FRIENDCRUSH ZONE

77 1 2
                                    

Simple lang akong tao, kung saan may simpleng pangarap sa buhay, nakakapag-aral ng mabuti, masaya sa piling ng aking pamilya at mga kaibigan, walang hinangad kundi ang kaligayahan ko at ng iba. Ngunit ang simple kong pamamalagi ay binagabag ng isang tao na kailanman ay di ko magawang iwasan.

Bakit nga ba ang hirap iwasan ng isang taong gumuhit ng isang di makakalimutang marka sa ating puso ?

haaayyyy !! -_-

buhay nga naman ng tao !

Ako nga pala si Anica Louise Lim Cruz. They called me "nicnic" as my nickname. Simple, masayahin, palatawa, parang walang problema pero di lang nila alam. Cute daw di masyadong matangkad sakto lang may kaya naman pamilya namin. Tatlo kaming magkakapatid at ako ang bunso.

Noon masaya na ako sa piling ng mga kaibigan at pamilya ko pero

biglang nagbago ito ng maramdaman ko ang kakaibang feelings ko para sa kaibigan ko. Ang dating masayahing ako ay biglang naiba di tulad noon na walang sakit na dinaramdam ang bawat mga ngiti ko pero ngayon meron na. Masakit isipin pero ito na ako ngayon binago ng isang tao na akala ko ay magiging masaya ako pag ginagawa nya ang lahat ng ipinapakita niya. Pero nagkamali pala ako. Friendship lang pala yong turing nya sa lahat ng kanyang ipinapakita sakin. T.T

"hoy ! babae nakatulala kana naman jan !" singhal ng kaibigan kong si Mariz.

Andito kame ngayon sa labas ng room namin.

"aa.. ee.. "

" hay nako ! nicnic anu ba nangyayari sayo ? di kana man ganyan dati ah ! "

" wala ! may iniisip lang ako "

" wow naman ! sino kaya iniisip nitong si nicnic " sabat naman ni Yna

" at napakaseryoso pa ! " singit ni

Cathy

"tama na nga yan ! may iniisip lang naman pala si nicnic eh! wag nyo ng abalahin " sabat naman ni Lyka

" hahaha ok ! " silang tatlo sabay nag okay sign.

Napangiti nalang ako sa kanila. Ang kukulit talaga !

pero....

papano ko 'to sasabihin sa kanila ? siguro pag handa na ako. Pero kelan pa ? aa bahala na.  !

Papasok na ako ng room ng biglang narinig ko ang kanyang pangalan.

" oi !! cliff ang aga mo yata ?? asan na yong dalawa ? " Mariz

Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa room dahil bigla akong napatigil ng marinig ko yon nasa may pintuan pa lang ako at nakatalikod sa kanila. Oo na ! siya nga ang lalaking nagpatibok ng puso ko. Walang iba kundi si Cliff Ruan Rodriguez, gwapo, matangkad,  matalino, may sense of humor kausap, mabait, sweet at maalalahanin. Ilan lamang yan sa nagustuhan ko sa kanya at tsaka kaibigan namin siya kaya naman close kaming lahat sa kanya kaya naman nahulog ako sa kanya kaso nga lang di niya ako sinalo kasi may Girlfriend na siya. Masakit pero tanggap ko naman atleast hindi pa niya alam kung ano nararamdaman ko para sa kanya diba ? haayy ! hiling ko lang na sana masabi ko to sa kanya.

Alam kong may mga consequences pero handa kong tanggapin at haharapin ko kung anu man yon.

"aa. eh .. nasa library pa "

"ahh.. ganun ba ? pasok na tayo at malapit ng magumpisa ang klase" mariz

Agad naman akong pumasok at naupo ng walang imik.

FRIENDCRUSH ZONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon