LihimUnang hakbang papalapit sayo
Nasilayan ko ang ganda ng alindog mo.
Ang napakatamis mong ngiti at tawa
Ang nagpapaligaya sa akin twina.
Oh ang namumula mong labi at kislap ng iyong mga mata
Ang siyang bumubuhay sa nahuhumentado kong sistema.Pangalawang hakbang patungo sayo
Dala dala ang lihim na hindi maamin-amin.
Nauutal,Natatakot, Nag-aalinlangan
Di masabi ang tunay na nararamdaman.
Nalilito ako sa nararapat kong gawin.
Aaminin? O Patuloy kang mamahalin ng Palihim?Pangatlong hakbang patalikod sayo.
Aka'y aka'y ang durog kong puso.
Nakakulong sa lihim na pag-ibig.
Sa rehas nito ang puso'y nag-durogo
Oh kay layo ng ating agwat.
Ako'y lupa, ika'y langit.
Kaya't aking naisip isa kang bituwin sa langit.
Na kay hirap masungkit.Pang-apat na hakbang, ito'y aking tinakbo
Ga-butil na pawis ang dahan-dahang tumulo sa aking mukha.
Hindi na kinaya sinabayan ng luha dahil sa sakit na nakuha.
Ngunit sa isang sulok aking naisip.
Walang laban ang aking pagmamahal.
Walang kwenta kong isipin.
Kaya't paano ko masabi sayo?
Paano?
Kung iniwan at linisan muna ang mundong ginagalawan ko!
Kay sakit kung isipin.
Kaya't aking tula ay akin ng tatapusin. Sa mga katagang kay sakit sambitin.
Na ang Pag-ibig ko sayo ay patuloy na isang lihim na Kahit Kailan hindi ko Maaamin.!!