Tayong Dalawa

55 0 0
                                    

TAYONG DALAWA

By: Sungit

Natatakot akong malayo ka sa akin

Dahil hindi ko alam kung sino ang iyong kapiling

At baka sa gabi ikaw ay may ibang kasiping

Mamamatay sa lungkot pag-ginawa iyon sa akin.

Mahirap ang malayo sa minamahal nila

Dahil pagnakakita nag mag syuta'y na iingit nalang bigla

Iniisip na sanay ganoon din TAYONG DALAWA

Magkayakap sa ilalim ng puno ng mangga.

Napapaluha nalang ako  bigla

Kapag ako'y nag-iisa at walang kasama

Inaasahang sana'y darating ka

Kahit na isang araw lang magkasama TAYONG DALAWA.

Di ko gustong TAYONG DALAWA ay magkalayo

Dahil di ko gusto ang RELASYONG ganito

Ngunit anong magagawa ko

Ikaw ang tibok ng PUSO ko.

Milya-milya man ang layo mo sa akin

Pangako ko, ikaw pa rin ang aking iibigin

Kahit milyon-milyon pang gwapong dumating

Ikaw pa rin ang aking pipilin.

Tayong DalawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon