"Basta Papa pupunta kayo ha? Magtatampo ako kapag hindi ko kayo nakita dun mamaya" ani ng batang babae sa ama nitong nakatayo sa harap niya.
"Oo naman! Kailan ba ako nahuli sa mga contest mo? Ihahatid ko lang yung boss ko tapos didiresto na kaagad ako para mapanood ka" sagot ng ama nito sa nakangiting anak
"Oyy! Kayong dalawa tama na yan! Aemie paalisin mo na yang papa mo para makabalik agad." Nakangiting tugon ng ina nito habang nakatingin sa mag-amang seryosong nag-uusap.
"Sige na nga. Babay na po papa. Ingat ka po ha?" Paalam ng bata sa ama nito
"Galingan mo mamaya ha? I love you princess! Ikaw lang yung prinsesa ko at yung mama mo naman yung tanging reyna ko!" Ani ng ama ng batang babae.
"Be a good girl ha? Huwag pasaway kay mama ha? Aalis na ko." Paalam ng ama sa mag-ina.
Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ito na rin pala ang huling pamamaalam ng Ama sa pamilya.
![](https://img.wattpad.com/cover/124574608-288-k733611.jpg)