"Haaaaay!"
"Hoy! Ano ka ba Sang! Alam mo bang malas daw yang pabuntong-buntong-hininga?" Saway sa akin ng bestfriend kong si Aiza Antonio. Zang-Zang palayaw niya.
"Ha? Hahaha. Naniniwala ka dun? Hahaha. Eh bakit yung ibang kakilala ko DIYAN? Hindi naman palabuntong-hininga, pero parang mas malas pa ata sa akin? Hahaha. Walang boyfrieo. At saka wala ring pera kaya heto tutunga-tunganga kasama ko? hahahahaha-" Hinampas ba naman ako ng unan!
"Ewan ko sayo! Bahala ka na nga diyan!" Magwo-walk out pa ata.
"Ay? Pikon? Hahaha. Zang2x, pikon! Hoy. Bumalik ka dito! Hoy! Hahaha." Sumalampak na lang ulit ako sa malambot kong kama. "Haaay."
Tsk. Napaka-guilty talaga ng isang yun. At napaka-alaskador ko naman. Aminado ako diyan. Kaya heto ako, balik sa pakikipagtagisan ng tingin sa kisame.
"Ano? May sasabihin ka? Sabihin mo na kasi! Kaasar to."
Parang baliw na kinakausap ko ang kisame. Para namang sasagutin ako nito. Hahahaha. At kung mangyari nga yun, 'di naman kaya ako magkadapa-dapa sa pagtakbo sa sobrang takot?
"Hahaha. Nakakatawa naman tong pinag-iisip ko. Hmm. Ano ba kasing magandang gawin?"
Nag-isip pa ako...
.
.
.
.
.
.
...ng matagal.
"Aha!" Dali-dali kong kinuha laptop ko. "Makapagfacebook na nga lang."
Type ng username, ng password. Click log-in. Ano pa nga ba? Edi update ng status.
------
Melissa Montero is feeling bored.
Walang magawa. Ikaw ba?
------
Hahahaha. May mai-post lang eh. Matapos ng walang kwentang update, ayun. Tambay muna sa news feed. Basa-basa muna para naman aware sa mga ganap ganap diyan.
Basa.
------
Marionette Fernandez uploaded 5 new photos to her new album SUNDATE !!! <3
------
Hala! Hala! Katy naman netong isang 'to. High school classmate ko 'to eh. Gusgusin pa 'to noon. Akalain mong ang ganda na ngayon? Kaya nakabingwit ng boylet na gwapo eh! Haru. Makapagpost naman ng mga sweet moments nila.
Basa ulit.
------
Aila Mae Coronel updated her status.
Haaaay! He's really the one! \*0*/ Happy 5th Anniv babe Anton Rivero Jr! I love you!
------
Sus! 5th Anniv? Psh. Good luck. Maka-greet naman. Diba mas intimate pag pinersonal message mo yung mahal mo?
Basa pa.
------
Brent Fernandez updated his status.
He catches her attention without doing anything but not me who does everything.
------
Hmmm. Brent Fernandez? Kilala ko 'to eh. Hmmm. Siya yung... Sino nga ba yun? Ahh. Basta! Kilala ko talaga 'to. Alam ko nagkita na kami nito. Teka.
"Ang gay naman ng post nito. Hahahaha. Bakla ba yun? Ah. Paki ko?"
Basa na naman.
------
Glenda Cutie Marquez added a life event.
In a Relationship
with Paul Jake Regalado
Since May 1, 2014------
Hwaaat?!? Eh to-tomboy tomboy tong babaeng 'to nung mga high school pa lang kami ah! Naging babae na? Talaga?
"Haaay. Ano ba yan! Nang-aasar ba sila? Puro na lang tungkol sa lovelife nila tong mga nababasa ko. Aish."
Makapagpost na nga lang ulit.
------
Melissa Montero is feeling jealous but hopeful.
Hanu bah yhan? Oo na! Ako na ang walang lovelife! 'Pag ako pinansin na talaga ni my labs **********, nganga kayo! :P
------
Ilang saglit lang, inulan ng comment yung status ko. Psh. Haters? Marami ako niyan. Binasa ko na rin.
------
Comment 1: HAHAHAHA. May pa-sekre-sekreto ka pa eh alam na naman ng buong mundo yang inaangkin mong your 'labs'!
Comment 2: True! Sino pa nga ba? Eh 'di si Blenn Fortalejo! XD
Comment 3: Ang kulet lang! Kung ako sayo te, huwag ka na umasa uy! Hindi ka nun papansinin noh! Hahaha.
Comment 4: I agree! Ilang beses ka na bang tinurn-down ni Blenn ha Melissa? Wake up girl!
------
"Ano ba 'to?! Ang ne-nega at ang tsismosa at ang pakialamera naman ng mga taong 'to!"
If I know, mga may gusto lang din to sa Blenn my labs ko kaya ganito maka-react. Like duh? Persistent 'to noh! Kung hindi lang naman din sakin, lalong 'di ako makakapayag na isa sa mga fangirl na 'to maging gf niya noh! Asa sila. Hahaha.
Marami pang ibang nagcommet. Ganun lang din. Mga criticism. Pero may nakakuha ng atensyon ko.
------
Brent Fernandez: Hindi lang siya ang lalaki sa paligid mo. If you'll just give attention to others, you'll find your love.
------
"Weh? Paano naman mangyayari yun eh I already found my love! At si Blenn yun! Si Blenn! Hmm. Hetong sa inyo!"
------
Melissa Montero is feeling okay.
WALA KAYONG ALAM!!! XD
------
Naman! Yun lang at out na ako. Itinabi ko na lang laptop ko. Baka pumangit pa 'ko lalo sa negative energy ng mga haters ko!
Ay! Oo nga pala. hehe. Ako si Melissa Montero, kahit alam kong alam niyo na. :D I'm known sa nickname na 'Sang-Sang'. Kaka-birthday ko lang noong nakaraang linggo. I'm now 17 years old. First year college na ako sa Saint Paul University (SPU). I'm taking up Bachelor of Science in Accountancy.
Makulit! Yun daw ako sabi ng mga kaibigan ko. Haha. Siguro nga dahil alaskador ako. Asal high schooler pa. Psh. Anong magagawa ko? Eto ako eh! :D Hindi naman daw ako pangit. Sakto lang, kung idescribe ako ng mga friends ko. Ano nga kaya yung itsurang sakto lang? Hahaha.
Hmm. Walang boyfriend. Hindi pa nagkakaboyfriend. At mukhang hindi na talaga magkakaboyfriend.
"Aaah! Hindi! Ano ka ba Sang! Don't lose hope! Don't lose hope! Fighting!" Buong puso kong sabi at may pataas-taas pa talaga ng kamao sa ere. Para effective.
Haaay. Pero 'di nga? Magkakaboyfriend pa kaya ako kung 'di naman ako pansin ng lalaking gusto ko?
BINABASA MO ANG
BIGYANG-PANSIN
Teen FictionMay gusto ka pero 'di ka gusto. May nagkagusto nga sayo, 'di mo naman gusto. Ang gulo ba? Kaya basahin mo na lang kabuuan nitong istorya. :)