"Wooohhh! Yes!! HAHAHA" napuno ng halakhak at kasiyahan ang aming barkadahan ngayon.
"Parang kelan lang lalambot-lambot yang si Alex at kilos matipuno naman si Ashley, ngayon eh akalain mo nahulog sa isa't isa para magbago." salaysay ko sa kasintahan ko na hanggang ngayon nakayakap sa likuran ko.
"Oo nga eh at parang kelan rin nagkakahiyaan sa isa't isa sina Miko at Jade ngayon oh magkadikit na magkadikit parang 'di mo na mapaghihiwalay." salaysay naman niya sakin.
Napangiti ako sa kwento namin dahil totoo talaga iyon. Makita ko ngayon ang mga kaibigan ko na kasintahan na ang mga kaibigan ng nakayakap sakin ngayon ay nakakapag pangiti talaga sakin ng sobra. Makita silang masaya sa piling ng kanilang mahal. Masaya na ako para sa kanila.
Hinarap ko naman ang aking kasintahan sa aking likuran. Hinawakan ko magkabila ang kanyang pisngi at tinitigan sa mata.
"Alam mo hindi ako nagsisisi na ikaw ang nakatuluyan ko." sambit ko habang nakangiti. Nginitian niya ako senyales para ituloy ko pa ang sasabihin ko.
"Kasi dahil sayo hindi ko nilagyan ng harang ang pagitan nating dalawa, ikaw nagturo sakin na huwag kong harangan aking puso lalo na't kung tumitibok na ito para sayo." sambit ko. Naalala ko pa noon ng magsimula ang lahat.
~
"Sky ikaw muna magbantay sa tindahan natin hah, at mamimili lang kami ng paninda ng kapatid mo." paalam ng aking ama.
"Opo Papa. Ako na po bahala dito sa tindahan tsaka nandito naman po si polly para magbantay din kasama ko." bigla naman tumahol si polly sanhi para mapangiti ako.
"Oh siya sige at mauuna na kami, yung mga oreders natin ha wag kalimutan dadating yun ngayon."
"Opo papa. Ingat po kayo." at tuluyan na silang nakaalis.
Sari-sari store kasi ang negosyo ni papa dahil sa day off ko naman ako ang pinagbantay. Tinignan ko yung listahan ng mga inorder naming products sa mga company at isa na lang ang hindi pa nakakadating. I wonder kung anong company to kasi ang pangalan ay 'pasalubong express'. Ngayon ko lang narinig iyon at ngayon lang umorder si papa sa ganung company. Hmm hintayin ko na lang yung truck nila.
Narinig kong tumahol si polly. Pinuntahan ko siya sa may gate namin at nakitang tinatahulan ang truck na nakaharang sa gate namin. Ay bastos tong nagparada na 'to. Hindi man lang nagpasintabi na may gate dito at yung gate namin eh maliit lang at kaya lang ipasok ay motor lang.
Pumasok akong tindahan at sinilip ang truck sa gilid. nakita kong may bumaba sa truck at nakita ang isang matipunong lalaki na may dalang folder. Tinanggal niya ang cap niya at nakita ko ang kanyang gwapong mukha. Siya na ata ang pinaka gw- hep hep ano bang pinagiisip mo Sky. Tama na pantasya.
Pansin kong papunta siya sa dereksyon ko. Tama lang yan ng masabi ko sa kanya na ang kapal niya mag parada sa tapat ng gate namin.
"Good Morning Maam." masayang pagbati niya sakin. Shet yung boses niya ang lalim tapos- Aishh di ako maapektuhan ng ganyan ganyan niya no!
"Good Morning din." bati ko at binigyan siya ng pilit na ngiti. Magsasalita ulit sana siya pero inunahan ko na.
"Kuya, alam mo gusto ko sanang maging polite sayo pero nakakainis lang isipin na Dont. Block. The. Driveway." pag emphasize ko pa ng bawat salita. Mukha naman siyang nagulat.
"Ahh ganun po ba Maam ah eh pasensya na po ah aalis naman din naman po kami kaso may delivery pa po kami at-"
"Aalis naman pala kayo eh bakit hindi na ngayon nakaharang pa kayo sa gate namin. "
"Miss alam mo patapusin mo muna yung sinasabi ko kasi may delivery pa kami at baka naghihintay yun kaya ako pumunta sayo kasi magtatanong ako. "
"Eh bakit ako pa pwede naman ibang tindahan na lang pagtanungan mo. " dahil sa inaasal ko parang naiinis narin si kuya sakin hmp okay yan para makaalis na kayo.
