[Tao's POV]
Simula nung umalis sya nawalan na ko ng gana sa lahat ng bagay, ni hindi manlang sya nagsabi ng dahilan, binigla nya ko sa desisyong ginawa nya, isang linggo na ang nakalipas pero wala parin, kahit tawag o text manlang wala akong na-receive mula sa kanya, sinaktan nya ko ng sobra ng hindi ko alam ang dahilan,
"Tao.... tahan na magiging ok din ang lahat."
"Su--Suho, pano naman magiging ok ee ni hindi nga nya sinasabi hanggang ngayon kung ano yung dahilan ng pag alis nya, sobrang sakit hyung, mahal naman daw nya ko ee, yun nga yung huli nyang sinabi sakin...................... bago sya umalis."
Isang linggo na kong walang ganang kumain, walang ganang ngumiti at iyak ng iyak, gusto ng sumabog ng puso ko dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon,
"Kris.... Bakit?"
[Suho's POV]
"Suho! Nasan si Tao?"
"Nasa kwarto nya, nakatulog nanaman dahil sa kakaiyak."
"Kawawa naman si Tao no, hindi ko alam kung ano yung eksaktong pakiramdam nya, pero nararamdaman kong sobrang nasasaktan na sya..... Hoy Suho! Wag na wag mong gagawin yun ha, dahil sinisiguro ko sayo, hindi ka pa nakakalabas ng bahay na to, puro bugbog ka na, binabalaan kita."
"Sa tingin mo ba Lay, gagawin ko yun ha? Hindi ko yun gagawin sa inyo, at mas lalong hindi ko kayang gawin yun sayo, mahal kita masyado para saktan at iwan kita." Inakbayan ko si Lay at pumunta na kami sa sala. Nakita namin dun si Luhan------ na umiiyak?
"Luhan?" nilapitan sya ni Lay.
"Lay..."
"Hyung bakit?"
"Si--si--si Sehun..."
"Anong nangyari kay Sehun, Luhan?" Lumapit na ko at lumuhod sa harap ni Luhan.
"May kasama syang babae kanina, nakita ko sila sa coffee shop, ta--tapos hinalikan ni Sehun yung babae." Ibinaon ni Luhan yung mukha nya sa dalawang kamay nya.
"Tama na hyung, sigurado ko may paliwanag si Sehun, kung bakit nya ginawa yun." Sabi ni Lay habang hinahagod yung likod ni Luhan.
"Oo nga hyung, mahal na mahal ka ni Sehun, sigurado ko, may daghilan kung bakit nya ginawa yun." Sabi ko.
"Alam ko naman yun Suho ee, pero bakit sya pa, sa dami ng babae bakit si Yuri pa? Bakit yung ex pa ni Sehun yung nakita kong hinalikan nya?, alam nyo yung pinakamasakit nung nakita ko yun?, gusto ko ng tumakbo palayo, pero napako ako sa kinatatayuan ko, at bawat segundong lumilipas na nakikita ko silang magkahalikan, nadudurog ng paunti-unti yung puso ko. Ansakit, sobrang sakit." Hindi tumitigil si Luhan sa pagiyak, at hindi rin sya humaharap samin ni Lay nung sinabi nya yun, nakayuko lang sya at nakahawak sa dibdib nya habang mabilis na tumutulo yung luha sa mga mata nya, siguro nga sobrang sakit nung nakita nya.
Hindi namin sya iniwan ni Lay, Makalipas ang isang oras na pagiyak nya, nakatulog sya.
[Sehun's POV]
Kailangan ko ng umuwi, kahapon pa ko wala sa bahay, ayokong isipin nila na gagawin ko rin yung ginawa ni Kris, umalis sya ng walang dahilan, iniwan nya kami sa ere lalo na si Tao, isa yun sa dahilan kung bakit ayokong umuwi muna ee, ayokong makitang sobrang nasasaktan yung kaibigan ko.