"Anong ginagawa mo dito?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Brent. Andito kasi ako ngayon sa may acacia. Wala lang. Feel ko lang magpunta rito. Simula kasi ng mangyari yung kahapon, nalungkot ako. Gusto ko na muna sanang mapag-isa. Pero hindi ko naman inasahang pupunta pa siya dito. Uwian na kasi.
"Ah. Wala naman. S-Sige, aalis na 'ko." Ba't ba nauutal ako? Lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya braso ko. Napaigting ako sa naramdaman kong kirot.
"Pasensya na. Anong nangyari dito?" Kung kanina'y inis ang nakita kong ekspresyon sa kanya, ngayon nama'y naramdaman ko ang pag-aalala. Tinutukoy niya yung galos sa may kaliwang braso ko.
"Ito ba? Ah. Wala lang 'yan. Alam mo na, tatanga-tanga. Hehe." Ito yung nakuha ko mula sa pagkakatalisod kahapon. Nagamot na rin naman to sa clinic. Pero medyo masakit lang talaga siya ngayon.
"Kung ganon, malala pala pagkakabagsak mo kahapon." Mahina niyang sabi pero rinig ko naman.
"Alam mo? Pero 'di mo man lang ako tinulungan?"
"Narinig namin ni Brenna ang konting kaluskus. Ng makita kitang naglalakad paalis, inakala kong okay ka lang. Hindi ka rin naman humingi ng tulong." Parang wala lang sa kanya pagkasabi niya.
"Hahahaha." Mapait akong napatawa sa realisasyon. "Oo nga naman. Sino ba naman ako para tulungan mo diba? At saka kasama mo yung b-babaeng mahal ka, so paki mo sakin? Hahaha. Ang bobo ko nga naman. Kasalanan ko rin naman yung kahapon, tatanga-tanga kasi. Ahm. Pasensya na, dami kong sinabi. Sige. Alis na 'ko." Dire-diretso kong sabi at tumalikod na.
"HAHAHAHAHAHA"
Nagpanting ang mga tenga ko ng marinig ang tawa niya. Nang-aasar ba siya? Nilingon ko siya't nakitang halos mangiyak-ngiyak sa kakatawa.
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?"
"Wala naman. T-Teka nga." Lumapit siya't tiningnan ako na parang nag-uusisa. Feeling ko namumula na ako sa hiya. "Nagseselos ka ba?"
I was caught off-guard by that question. Napaiwas tuloy ako ng tingin
"HA? Ako? Nagseselos? Hindi ah! Ba't naman ako magseselos?"
Hindi nga ba? Haaay. Ano ba yan! Siguro kulay kamatis na buong mukha ko.
"Oo nga. Ba't ka nga naman magseselos? Hindi ka naman dapat magselos kay Brenna."
"Hindi nga sabi ako nagseselos! Paki ko kung may iba ka ng mahal?" Defensive kong sagot. Feeling ko nilalaglag ko na sarili ko dito. (_._)
"Hahahahaha. Paniguradong matatawa rin si Brenna kapag nalaman niya 'to!"
"At magsusumbong ka pa talaga sa girlfriend mo? Ano ba! Ayoko ng gulo!" Seryoso kong sabi.
"Oo! Isusumbong talaga kita. Pero hindi sa girlfriend ko."
"Ha?"
"Alam mong wala ako nun. Isusumbong kita kay Brenna."
"H-Ha?"
"Aish. Ang slow mo talaga! Hindi ko girlfriend si Brenna. She's my younger sister. Sa high school department siya kaya 'di mo nakikita masyado."
"Ha? Talaga?"
Ngayon ko lang napagtanto, hawig nga naman sila.
"Oo nga. Hahahaha."
"Ahhh. Ganun ba." Parang napahiya naman ako sa mga pinagsasabi ko.
"Oo. 'Nga pala, anong ginagawa mo dito kahapon?"
"Ah, yun ba? W-Wala naman. Magpapahangin lang sana. Hehe."
BINABASA MO ANG
BIGYANG-PANSIN
Novela JuvenilMay gusto ka pero 'di ka gusto. May nagkagusto nga sayo, 'di mo naman gusto. Ang gulo ba? Kaya basahin mo na lang kabuuan nitong istorya. :)