5:37 am
Ramdam ko yung hangin na dumadampi sa muka ko habang nagdadrive, madilim ang kalangitan at malamig na hangin ang sumasalubong sa bawat pag usad ng sasakyan. Nakakagulat kase di ako tinatamaan ng antok and it makes me wonder kung dahil ba sa kape na ininom ko o sa nararamdaman ko.
*chuckles*
"If you were just here" bulong ko sa sarili and then i look at my right side where my passenger seat is empty.
Suddenly, everything turn to slow motion and it feels like someone give me a brief opportunity to picture her laugh while her hair is blowing."Tingin mo kaya pati mga langaw narereincarnate din ayun sa hinduism?" She ask me with curiosity.
"Maybe? Dunno, not sure."
"I was just thinking, if thats true e pano sila aangat if they only thing they do is to rub their hands like planning something evil?"
What the shit? She really asking me that?
"Maybe the more they rub their hands, the more chance of having a promotion after they die." Sagot ko para matigil nalang.
"Really? Then its not really scary after all."
"What do you mean?" Tanong ko.
"You see, in that kind of rule ang kailangan mo lang gawin e sundin kung ano yung nakatadhana sayo. For example naging kalabaw ka edi kailangan mo lang gawin e tulungan mo lang magsaka yung magsasaka at kumain ng madaming damo just to get promoted." Smart move but hey...
"So kung napromote ka bilang tao ang kailangan mo lang e gawin kung ano nakatadhana sayo?" Tanong ko ng may pagmamalaki.
"Exactly!"
"E pano kung di mo alam ano purpose mo sa buhay?? Huh? Huh???" This time matatawa nako pero nakita ko yung muka nya
"EDI HANAPIN MO! tingin ko yun yung magiging batayan para malaman kung marere encarnate ka pababa or pataas." Sumabog utak ko sa bawi nya
"Pero alam mo? Pag ako naging langaw? Papasok ako sa bunganga mo ng matahimik kana."
"Oh really? You're going to choke me? Why dont you just do it now huh? Come on! Choke me daddy!" Pangaasar nya habang tumatawa ng malakas.But then again bumalik ang tingin ko sa kalsada nung may liwanag akong napansin mula sa kotse sa kabilang kalsada.
5:46 am
Nagdadrive parin ako dala yung bigat ng nararamdaman ko. Mas malapit ako sa destinasyon ko mas sumisikip dibdib ko, kakapanalangin na sana bago ako makarating sa pupuntahan ko e kasama ko yung taong rason bat ako nandito."YEHEYYYYYYY!" Sa oras na pagkapark ko sa beach e nagmamadali syang bumaba sa sasakyan at tumakbo papunta sa dalampasigan. Nung makarating sya e tinaas nya lang dalawa nyang kamay tas sumigaw ng sumigaw ng sumigaw hanggang sa mapaluhod sya hawak ang dalawang mata. Naglalakad ako papunta sa kanya at dun palang pansin ko na na umiiyak sya.
Lumuhod ako At hinawakan sya sa likod "everything's gonna be fine" ayaw kong makita syang umiiyak kaya tumingin nalang ako sa araw na unti unting nagbibigay liwanag. I can feel the warmth of sun that kissing my face, pumikit ako at nanalangin. Ibinaling nya muka ko paharap sa kanya. Her tears are fading and as the sun rising up so is her smile. Is this gonna be the last time na makikita ko yung mga ngiti nato? Eto na ba yung huling pagkakataon na mahahawakan ko o mahahagkan ko sya?
"Thank you." Sinabi nya habang nakangiti.
At bigla ko nalang syang hinalikan ng buong pagmamahal.6:12 am
Di ko maintindihan pero biglang tumulo yung luha ko sa oras na pagkaapak ng mga paa ko sa buhangin kung saan huli ko syang nakitang nakangiti. Hawak ko yung wedding ring nya at habang pinagmamasdan to mas dumami ang buhos ng luha sa mga mata ko.
"I love you! And i will always do."