Say Anything - ViceRylle (One Shot)

2.1K 54 2
                                    

(If I could say anything, anything

What would it be?

Good question for our destined reality

I would tell you that I love you

Even when it didn't show

I would tell you that I love you, baby

By now I hope you know ~)

//

Isang malamig na hangin ang dumadampi sa aking mga balat, habang nakatitig akong maigi sa paglubog ng araw dito sa may dagat. Katabi ko ang babaeng pinakamamahal ko sa aking buhay na habang tinititigan ko ako ay sobra akong nalulumbay.

"Hanggang kelan tayo magiging ganito? Hanggang kelan natin paniniwalain ang sarili nating tayo pa rin hanggang ngayon? Hanggang kelan natin sila lolokohin na pwede pa tayong magmahalan?" Nabigla siya sa pagbasag ko ng katahimikan. Kasama na roon ang mga katagang nabitawan ko unang beses sa kanya. "Bakit, nagsasawa ka na ba sa akin Vice?" Matipid niyang sagot na tila nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Hindi naman sa ganun Ana pero, hindi ka ba nahihirapan sa sitwasyon?" Depensa ko naman at ipinaparinig na ibinibigay ko sa kanya ang benefit of the doubt. "Ano ka ba naman Vice mag-iisang taon na akong ganito, tayo, sumusuko ka na ba? Tuluyan mo na ba akong pinakakawalan? Ngayon pa, kung kelang nasasanay na ako ulit? Kasalanan mo naman to eh. Pinabalik mo ako dito, e di sana wala na ako dito ngayon kung hindi mo lang hiniling sa akin." Akmang tatayo na siya nang mahawakan ko siya sa braso kaya't bahagyang napaupo siyang muli. "Hindi, alam kong dito na tayo nakatalaga eto na yung destiny na sinasabi nila, pero ikaw, para sayo, gusto mo ba to? Gusto mo pa ba to? Aaminin ko nahihirapan naman ako e, kahit gaano ko gustong iparamdam sayo ang pagmamahal ko hindi ko magawa, oo nasasabi ko ngang mahal kita, pero hindi ko naman maipakita. Sa akin hindi sapat yun.." Napatulala naman siya sa aking nasabi at winikang, "Ni minsan naman hindi ko ipinakitang dismayado ako na hanggang salita lang ang makakaya natin. Ayos na sa'kin na makita lang kita araw-araw, sa paraang yun nabubuhayan ako ng pag-asa kahit wala na talaga. Pero kung sumusuko ka na, pag-isipan mo, pwede naman kitang iwan kahit anong oras mula ngayon. Magpahinga ka na rin. Lumalalim na ang gabi."

//

(If you could go anywhere, anywhere

What would you see?

Take a step in any direction

It's make believe

If your mind is always moving

It's hard to get your heart up off the ground

Yeah, your mind was always moving

Your thoughts never made a sound~)

//

"Oh Vhong, bakit nandito ka?" Nakikita kong papalapit ang kaibigan kong si Vhong papunta sa tent na tinitigilan ko dito sa may beach resort. "Brad, kasama mo ba siya?" Alalang tanong sa akin ng matalik kong kaibigan. "Si Ana? Oo, nag-iikot ikot lang siya dyan sa tabi tabi, gusto mong makita?" Natatawang sabi ko sa kanya. "Brad naman, seryoso ako. Ayaw mo pa ba siyang pakawalan? Hindi ka ba naaawa sa kanya? Hindi na ito ang mundo niya brad. Hindi na dapat." Nabalik naman ako sa nangyaring komprontasyon namin kagabi. "Sa totoo lang, yan yung pinag-awayan namin kagabi. Pinaringgan ko siya kung gusto niya pa ba itong ginagawa namin, kung ayos pa ba siya na ganito namin pinapatakbo ang relasyon namin pero Vhong mahal talaga niya ako, hindi ko siya masisisi. At mahal na mahal ko naman siya, kaya nga siya nandito diba? Dahil sa pagmamahal kong yun. Pero Vhong masasaktan siya e, masasaktan siya kung patuloy kong bubuksan yung topic na ganun. Kung palagi ko nalang itatanong sa kanya kung ayos pa ba siya kasi kita ko naman sa mga mata niya na sobrang saya niya na araw-araw pa rin kaming nagkikita. Kahit simpleng pag-uusap lang, simpleng kamustahan lang sobrang saya niya na, ayokong mabura ng pag-aalinlangan lahat ng yun. Gusto ko habang may panahon na nandito siya, maging masaya siya." Paliwanag ko kay Vhong na hindi ko masabi tuwing kaharap ko si Ana. "Brad, eto nga, kita mo siyang masaya siya pero totoo ba yun? Hindi kaya pisikal lang at sa loob niya e hindi naman na talaga? Baka kasabay ng paniniwala niyong nandito pa talaga siya e pinaniniwala niyo na rin lang ang sarili niyong mahal niyo pa ang isa't isa? Pero sige kung mahal niyo pa nga ang isa't isa, hindi ba dapat palayain mo na siya? Kahit mahirap? Kahit masakit? Kasi ikaw naman ang may dahilan ng lahat diba? Ikaw ang may dahilan kung bakit hindi niya masulit ang mga panahong dapat kay Ana na lang. Matapos lahat ng paghihirap niya dati. Ipinagdadamot mo sa kanya ang kalayaan niya brad." Natauhan naman ako sa mga winikang yun ni Vhong. Napaisip, ngunit tila blanko ang utak ko. Sa buong buhay ko ngayon lang ako natahimik. Hindi alam kung anong idurugtong ko pa sa mga katungan niya sa akin.

Say Anything - ViceRylle (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon