A letter to my crush
****
Dear crush,
Naaalala mo pa ba nung unang araw na nag transfer ako sa school nyo? Badtrip talaga ko non kasi ayaw ko talagang mag-aral sa probinsya. Kasi sino ba naming laking manila ang gustong manatili mag-aral sa probinsya. Natatandaan ko non first time mo akong nakita sa major subject natin. Inaasar pa kasi ako ng buong room natin kung bakit ako naligaw. From manila kid to probinsyana. Pero ayos lang sakin kasi nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan kahit miss na miss ko na ang mga ka tropa ko sa dating kong school. Naalala ko 'non pagtapos ng subject nayon sinabi mo sa mga kaibagan ko na gusto mo ko. Kaya lang wla sayo ang atensyon ko. Nasa isang taong iniwan ko sa lugar na kinalakhan ko. Sorry. Sorry kasi ang bilis kong sinabi sayo na ayoko sayo. Ni Hindi ko man lang inisip yung nararamdaman mo. Sobra akong nagsisisi sa nagawa ko.
Tapos simula non nabigyang pansin na kita. Palagi na kitang nakikita at simula non sinubaybayan na kita. Alam mo bang nandoon ako sa mga lugar kung saan mo niligawan yung girlfriend no? Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan non, gating alam ko na Hindi kita gusto. Alam mo bang lagi kita napapanaginipan? Siguro kasi palaging ikaw ang laman ng isip ko araw-araw.
Alam mo bang ang saya-saya ko ng magkausap tayo. Naalala ko non sinabi mong gusto mo ko. Tapos nag smile lang ako tapos iniwan lang kita. Kasi nahihiya ako at kinikilig that time. Ang dami kasing tao doon. Tapos pag pasok ko sa room para akong baliw na tuwang-tuwa. Kaya kinabukasan inantay kita. Inabangan kita sa lugar na palagi mong dinadaanan........ Hindi ka dumaan. Nalungkot ako pero inisip ko yung nangyari kahapon kaya nagka energy ulit ako. Pero nung last subject na. Ang nag-iisang subject kung saan tayo magkaklase, may nalaman ako balita. Balitang Hindi ko inaakalang sisira sa konting pag-asang nararamdaman ko.......
Ang saya mo ng araw na yon. Akala ko kasi dahil nagtapat ka kahapon sakin. Akala ko lang pala. Young ngiting akala kong para sakin para pala sa kanya. Kanya na bagong girlfriend mo. Para sa kanya na sinagot ka ng mismong araw na to..... Kinongrats kita. Sinabi Kong masaya ko para sayo. Nakangiti pa nga ako non ei... Pero nung mismong oras na pag-uwi ko doon nawala yung ibinigay ko sa lahat ng tao. Kasi nong oras na pagpasok ko sa kwarto ko doon bumuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Iyak ako ng iyak....
Ang daming sana. Sana ako nalang. Sana Hindi kita sinaktan. Sana hindi ako nagpakatanga sa pag stalk sayo. Sana ako nalang ulit kahit hindi naman naging tayo. Pero kasalanan ko. Ako ang unang nanakit. Sana mapatawad mo ko. Huli naman para sabihin ko to sayo. Pero sorry. Sorry sa lahat ng kasalanan ko. Sana maging masaya ka na. Hindi man tayo para sa isa't-isa, nagpapasalamat ako sa mga memories na naging masaya ko. Salamat sa lahat. At paalam. Hindi na ko manggugulo sa buhay mo.
Paalam mahal...
Nagmamahal,
Marie Sulivan
BINABASA MO ANG
A Letter to my crush
Short Storyfeelings na Hindi ko masabi sa kanya..... ****repost