In Our Life .

101 5 0
                                    

In our life.

ONE SHOT.

Shane’s POV

I’m Shane Ilas a 22 year old professional artist, I like arts that’s why I studied and graduated my course Fine Arts.

Ang mga iginuguhit at ipinipinta ko at totoo, totoong naririto  sa ating mundo , mga tao , hayop , bagay, pangyayari ….. pero hindi ko alam na may mabubuo pala itong malikot na imahinasyon ko na isang tao. Dapat ko ba itong tawaging tao kahit hindi naman sya nabibilang sa mundong ginagalawan ko ?

Isang lalaki , Isang LARAWAN ng lalake na minamahal ko simula ng una ko itong hanggang sa ngayon , ang larawang ito ang rumereplika sa taong gusto kong makasama habang ako ay nabubuhay.

Napangiti ako kahit ang mga katangian ng nilalang na gawa nang imahinasyon ko ay napag-isipan ko na , miski ang pangalan nagawan ko na ring pag-isipan na kahit sa paged-daydream ko lang sya nakikitang gumalaw at kumilos ng parang tao ay parang milyon-milyong bultahe ng kuryente ang nararamdaman ko  , halos mapagkamalan na nga akong baliw nang mga kasama ko dahil sa pagka-obsessed ko sa sarili kong iginuhit na larawan na kalaunan nga ay pinangalanan kong ‘Art’ dahil galing sya sa imahinasyon ko na nabuo rin sa pamamagitan ng sining.

Nandito ako ngayon sa isang park iginuguhit ang pinakapaborito kong iguhit si Art , at dahil syempre mahal ko si Art mayroon syang sariling sketchpad na may titulong ‘ Piece of Art 1 ang una nyang sketch pad na napuno na at ang ‘ Piece of Art 2 ‘ kung saan ko sya iginuguhit ngayon , ang bawat pahina ng sketchpad ni Art ay may mga petsa kung kailan ko ito ginawa pero yung sa Piece of Art 1 may mga caption pero yung sa Piece of Art 2 wala , doon ko lahat iginuguhit si Art sa iba’t-ibang pangyayari, sa iba’t-ibang lugar na kung saan ay naranasan at napuntahan ko na rin .

Itinigil ko muna sandali ang pagguhit ko at tinignan ang mga naiguhit ko dito sa pangalawang sketchpad ni Art nasa bahay ko kase yung unang sketchpad ni Art syempre tinatago , kahit talaga sa mga larawan lang na ito ni Art ay nagiging masaya na ako , pero mas maganda pa rin kung talagang nabubuhay sya  , yan kaya lagi kong panalagin sa Diyos.

Habang patuloy kong inililipat ang pahina napatigil ako sa isang larawan ni Art na nakatalikod , may lalake kasi dito sa parkna parehong-pareho ang pustura at features ng likod nilang dalawa , nagpabalik-balik ang tingin ko sa larawan ni Art at sa lalaking nakatalikod.

Napailing na lang ako , at sa isip-isip ko marami naman atang may ganyang likod at katawan hindi ko lang napapansin kasi lagi akong nakatutok sa pag------ HOLYYY COW SI ART BA YUN !?SYA BA YUN !? AT PAALIS NA SYA ! GOD ! KAILANGAN KO SYANG HABULIN !

Hindi ako pwedeng magkamali yung kaninang nakatalikod si ART YUN ! SI ART ! Iniligpit ko agad ang mga gamit ko at dali-daling tumakbo sa direksyon kung saan naglakad banda si Art . Lumilingon-lingon ako sa paligid habang tumatakbo, asan na ba yun ?!

“ Aggh ! “ fishteaa ! ang malas ngayon pa nadapa subsob ang mukha sa lupa , pamura lang isa pwede? PUTCHANNG GALAA ! baka hindi ko na maabutan si Art !

“ Miss okay ka lang ba ? “ tanong sa akin ng lalake na hindi ko pa nakikita kase nakaub-ob pa rin ang mukha ko sa lupa .

Umupo ako , ang sakit ng tuhod , mukha, paa, at bastaa buong katawan ko . Mabuti na lang at kakaunti ang tao sa parteng to’ kundi kahihiyan yon professional artist nadapa pwe !

“ Miss okay ka lang ba ? “ tanong ulit ng lalakeng yon habang hinihipan ko ang mga sugat ko.

“ Tingin mo ba okay ako ? ikaw kaya madapa !” sigaw ko dun sa lalake at hindi pa rin sya tinitignan , sinusubukan kong abutin yung mga gamit ko na nahulog kaso hindi ko makuha at ang mas maganda may sugat din ako sa braso . BWISHITT !

In Our Life .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon