II : Bakla?

170 6 0
                                    


Chapter 2 na.

***

Jeremiah's POV

"Ace, sorry kanina ah." Sabi sa akin ni Coach VSG na naghatid sa akin dito sa dorm. "Ganon lang talaga sila pero mababait yun." Dagdag pa niya.


Mababait? Parang hindi naman. Bastos kamo lalo na si Spade.


"Ah, okay lang po 'yon kailangan ko na rin po siguro masanay." Hindi ako plastic ah, ngayon lang promise.


"Oh, 1pm ang training natin ah." Tumango naman ako at paalis na sana si coach nang tawagin ko muli siya. "Coach..."


Napatingin siya sa akin, "Coach, Jeremiah na lang po itawag niyo sa akin. 'Wag Ace." 

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni coach at magtatanong pa sana siya pero bigla akong pumasok sa loob ng dorm. 

Ayaw ko lang talaga.


"Uhm, hi?" Napatingin naman silang lahat sa akin.


"Ikaw na ba yung new captain?" Napataas ng kilay yung isang babaeng kumakain.


"Yes." Matamlay na sagot ko, 'di ba nila ako like? Bakit parang ang sungit nila?


"Name?" Masungit na tanong naman nung may headphones sa leeg. "Jeremiah..." Bakit ba ang awkward?


Ngumiti naman ako at nagtakbuhan sila palapit sa akin. "Welcome to the team!" Sigaw nila at niyakap ako. 


Ang judgmental ko, mababait naman pala sila.


"Sa wakas!" Ha? Ano raw? "May team captain na kami, wohooo!" Sigaw ni ate na may headphones sa leeg.


"Gille, captain!" Inabot niya sa akin ang kamay niya at nagshake hands kami.


"Arriya." Sabi naman nung isang kumakain kanina.


"Fyra naman po ang itawag mo sa akin." Nag-cling naman siya sa braso ko, cute.


Nasan yung iba?


"Nagbreakfast po yung iba sa labas kaya po kami lang natira." Wow, nabasa niya nasa isip ko?


"Tara captain sa room natin." Yaya sa akin ni Fyra. "Sige, tara." Sumunod naman ako sa kanya pero narinig kong nagbulungan si Gille and Arriya.


"Jeremiah? Bakit Jeremiah? 'Di ba sabi ni Coach, Ace ang pangalan ng captain natin?" Tanong ni Gille kay Arriya. 


"Jeremiah Ace kasi tungek ka." Bored na sagot ni Arriya habang kumakain at nakita ko namang medyo nagulat si Gille dahil sa narinig niya. "Bakit ba? May problema ba? Mukhang mabait naman siya ah." Dugtong niya pa.


"Ah, wala." Ngumiti ng tipid si Gille at tumingin sa amin. Nahuli niyang nakatingin ako sa kaniya kaya umiwas ito ng tingin.


Anong problema niya? Lol. 


"Ate, Ate Jeremiah!" Inalog ako ni Fyra at nawala ang focus ko kay Gille. "May problema po ba, ate?"


Sa akin, wala. 


Kay Gille, meron... Ata.


Spade's POV


"Sean!" Lumapit naman siya at nagpunas ng pawis gamit towel ko. "Putangna mo talaga, sa'yo na yan ah kadiri ka! Hays." Hari ng kadugyutan.


"Nakakahiya naman sa'yo na nanghiram ng brief sa akin!" ANO???


"Anong brief?!" Mage-explain pa sana siya pero dahil dugyot ang ikekwento niya tumayo na ako at nagshoot ng bola. "Captain parekoy, ang gago mo pinapunta mo ako rito tapos aalis ka? Akala ko pa naman lilibre mo ako. Isa kang malaking PAA!"


"Anong paa? Hays."


"PAASA, captain parekoy, PAASA!" Binato ko siya ng bola at narinig ko ang tili niya na parang bakla.


"Kinginang sigaw yan parang bading!" Sigaw naman ni Basti sa kanya.


"Ikaw ang bading!" Sagot ni Sean, aba palaban.


"Ako ba? Akala ko si Gio?" Ayan nagkadamayan na. Hays.


"Oh shit, oo nga si Gio nga!" Nagtakip pa si Sean ng bibig niya na parang nagulat.


"Ako nanaman? Lagi namang ako 'diba? Ako yung laging inaapi dito!" Natawa naman ang team sa inasta ni Gio. "Hirap na hirap na ako sa team na 'to, ang iinsecure! Kung sino yung pogi siya yung kawawa." Binatukan naman siya ni Basti at Sean.


"Ako ang pogi dito ha? 'Wag kang mang-aagaw!" Napasapo na lang ako sa aking noo dahil nagsisimula na naman sila.


"Sean, ako ang pogi!" Parang mga bata talaga.


"Ako nga kasi! Ako! Ako! Ako kasi!" Ayan na sila, ang hirap magpalaki ng mga tanga talaga.


Bakit pa kasi ako ang naging captain? Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas para pagtiisan 'tong mga ugok na 'to eh.


"Hoy mga bugok na itlog! Ako ang pinakapogi dito kaya 'wag na kayo magaway." Sabi ko para manahimik na sila.


Napatahimik naman yung tatlo at nagtinginan kami. Alam ko na 'to eh...

1

2

3


"Chos!" Sigaw naming apat sabay kendeng.


"SSGB, mga bakla! Balik sa court!" Sigaw sa amin ni Coach Thom.


'Di kami bading ah, si Sean lang. 

***

Bakla naman pala.

TresWhere stories live. Discover now