I'm Missing The Reality

5 1 1
                                    


Dati bata pa lang ako alam ko lahat ng laro ng pambata nakikipaglaro ako sa mga kaklase ko sa mga kaibigan ko at pinsan ko. 

Hanggang sa naging dalaga na ako nakalimutan ko na ang lahat ng mga laro na dati nilalaro ko.  Nakalimutan ko na ang mga naging kaibigan ko nakalimutan ko na lahat ng kung ano mang meron ako noon kesa ngayon. 

High school..

School at bahay lang ang punta ko wala na akong ibang pinuntahan kundi bahay at paaralan lang.  Nagbabasa ng libro, isang libro na kung saan nandoon yung mga masasayang bagay may problema mang dumating pero nasosolve naman agad ng bida. 

Pag nagbabasa ako sa libro lang ako nakatuon wala na akong ibang gagawin at iisipin kundi ang librong binabasa ko.  Iniisip ko kasi na sana ako nalang yung bida at may kasama akong lalaking mag mamahal sa akin habang buhay na kahit anong pagsubok mapag dadaanan naming dalawa.

Kung bibitaw man ang isa alam kung susuyuin naman siya sa isa.  Kasi sila yung nakatadhana sila yung bida sa libro. Sa librong binabasa ko Hindi ko na kayang lumabas sa libro masaya walang problema walang mga taong manggugulo sayo walang mga taong huhusgahan ka sa maling galaw mo lang. 

Sa libro na binabasa ko marami akong nakikilala isa na dito ang lalaking mahal ko ang lalaking gagawin ang lahat wag lang akong masaktan. Gagawin ang lahat mapasaya lang ako at mahal na mahal ako. Pinaparamdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal, kinikilig ako sa mga bawat salita na binibitawan niya. Lahat ng ginagawa niya para sa akin nagiging masaya ako habang tumatagal lalo akong nahuhulog sa kanya.

Sa libro may binuo akong mundo sarili kung mundo na ako lang ang pweding makakapasok at makakapunta.

Pag uwe ko galing sa paaralan aakyat agad ako sa kwarto ko at bubuklatin ang libro ko upang umpisahan ang kwento ng buhay ko ang kwento ng bida.

Nasa bahay kami ng mga kaibigan ko mga kaibigang totoo, mga kaibigang handang isakripisyo ang buhay nila para sa akin. Mga kaibigang kapag malungkot ka andyan sila para pasayahin ka para kalimutan ang problemang pinag dadaanan mo.  Ang mga kaibigang suportado lahat ng gusto mong gawin o gagawin pa lamang ang mga kaibigang tutulong sayo kapag nag away kayo ng boyfriend mo. Mas masasaktan sila kapag naghiwalay kayo yan ang mga kaibigan ko. 

Pagkatapos naming mag kwentuhan, tawanan nag siuwian naman agad ang mga kaibigan ko.

Kumain naman kami ng pamilya ko. Isang napakagandang pamilya sabay kumakain ng dinner at masayang nag kwekwentohan. Ang pamilyang nandyan palagi sa tabi mo Hindi ka iniiwan. Ang pamilyang laging nakagabay sayo at mahal na mahal ka. 

Anak kamusta naman kayo ng boyfriend mo ? - tanong ng aking ina.

Nginuya ko muna ang kinain ko saka ngumiti ng pagkatamis tamis sa pamilya ko. 

Hulaan ko stay strong parin kayo no ? Mahal na mahal ka talaga ng boyfriend mo Sis.  - ani naman ng ate ko. 

I like kuya for you ate. Sana kayo na lang talaga forever - sabi naman ng maliit kung kapated. 

Ginulo ko naman ang buhok niya bago ako humarap Kay daddy. 

Ikaw dad wala kabang sasabihin tungkol sa love life ko ? - tanong ko na may kasamang tawa. 

Natawa naman ang pamilya ko dahil sa sinabi ko. 

Basta hindi ka sasaktan ng boyfriend mo anak dahil pag nalaman ko yan buong angkan ng Amor ang makakalaban niya.  - sabi ni dad sabay smirk. 

Natapos ang dinner namin sa kwentuhan at tawanan.  Ang saya talaga kapag kasama mo ang pamilya mo sa hapag kainan, kapag kompleto kayo. 

Araw-araw yan ang ginagawa namin.  Mga kaibigan, pamilya at boyfriend ko.  Ang saya sa mundo na ginawa ko walang problema puro saya lang. 

I'm Missing The Reality (One Shot) Where stories live. Discover now