil nag-aaway na naman sina Mama at ang demonyong (palaway ko sa kanya 'yan, bagay na bagay 'di ba?) pinakasalan niya. Hindi ko naman sinisisi si Mama sa naging desisyon niya (okay, medyo lang), alam ko naman kasing gusto niya la'ng na sumaya. Hindi ko la'ng maiwasan ang magalit minsan. Bakit? Kasi mahal na mahal niya ang kampon ni Satanas na 'yon sa puntong hindi niya 'to magawang iwan. Pumunta ako noon sa isang bakanteng lote (walang park doon. Ang cheap, 'di ba?) at nakita ang isang batang lalaking eksaherada kung umiyak, 'yung parang mamaya nalang lasog-lasog na ang baga niya kakahagugol.

Lumapit ako sa kanya. "Uy,"

Tumingala naman siya sa'kin. Mayroon siyang bilugan at malalaking mga mata na animo'y kumikinang at payat na payat na katawan---in short, mukhang siyang butiki. Muntik pa nga akong matawa kasi may uhog pa siya. Yuck. "S-sino ka?" tanong niya habang humihikbi.

"Ako si Darna!" sabi ko at ginaya ang mahiwagang pose ni Darna. 'Yung nakataas ang isang kamay na parang naghahanda nang lumipad.

Kumunot naman ang noo niya. "Hindi mo naman kamukha si Darna."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Friendzone CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon