Naalala ko pa kung pano kita nakilala.
Naalala ko pa kung pano'ng dahan dahan mo akong pinasaya, sa bawat araw na tayo ay magkausap.
Kung pano'ng Dahan dahang puso ko'y iyong nakuha.Dahan dahan nating minahal ang isa't isa
Dahan dahan tayong bumuo ng pangako sa isa't isa.
Dahan dahang ang bawat isa ay kinilala.
At dahan dahan ding bumuo ng mga pangarap.At habang ang panahon ay dahan dahang lumilipas at tumatakbo,
Dahan dahan itong nagbabago, at pati narin ang salitang "TAYO"Dahan dahan tayong sinisira ng mga pagsubok,
Na naging daan upang tayo ay sumuko,
Kung dati'y distansya lamang ang karibal ko
Ngunit ngayon, pati tadhana,ako'y sinusubok.Dahan dahan kang nagpasyang bumitaw,
Dahan dahan mong pinaintindi sakin na ito'y pansamantala lamang.
Ang sabi mo,ang dating tayo ay babalik din sa dati,balang araw.
Magiging maayos din ang lahat,basta tayo'y maghintay lang.
Basta't ako'y maghihintay lang.Bago ka umalis at ako'y tuluyang iwan, dahan dahan ka munang nagpaalam
Sinambit mo ang mga salitang "Mahal na mahal kita"
Nangako kang ako lang at wala ng iba,
kahit na komplikado pa ang lahat, nangako kang babalik din ang dati,sa tamang oras.At sa pagdating ng iyong dapat sakyan,
Muli ika'y nagpaalam at dahan dahang mga labi ko'y hinagkan.
Ika'y akin lamang pinagmamasdan,
habang ika'y dahan dahang humahakbang papalayo sa'kin mahal.At bago ka tuluyang umalis
Ika'y aking nasilayan,mula sa bintana ng sasakyan.
Ako'y iyong nginitian at kinawayan.
Gaya ng iyong ginagawa dati, tuwing ikaw saki'y nagpapaalam,saka rin kita ngingitian at hihintaying sa paningin ay mawala ng tuluyan.Ngunit sa pagkakataong ito mahal,
Nang sandaling ikaw ay kumaway,
Patawad,sapagkat di na kita nagawang ngitian,
Dahan dahang,aking tingin ay iniwas na lamang.Di na hinintay, na sa paningin ko'y ika'y mawala ng tuluyan,
Sa kaalamang ako'y iyo ng iiwan,
Nagpasya nang mga paa'y ihakbang at tuluyan ng lumakad.At doo'y ang mga luha sa aking mga mata,
Ay tuluyan na ngang bumagsak ng Dahan dahan.
At sa pagtatapos ng tulang ito,
Hayaan mo akong awitin ang kantang DAHAN.