"Alam mo miss nagtitimpi na ako sayo eh."
"Oh talaga lang kahit din ako nagtitimpi narin sayo! "
May bigla namng sumulpot na matandang lalaki at parehas pa sila ng suot.
"Christian tagal mo naman di pa natin nailalabas yung order niya. "
"Huh?"
"Eh? ""Um naku pasensya na po kayo Maam ha eto po kasing bata ko eh baguhan pa lang at mukang di niya alam na kliyente ka namin. " sabi ni kuya manong. kuya na nga manong pa tss.
"Kliyente? k-kliyente natin siya? "
"Oo eto yung sinabi ko na last delivery natin nagtaka nga ako kung bakit ang tagal mo yun pala wala si Manong kiko. " manong kiko? eh yun yung tawag ng mga suki namin kay papa ah.
"Kilala niyo po si papa? " tanong ko sa kay kuya manong.
"Oo nitong mga nakaraang araw palagi na syang umoorder samin kaya naman suki na namin sya sa produkto namin." Ahh kaya.
"Siya nga pala ipapasok na namin ung orders niyo ahh mga tatlong box yun.." tsaka naman siya humarap sa bata niya na si Chrispy? Christian? eh basta yun. "Ikaw naman bata ka ikaw na magpasok nun ha." tumango naman siya tapos tumingin ng masama sakin, tinaasan ko naman siya ng kilay.
Habang pinapasok niya ang mga kahon pagdumadako ang tingin nya sakin ang sama kung makatingin, syempre tataasan ko siya ng kilay.
Nang palabas na siya tumigil siya dahil sa sinabi ko.
"Sa susunod Dont. Block. The. Driveway. kasi"
"Opo Mrs. Block." sabi nya habang nakangiti ng nakakaloko.
Aba loko yun. Asarin ba naman ako. Lagot yun sakin sa sunod delivery niya sakin hmmpp.
~
Nagtitigan lang kaming dalawa hanggang sa lumawak ang kanyang ngiti at naging ngiting nakakaloko.
"Hmm sweet naman ng aking narinig, pero sa pagkakaalala ko hindi ka naman ganyan, ngayon lang kita narinig na magsabi n- Aray!" napadaing siya dahil kinurot ko siya sa tagiliran niya.
"Bakit masama ba maging sweet ang girlfriend mo sayo? hah?"
"Sus hindi naman, natutuwa nga akong may lumalabas ng sweetness sa katawan mo hehe." Ahh ganun. Pinalo ko yung dibdib niya at tinalikuran at naglakad papunta sa mga kaibigan namin na nagwiwisikan sa dagat.
"Bahala ka nga diyan magswi-swimming ako mag-isa. Wag mo kong susundan!"
"Huy teka lang. Sungit mo na naman love! " Di ko pinansin ang sinabi nya at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa dagat.
"Huy pansinin mo naman ako! Huy! love! langit" tumakbo sya papunta sakin kaya naman tumakbo ako papalayo sa kanya.
Dahul sa maliit lng naman ang biyas ko nahuli nya ako at niyakap ako sa likuran ko.
"Akala mo ahh, dahil sa ginawa mo may punishment ka makukuha. " tumaas ang kilay ko.
"Ano naman yun?" Ngumiti siya ng nakakaloko.
"Mamayang gabi kung saan tayong dalawa lang at hanggang sa maramdaman natin ang nagsisimulang init sa ating katawan. " ilang segundo bago magsink in sa utak ko ang sinabi niya. Shet! loko to ahh.
"Ang bastos mo! naiinis nako s-hhmmpp" natigil ako sa sinabi ko dahil naramdaman kong lumapat ang labi nya sakin.
Tinugon ko yun at nagtagal ang paghahalikan namin hanggang sa naging mapusok iyon at natigil lang iyon ng hindi na nmin mahabol ang aking hininga. Ako ang unang humiwalay at tumitig sa kanya.
"I love you Christian."
"I love you too Sky. "
~•~•~
Sana nagustuhan niyo hehe. Thank you for reading it. Love yah!
