Yvhette's POV
"Te..Tekaa si LARAAA *sob* *sob* sabi ni Marie.
Hindi ko mapigilang lumuha sa mga nakikita ng mata ko. Kaya tumakbo ako, at sa pagtakbo ko. .. Nakita ko sila beth, kenji, at mae na nagtatalo.
"Beth! Kenji! Maniwala kayo, nakita ko! Nakita ko kung paano patayin ni Jes si Anne :(" sabi ni Mae.
"Mae hindi yan totoo! Maarte si Jes Oo!, may ugali din siya pero alam kong hinding hindi nya magagawa yun. Na pumatay!" Halos pasigaw na sabi ni Kenji.
"Pero totoo talaga! Nagseselos siya, kasi si Marie ang mahal ni Dennis at.. at balak nya din patayin si Marie!" napaisip siya bigla..
"Teka, si marie kailangan natin siyang sabih--" sabi ni Mae, pero biglang nagsalita si Beth.
"Diba Mahal na Mahal mo din si Dennis? Totoo diba? Last year I saw you gave him a confession letter. Rayt?" Mapanghinalang sabi ni Beth.
"Hin.. hindi totoo yan!! ><" sagot ni Mae.
"That's true *ngumisi siya*, tinapon yon ni Dennis at pinulot ko para basahin. At mula noon naging kaibigan kana namin. At kitang kita ko sa mga mata mo na galit na galit ka sa ate ko nung araw na nagtapat si Dennis na tinanggihan ni ate" matapang na tonong sinabi ni Beth.
"So what's your point? Na ako ang masama? Na kwento ko lang lahat ng to!!!! NA SINUNGALING AKO HA? HA?" galit na galit na sabi ni Mae.
Sasampalin na sana ni Mae si Beth pero agad syang napigilan ni Kenji. Pinaglayo nya ang dalawa, bakas na bakas sa mukha ni mae ang galit. Siguro siya ang pumatay kay Jes at kay Anne >< Hinding hindi ko siya mapapatawad! Igaganti ko sila, magbabayad ka Mae!