2

359 5 1
                                    

Leia

Kapapasok ko pa lang sa loob ng University dinig na dinig ko na ang nakakalokang ingay sa hallway. As usual, mag-isa lang akong papasok sa school na 'to. Eh wala naman akong ka-close dito kahit na isa man lang Gusto n'yo ng sample? Wait, papasok muna ako sa entrance.

"Huy! Psst psst! Bawal dito ang mukhang ipot na natapakan kaya umalis ka na, SHUPE!" Kitam? 'Di pa ako nakaka-tapak sa base ng entrance, na-sampolan na ako kaagad. Tsk.

"Ahh sorry po kuyang guard, pero estudyante din po kase ako dito." sabi ko sabay pakita nang

"Baka naman ninakaw mo lang 'yang I.D na 'yan?" Naka taas na kilay na tanong n'ya.

"Estudyante nga po kasi talaga ako dito. Ako po 'yung laging nilalait n—, este laging binu-bully." mahina kong sabi baka mamaya isa palang napaglipasang gangster 'tong si manong guard ma-sampan pa ako ng ninja moves n'ya.

"Oo na sige na pumasok ka na at naaasiwa ako d'yan sa hitsura mong bulok na linta" pagtataboy pa n'ya.

Hay grabe naman si kuyang guard, halos araw-araw na nga n'ya akong nilalait sa entrance hindi pa din n'ya ako kilala, Mukhang ipot na natapakan? Bulok na linta? Aba! 'kung kilala n'ya lang ako baka miski sa saya ng nanay n'ya hindi s'ya mag -kasya sa takot. Hindi naman sa pag- mamayabang pero may kapangyarihan akong mapabagsak ang isang taong kumakalaban saakin sa isang oppa ko lang, kaya 'wag s'yang loloko-loko. Ay oo nga pala male-late na ako!

dali dali akong tumakbo pa-punta sa classroom namin kaso...

"Aray!" daing ko nang matalisod ako sa isang tali ng sinulid? mukhang sinasadyang itali ito dito ah aba!

"Hoy mukhang baklang haliparot! Tumayo ka d'yan!" sigaw saakin nung mukhang baliw kong ka-schoolmate, puntang-inaragis naman oh.

Tumayo na lang ako at dali-daling tumakbo pa-punta sa room namin baka mapag-initan na naman ako kaso mukhang napaka-malas ko yata talaga ngayon!

"Aray!" Daing ko ng matalisod ako papasok sa main door ng classroom,

"Hahahahahhahahaha! Weak! Ambobo mo naman!" Tawanan ang mga kaklase ko habang naka-tingin saakin dahil sa kalampahan kong kasalanan ng mga hinayupak kong kaklase, alam kong sila ang may gawa n'on.

Naka-tungo na lang akong pumasok sa room papunta sa upuan ko sa may dulong bahagi, para maka-iwas sa kamatayan sa mga salbahe kong kaklase. Hindi ako lumalaban dahil masyado pa akong maraming ginagawa para lang ibalin sa kanila 'yung atensyon ko. In-short AYAW ko pang MAMATAY. Anong laban ko sa mga Gangsters, brats, bitches, warfreak, at echosera kong kaklase. Baka patayin nila ako pag lumaban pa ako, alam kong marami akong pera pero baka mas lalo lang lumala kung lalabanan ko sila, may phobia na ako sa patay, kaya ayaw kong ipahamak ang sarili ko. Hangga't hindi pa tapos ang College life ko mananatili akong tikom na aklat para hindi ako mapag-initan ng mga estudyante dito. Hindi naman ako maka-sali sa mga fraternity dito kasi HINDI DAW AKO BAGAY.

ano'ng gagawin ko? sana mag-karoon naman ng super cute na milagro para mapag-pala na ang aking College life.

Ito na nga tawanan sila akala mo naman nakakita ng isang Clown. Grabe ganyan palagi ang mga kaklase ko tuwing papasok ako. Ang daming pakulo, ang sasama pa. Halos araw-araw na nila ako pinag papractice-an. 'Di pa rin sila nag sasawa—hayyy kasi, bakit dito pa ako in-enroll alam naman ng mga magulang ko na ayaw kong mapalapit sa mga masasamang tao.

Hindi ko na lang sila pinansin at naka-tungo na lang akong umupo sa likurang bahagi ng room. Dumating na 'yung professor namin mukhang kagagaling lang sa Funrun este sa Track-in-field, pawis na pawis eh.

"Shit sir, amoy putok ka!" Sigaw nung pinaka tarantado kong kaklase. Tawanan naman 'yung mga kaklase kong salbahe.

"TORONTADO go back to your proper sit." Madiing sabi nung professor namin sa classmate kong nan-lait sa kanya. Torontado kasi 'yung apilyido nito.

"Fuck you sir." Walang galang na sabi namin ni Torontado.

Tawanan ung mga classmates ko, umirap na lang si ser at nag-simula nang mag-tawag ng mga present!

"Cuizon?" Tanong ni sir

"Nandito." Sagot naman n'ya

"Isorena?" -ser

"Buhay pa po." Sagot nito

"Vivar?" -sir

"Maganda paren!" Sagot naman nito

"TORONtado?"-sir

"Ay may PUTOK si sir, may kapansanan lang sir?" Sagot naman ni Nate.

"Tutubi—este Kenobi -ser. abat!?

"Present." sagot ko

Natapos 'yung walang kwentang lectures ni sir nang walang nakikinig. Kahit naman ako eh. Ang boring naman kasi ng tinuturo. Eh alam ko na kasi yun ih. Na-review ko na kasi 'yun sa bahay.

Blah blah blah blah blah—

Recess na! Kaso 'di naman ako nabili sa canteen kasi alam kong bo-bully-hin lang ako do'n kaya nag-babaon na lang ako ng pagkain ko. Isang Multi-decker sandwich and In-can Coca cola at Isang Balot ng Kisses chocolates ung pagkain ko. Ayaw kong magutom no. Mahirap na baka mag-mura lang ako nang mag-mura dito pag na-gutom ako. Mabait ako pero pag gutom ako? naku-naku. Ewan ko na lang kung makilala n'yo pa ako.

Natapos na 'kong mag meryenda kaso— "Ang takaw mo talaga Tutubi!" Sigaw nung iskandalosa kong kaklase. Lagi 'yan sila ganyan, lagi nila akong ginagalit. Hinahayaan ko na lang baka mapatay pa ako ih. Mahirap na— tumungo na lang ako. Oo matakaw ako pero 'di ako tumataba 35-22-35 parin 'yung size ng katawan ko 53 naman 'yung weight ko at 5'2 naman 'yung height ko. Medyo mababa pero ayos na din. Mala-tinkerbell naman 'yung katawan ko. Secret ko lang yan. Anyway, ganyan talaga 'yung mga kaklase ko, lagi na lang ako ang napag-iinitan, hay nakooooo. Hayaan na nga, buti na lang tumahimik na rin 'yung nang-lait saakin, sana.

Dumating na ung tetser namin sa History! Yeah my Favorite subject. HOOOOOO

Kaso masama rin ang ugali ng prof namin na 'to. Katulad din s'ya nung unang professor namin. Ginagalit at nilalait n'ya muna ako bago s'ya mag-turo. Naku-nakooo. Kakaiba  ito ano? May sapak na ba ito sila? Nakoww.

---Pabitin--muna—

(A/N hope you like this part...Guys need ko ng Votes and Comment nyo...I love you😘)

SHACKLED MARRIED TO THE MAFIA PRINCEWhere stories live. Discover now