LOVE is COMPLICATED when you love a lots of boys. Yung feeling na paramihan ng crushes, MU's, girlfriends/boyfriends, ang for short Lovelife. Pero paalala ko lang ha! hindi biro ang magmahal. Dahil iyan ang pinakaseryoso at delikado na salita.
Maraming magbabago kapag ika'y nagmahal. May imposibleng magbabago ang ugali at takbo ng araw mo.
Kagaya ko....
Akala ko sya na talaga. Pero hindi pala...
Akala ko lang yun....
Ibang tao ang dumala sa buhay ko.
at Nang dahil sa kanya, nagbago ako.
Natutong umunawa,
maging simpleng tao
at higit sa lahat nagmahal, ng totoo.
Pero may narealize akong bagay na sya pala yung mahal ko at hindi yung isa dahil sa dumaang time na nabalitaan kong problema.
Instead na balewala lang saakin 'yon or mag-alala lang.... pero ba't ang laki-laki ng epekto saakin?
At ang balitang iyon ang dalihan kung bakit parang nawala lahat ng mayroon ako.
Ang mas nagpapawasak sa puso ko.
At kahit anumang paulit-ulit at mamamaga ang mga mata ko sa kakaiyak. Wala na akong magagawa dahil wala na sya.....
*************BEGINNING****************
" Lailai naman ehhh... umamin ka nga! Crush mo si Rex anoh~"
" Hay... sabi kong tumigil ka nga Miarch 'di ko sya crush." pagmamatigas ko.
" Aisht! Ang denial mo naman. Hmp!" she pout kaya bumuntong hininga ako.
" Sige na nga. Inaamin ko crush ko sya pero NOON yun."
0_0
" Talaga?! Yieeeee..." lumiwanag ang mukha nya sa sinabi ko. *0*
" Noon lang yun Miarch 'di na ngayon kaya tumigil ka." paalala ko.
" kYAHHH!! Kinikilig ako ehh. Ibalik mo nga yung feelings mo sa kanya." sabi nya at sinundot-sundot yung tagiliran ko.
" Tumigil ka nga! Baliw 'to! By the way, I can't help myself to tell you this at dahil friend kita, iikwento ako sayo."
" Whatever it is, I'm willing to listen naman. Go ahead! Spill it!"
"Tss!" napailing nalang ako.
" Ahhmmm... Ganito kasi yun... Mula nung lumipat ako sa school na 'to. Dun ko sinimulang bilangin yung mga crush ko. 'Di ko lang sinabi sayo dahil alam kong ipagsisigaw at ipagkakalat mo sa kung sino."
" What?! Anong akala mo saakin? Tsismosa?! Oh come on Lailiee. 'Di ko naman gagawin yun kapag sinabi mong hindi but.... Wait... so it means marami kang crush? Kasi binibilang mo? Omo! 'Di ko akalaing ganyan ka din pala kalandi besh! Hahhahahahah" napa poker face ako sa sinabi nya.
" Anong malandi? Malandi na ba tingin mo sa isang tao kung marami man syang crush? 'Di ba pwede hanga lang talaga sa kagwapuhan at kagalingan nila?"
" Hay... osige na nga! Continue what ur sayin' sabihin mo nga kung sino yang mga crush mo." bumuntong hininga muli ako at tumingin sa kanya. 'Di ko talaga matiis 'tong bruhang 'to. No choice rin naman ako dahil hindi ako yung taong tumatago ng sekreto. Sinasabi ko talaga o sini-share ko lahat ng mayroon at kung anong feelings nararamdaman ko. At syempre sa close friends/family ko lang sini-share.