HIS POV

Tangna pasukan na naman! Bagot na bagot na ako sa prof ko. Sawang sawa na ko sa mukha niya!

Uulit kase ako ng isang unit. Anak ng gago naman o!

Basta tungkol sa Math yung unit na yun. Ewan ko ba kung bakit ako binagsak nung teacher dun. Mas magaling kase ako sa kanya.

Hindi kayo naniniwala? tangsyet! Totoo yun. Nagsasabi ako ng pawang katotohanan lamang. Siguro kase lagi ko siyang kinocorrect tapos nasagot sagot ko pa kaya hello singko ako. Tsaka di rin ako pumapasok sa klase niya kase alam ko na naman ituturo niya.

Pero nabalitaan ko na ka-block ko siya dito. Yung nagnakaw ng pizza ko.

HER POV

Hindi na ako nagulat. Tsaka there's no need na magulat ako na ka-block ko yung mukhang surot na katapat ko ng condo. Bakit naman ako magugulat?

Tss. Bobo pa naman ako sa Math. Tapos may ungas pa akong seatmate na bali-balitang kopyahan ng bayan. Hahays. Akala ko sa college wala ng kopyahan.

Tapos ano.. uhmm. Crush siya ng bayan! hays. ang hirap tanggapin na 'oo, ang gwapo niya'. Nakakainis kase kung di lang siya magnanakaw ng condo unit, crush ko na to.

Teka! Nasabi ko ba yon? Erase! Erase!

Bakit ako nagkakaganito ngayon? Ndi naman ako ganito ah? Ganito ba naidudulot ng pizza?!

HIS POV

Dumating na yung prof namin. Ayan na, mukhang magkikita ulit kame nung pipitchuging prof na yun.

Buti nalang katabi ko tong gagang to. At least

masaya hahahaha

HER POV

Parang may static forces of electricity sa mata nung katabi ko tas sa prof. Hala.

Ayun discussion na napakaboring to the point na sarap hambalusin nung prof sa blackboard. At isa lang ang naintindihan ko, yun ay wala talaga akong naintindihan. Nagbigay pa ng assignment ang mokong! Aba! Kawawa naman ang beyutipul fes ko sa problema ng math na yan o.

Ayun pauwi na ko ng unit ko.

Tapos eto na sinasagutan ko na assignments ko. Kaso anak ng lahat ng tatay at nanay! Natapos ko na lahat except sa Math.

/lightbulb

Ayun naka-isip ako ng paraan! Magpapaturo ako dun sa katapat ng unit ko.

/knocks

/door opens

Natulala si-- teka wait sino nga ba to? ah basta siya. Ganun na ba ako kaganda? hahahaha

jokjok.

Ako: Paturo math.

Aba! pagkasabi ko niyan, tinitigan lang ako. Walang hiya naman o. Sinarhan pa ako ng pinto.

Nagbilang ako ng numbers pagkaalis ko nang...

1......2.......3!

Biglang bumukas yung pinto. Tumalikod ako, pero wala parin. Huhta! Pinapaasa ko sarili ko. Babagsak na talaga ako sa Math nito.

***

Next sched ko na naman yung Math. Bahala na. Sinagutan ko naman yun sa lahat ng makakaya ko. Tsaka wala naman pake yung prof kung babagsak ako e.

"Ms. Shin, I don't want students who have C minus in my class. Get out!"

Omg. I was doomed. Natulala ako pero syempre lumabas agad ako ng room. ayoko pang magsalita dun ng 'but--' tapos mapuputol naman at sasabihin ng prof na 'I said get out of this room' hays.

HIS POV

Haynako! Walang kupas pa rin talaga tong teacher na to kahit kailan.

Kawawa naman tuloy yun. Tinginan lahat sa kanya nung paglabas niya.

HER POV

Nagstay muna ako sa mini park ng school namin. Hays :3

Badtrip. Nasa bag yung wallet ko! Naiwan sa room. Malas naman oh.

Edi nakatulala nalang ako poreber sa mga kumakain dito.

Hays! Kamusta naman kaya yung ugok na yun-- Ay teka! Erase erase.

Shet! Naiiyak na ko. Bakit ba kase masamang prof napunta sa pinaka hate kong subject! ughhhh. I loathe math till death. ( / u \ )

"Gusto mo?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Pizza Was Stolen // Stolen Pizza [on-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon