Bakit ganon? kung kailan wala na siya, tsaka ko lang na realize na sobrang mahal ko talaga siya. Kung pwede ko lang ibalik ang kahapon. kung may time machine lang. kung pwede kong ihinto ang oras. gagawin ko. mabalik lang siya sakin. pero nawawalan na ako ng pag-asa. hindi ko na alam kung nasaan siya. naghiwalay kami nung 4th yr college na kami. graduating siya, at may isang taon pa ako.
Mahigit sa 7 taon din ang relasyon namin. walang hiwalayan pero may awayan. normal naman sa mag syota yan diba? Akala nga ng parents ko, siya na ang babaeng papakasalan ko.
Akala ko din..
Pero isang araw nagising nalang ako na gusto ko nang itigil kung ano man ang meron sa amin.
*FLASHBACK*
"Hoping that the love you shared years ago, is still as still as strong today as it was.
Then bringing you much joy, love, and happiness to celebrate again.
HAPPY 7TH ANNIVERSARY MAHAL KO!!! :)))) " Andito kami ngayon sa isang resto. Kitang kita sa mata niya na masaya siya. pero kailangan ko ng sabihin 'to.
"Ellie? Hinawakan ko ang kamay niya
"Yes, Ty? Ngumiti siya.
"Let's break up. I'm begging you. Nasasakal na ako el. Sawa na ako. Gusto ko nang maging malaya. At tsaka, Hin... hindi.. na kita.. mahal. I'm sorry."
"Hindi mo na ako mahal? Palayain ka? Sige ty, pinapalaya na kita. Hiwalay na tayo. Pero sana hindi mo 'to pagsisisihan. Kasi ty, alam ko sa sarili ko na hindi ako nagkulang. at hindi ako ang tumapos. MAHAL NA MAHAL KITA. Tandaan mo yan."
Hinalikan niya ako sa noo.
Bakit siya ganon?? Hindi ba siya nasaktan? Ginusto niya rin to?
Pakshet! Di ko na alam anong gagawin ko. pero siya?
Kalmado lang siyang umalis.
*END OF FLASHBACK*
Siguro nga nakatadhana na hindi kami magkatuluyan.
By the way, Ako si Tyler Salvatore at yung babaeng mahal ko ay si Ellie Montes.
Pagkatapos nung hiwalayan namin, hindi ko na siya nakita pang muli. Binlock niya ako sa Facebook at nagbago yata siya ng phone number. in short, wala na kaming communication.
Nabalitaan ko nalang na naka graduate na siya ng Bachelor of Elementary Education..
Masaya ako para sa kanya. Sobrang saya. Pero nanghihinayang ako sa amin..
alam niyo ba nung umalis siya sa resto, sumakit talaga puso ko. yung parang binabawi ko na lahat ng sinabi ko. yun bang, hindi ako yun. Hay nako. ewan ko ba.
patagal ng patagal ... na realize ko na SIYA LANG TALAGA AT WALA NG IBA. :(
Sana magkita na kami, at masabi ko sa kanya na nagsisisi ako sa sinabi ko at mahal ko siya. Lord, tulungan niyo po akooooooooo T_T
Weeks..
Months..
Years..
WALA PARIN AKONG ELLIE NA NAKIKITA, NABABALITAAN. T_T
"LORD! DAPAT NABA AKONG SUMUKO? DAPAT NABA HA??" Sumigaw ako.. andito ako sa beach ngayon. nagpapahangin lang..
"Siguro dapat sumuko kana. 3 taon nadin ang nakalipas tyler. kung kayo, kayo naman talaga. In God's perfect time."