( One Shot ) "Basketball"

197 9 3
                                    

( One Shot ) “Basketball”

By: _frosbitestar_

Bibisitahin ko yung kaibigan ko na na’confine dito sa ospital kahapon dahil sa sakit nya. Habang nag lalakad ako, may dalawang nurse akong nakita na nag uusap sa harap ng pinto ng isang room.

Lumapit ako sakanila ng onti para mag eavesdrop.

“paano yun, ayaw kumain ni Sir? Batang yun. Paano kung hindi sya guamling?” narini kong sabi nung nurse na siguro nasa mid-30’s na.

“wala daw syang gana, pero kahapon pa sya ganyan ah. Ay, jusko, bakit ba kasi wala mga magulang nya?” nyeh, kawawa naman yung mga nurse, pinapahirapan nung kung sino man nasa loob ng room na yun. Siguro bata yun?

Dahil ako si Hazel, 19 year old,  at meron akong ‘concern’ na puso para sakanila, nilapitan ko agad sila.

“uhm, excuse me po. May problema po ba? Gusto nyo pong tulungan ko kayo?” nagkatinginan silang dalawa.

“ah, nako, di na Miss, salamat nalang. Tsaka trabaho namin ito.”

“nako Ate, okay lang naman po. Sige na po, baka kahapon pa po yun di kumakain eh,” nag katinginan ulit sila at yung nurse na nasa mid-30’s, nag nod duon sa kasama nyang isang nurse.

“okay okay, sige iha. Ito na yung tray, samahan ka nalang namin sa loob.”

Binuksan na nung nurse yung pinto at pumasok na kami, bumilis nalang bigla heartbeat ko nang makita ko yung lalaking nakahiga sa kama.

Sh*t!

Yun yung crush ko nung Grade 4 palang ako >.<

Napatingin sya sakin at nnanlaki ang kanyang mga mata.

Err, mag kaklase din kasi kami simula nung Grade 4 kami tapos nung High School, schoolmate din kami, pero never kaming nag usap nuon.

Umupo ako sa chair na nasa tabi ng bed nya habang yung dalawang nurse, nasa may likuran ko. Nginitian ko nalang sya at sabay hawak sa spoon at nilapit ito sa bibig nya.

Ayaw nyang kainin. Hala ~ baka ayaw nya rin sakin.

Pero nagulat ako nang makita ko syang nakatitig sakin kaya agad ko rin iniwas yung tingin ko.

“uhm, pwede ho bang umalis muna kayo?” narinig kong sabi nya sa dalawang nurse.

“sige po, Sir. Ma’am, sa may reception lang po kami.” Sabay pat sa likod ko.

Ibinaling ko nalang ulit ang tingin ko sakanya at ngumiti. This time, sya naman ang napaiwas ng tingin.

Paksh*t, kinikilig ako -_____-

Hinawakan ko ulit yung spoon at dahan dahang nilapit sakanya. Binuka nya na rin yung bibig nya at kinain yung soup na gawa dito sa ospital. Natuwa naman ako ^^

Tahimik lang kaming dalawa habang sinusubuan ko sya.

After mga 15 minutes, i think, naubos na rin yung pagkain nyang nasa bowl. Ngayon ko lang napansin, meron pala syang pilay sa kanang balikat nya kaya sinusubuan sya.

Ano kayang nangyari dito?

“ahh, paabot ng tubig.” Mahinang sabi nito.

“ahh, ito oh.” Inabot ko na sakanya, kaya nya na naman gamit ang left hand nya.

“thank you.” Binalik nya na ulit yung tubig sakin at pinatong ko na sa may table sa gilid.

“ahh, ano, sige, una na ako ha?” tatayo na sana ako pero bigla nya akong hinawakan sa kamay. “ah, bakit? May kelangan ka pa?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

( One Shot ) &quot;Basketball&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon