(Shufflin Note: Hi Watty readers! This is my first story written in Filipino language... Kaya suportahan nyo to... Maraming makaka-relate! ^^ I dedicate this chapter to imBiankii for being one of my good friends in high school... suportahan nyo ung story nya na The Kontrabida's Love!)
[This chapter is RATED PG, PARENTAL GUIDANCE is advised]
WAVE 1 - ANOTHER FIRST DAY
CYRUS's POV
"Aunt, I gotta go!"
"Ok, ingat ka sa pagmamaneho!"
Hindi ako makapaniwala na FIRST DAY na naman... Taun-taon na lang palipat-lipat ng school. Wala naman akong kaaway o atraso sa mga former schools ko, trip lang talaga ng mama ko. Kiniss ko yung pinsan kong 4-year old na si Steve bago lumabas ng bahay, ayun, umiiyak kasi wala na syang kalaro ng basketball, soccer, baril-barilan at wrestling mag-hapon.
Pagkalabas ko ng bahay, binati ako ng mga kapitbahay ko.
"Galingan mo ha!"
"Good luck sa'yo!"
Para namang mag-aapply ako ng trabaho kung makabati sila...
"Salamat po!"
Ginu-good luck nila ako dahil para maging valedictorian ulit ako. Tatlong taon na kong valedictorian, sobrang taas kasi ng grades ko! Kahit hindi pwedeng maging first honor ang isang transferee, wala silang magagawa, sobrang laki ng agwat ng grades ko sa second honor.
Ang daming estudyanteng naglalakad papuntang school nila. Lumipat na nga pala ako sa isang private school. Ayun, L-O-N-E-R na naman ako panigurado nito.
Hindi ako ganun kadaling kausapin sa simula, kung baga, nangingilala muna sa mga bagong kaklase.
Mayaman kami, kaya nabigyan ka agad ako ng Black Ferrari ng parents ko bilang regalo sa pagiging first honor ko. May student license na rin ako kaya pwede na magmaneho. Suot ko? Simple lang, V-neck shirt, white-fitted jeans at Chucks black and white high-cut. Hindi nga pala required na pagpagupit at hindi pinagbabawal ang dyed hair kaya yung buhok ko burgundy brown.
6:07 am pa lang, at 30 minutes na pamamaneho pa ang kailangan ko para makapasok sa school.
Nakalimutan ko palang magpakilala sa inyo! Ako nga pala si Cyrus Henry James Smith, anak ng may-ari ng 2nd largest fast food and fine-dining restaurant worldwide, ang Smith's. I'm Filipino-Japanese-British, my dad is British while my mom is a Filipino-Japanese. Nagpasya akong sa Manila mag-aral kaysa sa London kasi mas feel ko ang atmosphere dito, masyado kasing malamig sa London pag winter. I have a brother named Hans Timothy Justin, three years lang tanda niya sakin. Close kami, partners in crime kapag may kalokohang naisip. He left the coutry just a week ago para bisitahin ang parents ko for two weeks. Titigil siya ng one year bago mag-college para sabay daw kami mag-aaral and pumayag naman parents namin. Ayun, magmamanage muna siya ng new branch sa may Makati para may magawa siya. May pagkababaero yun. Sinama pa ko sa isang bar sa Makati nung bakasyon once, 18 years old na siya kaya pinapayagan na tapos ako takas lang nun. hahaha!
Sa wakas, nandito na ko sa school. Well, marami ding rich kids dito, yung iba may driver pa.
Nung papasok na ko ng pinto ng school, may nakasabay akong chic, syempre didiskartehan ko na to.
"Hi miss!"
"Oh, hi!"
"I'm Cyrus, what's yours?"
"I'm Paris, nice to meet you."
Akalo ko loner na ko, umagang-umaga, may chic na kaagad akong kasama. Nakipag-shake hands ako sa kanya. Ang lambot ng kamay nya!
BINABASA MO ANG
Red Waves
أدب المراهقينCyrus Henry James Smith, a 15-year-old rich kid, makes his Senior year more adventurous as he meet his new friend, Paris Jasmine Rivera. As the days pass by, their friendship will go further. But one thing will change everything. Can Jazz and James...