CHAPTER 1
Tahimik ang paligid. Malamig ang ihip ng hangin. Tanging tunog lamang ng mga "owls" ang aking narinig. Di ko maintindihan bakit ba ang tagal kong nakatulog nung gabing 'yun. Ang dami kasing bumabagabag sa isip ko nung gabing 'yun. Halos lahat-lahat na ng pumapasok sa utak ko, eh, nag-jumble na lahat. Harap sa tapat ng bintana, harap sa likod. Ano ba talaga! Wala akong ibang ginawa kundi ipikit na lang ang aking mga mata, iidlip.At sa 'di inaasahan ay, nakatulog na nga ako.
Ang ganda-ganda ng tulog ko nung gabing 'yon. Kahit saan nalang ako dinadala ng panaginip ko. Paiba-iba ang settings, at mga taong nakikita ko na di ko naman mga kakilala. Hanggang sa di inaasahan, nagbago na naman ang setting ng pananginip ko. Pakiramdam ko para akong nahuhulog sa isang "bottomless pit" hanggang sa naramdaman kong nag-landing ang aking mga paa sa matigas na lupa. Sobrang dilim ng paligid. Sisigaw na sana ako kung nasaan ba ako nang may nakakasilaw na liwanag na bumulag sa aking paningin. Nang ibinalik ko na ang paningin ko sa paligid, nakita kong nakatayo na ako sa harap ng isang "ruined palace". Pumunta ako sa harap ng isang nakasaradong malaking pintuan.
Tok tok!
Kumatok ako sa malahiganteng pintuan, at sa di inaasahan ay bumukas ito Aakma na sana akong pasukin ang "ruined palace" nang biglang naramdaman kong may kamay na humawak sa isa kong balikat. Sobrang lamig ng kamay, para bang kamay ng patay. Agad-agad, nakagising ako, basa sa pawis.
Halos kada-gabi kong napapaniginipan ang ganong uri ng panaginip, lalong-lao na 'pag sobrang pagod ako. That kind of dream kept taunting me as long a i remembered. Nagtataka nga ako na sa tuwing napapaginipan ko na nakaharap ako sa "ruined palace" na 'yon, feeling ko parang nandun talaga ako.Ang masaklap pa eh,sa tuwing papasok na sana ako sa loob ng malaking pinto doon, palagi nalang may kamay na sobrang lamig ang hahawal sa akin, na para bang nagiging harang kaya napuputol ang sobrang "exciting" ko na sanang panaginip.
****
Ako nga pala si Seth. 15 years old. Wala na akong mga magulang mula pagkabata. Di ako nagkaroon ng "chance" na makilala sila. Lumaki ako sa isang orphanage dito sa London. Payapa akong namumuhay sa orphanage ka kinalakihan ko. Dito ko kinilala ang bago kong pamilya kahit na 'di ko sila kaano-ano lahat.
Normal ang takbo ng buha ko hanggang sa nakilala ko ang dalawang "mysterious beings" na sina Jurvis at Helga. Mula nang makilala ko sila, unti-unti kong nakilala ang pagkatao ko- kung sino at ano ako.
****
"Oh Seth, di ka ba sasama sa amin ng mga bata? Ipapasyal ko lang sila sa park. Gusto kasi nilang maglao ng snow. Naho-home sick na kasi sila." tanong ni Sister Amy sa akin. Isa siya sa mga madreng nag-aalaga sa mga bata sa orphanage (at kasama na ako 'dun).
"Ah, di po muna. Dito nalang ako." sagot ko naman.
"Sige. Oh siya, mauna na kami."
"Sige po. Ingat kayo." Di ko "feel" sumama sa kanila. Pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko. Pra tuloy akong nagpapasan ng libo-libong bato sa balikat ko. Ngunit ng makalipas ang ilang sandali, na-realize ko na lalabas nalang ako. Nabo-bored na kasi ako. Lagi nalang akong nagmumokmok sa kama ko. Nagmadali akong nagbihis sa kasuotang panlamig.
Kahit sobrang kapal na ng panlamig na suot ko, super lamig pa rin. Sa tuwing humihinga ako, may usok na lumalabas sa mga ilong ko, pati na rin sa bibig ko.
Humigit-kumulang kalahating oras ang nagpalakad-lakad hanggang sa malapit na ako sa park. Kahit malayo-layo pa ako, naririnig ko na ang mga sigaw ng mga tao na nandun. Hindi sigaw ng kasiyahan o nag-e-enjoy, kundi sigaw na puno ng takot.
Nagmadali akong tumakbo nang sa gayon ay makarating ako agad. Nang madatnan ko kung ano ang naroon, wala na ang mga taong namamasyal. Ang tanging nandoon na lang ay isang ahas na ubod ang laki. Parang isang malaking olive tree ang laki ng katawan nito. at kulay pula ito na walang mga malalking "dots" na nasa katawan nito. Dun lang ako nakakita nang ahas na ganoon kalaki sa tanang buhay ko. Tatakbo na sana ako ngunit ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nanlalamig na ako.