SIMULA
Let Her Go
"Isa"
"Dalawa"
"Tatlo"
"Kapag ako Brey nakabilang na ng lima at 'di ka pa tumayo diyan talagang 'di ka kakain ng hapunan," ani mama
"Ma naman eh! Ayoko lumabas ng gabi, alam mo po 'yan! Si kuya Austin nalang kasi," reklamo ko habang tutok parin sa panonood ng Kdrama kahit pinapagalitan na. Eh sa ayaw ko talaga na lumabas eh. Baka marape ako hahaha takot lang talaga ako LOL.
"Aba Aubrey! Sino bang nanay dito ha! Saka kita mong nagrereview 'tong kuya mo! Bakit di mo siya gayahin hindi 'yong parelax relax ka diyan!"
Psh. Review kunno
"Ano po bang bibilhin at pupunta na ako," baling ko may mama na kumukuha ng pera sa pitaka niya.
"Ketsup na maliit at isang pamintang durog," sagot ni mama sakin saka inabot 'yong pera na pangbili.
Lumabas na ako at nagmadaling maglakad para makauwi na ako at para rin 'di ko mabutan 'yong mga lasinggero diyan sa tabi tabi. Ayaw ko naman talagang sumunod kay mama eh, pero heto ako ngayon naglalakad hmm more like takbo papunta sa tindahan nila Aling Lita.
"Aling Lita! Pabilan ako," sigaw ko nang makita kong walang tao sa tindahan. Paniguradong nanonood na naman 'yon ng paborito niyang panood na Wowowin.
"Oh Aubrey ikaw pala, ano ba ang bibilhin mo?"
Sinabi ko sakanya ang bibilhin ko. Agad naming kinuha ni Aling Lita ang bibilhin ko at binigay sa akin. Mga ilang minute siguro akong naghintay. Kabanas ang bagal talaga ni Aling Lita kumilos.
"Bali kinse lahat 'yan Aubrey"
Binigay ko agad sa kanya ang bente pesos. Napakamot siya ulo niya nang ibigay ko ang bente. Hays, heto na naman!
"Limang piso po ang sukli ko," sinabi ko na sakanya dahil alam kong mahina sa Mathemathics si Aling Lita.
"Pasensya na Aubrey ah, alam-
Bago niya pa niya matapos ang sasabihin niya ay inunahan ko na siya. Alam ko kasing magdradrama na naman ang lola niyo.
"Okay lang po 'yon. Paki bilisan na lang po 'yong sukli at nagmamadali ako"
"Ah gano'n ba? Pasensya ka na tala-
"Gee, pakibilisan nalang po!"
"Galit ka ba Aubrey?"
"Hindi po, nagmamadali lang po talaga ako."
Tinignan lang ako ni Aling Lita. 'yong tingin na nagsasabing hmp-di-na-bati. For the love of God, wala akong oras doon. Buti nalang binigay agad ni Aling Lita ang sukli ko kaya tumakbo agad ako.
Nang mapansin ko na parang wala naming mga lasing ay naglakad nalang ako. Aba, nakakapagod kaya tumakbo.
Hmmm. 'Di naman pala masama ang maglakad tuwing gabi. Well, depende siguro. Basta ako, swerte ngayon dahil wala 'yong mga lasing na 'yon.
"Pare tignan mo 'yon oh, hahaha kung sineswerte ka nga naman," rinig ko likod kaya bigla akong kinabahan. God, please not now. Binabawi ko na, 'di na ako swerte ngayong gabi.
Akma na sana akong tatakbo ngunit may humugot ng pulso ko. Shit!
"Not so fast aking binibini," sabi ng lalaking lasing na hawak ang pulso ko ngayon. Medyo 'di ko pa 'yon naintidihan dahi, nga sa lasing siya kaya hindi siya maayos magsalita.