Chapter 1 - Fall For You

279 5 1
                                    

Chapter 1

Gwen

 

It feels good if you have someone to admire, right? Lalo pa’t alam nya na crush mo sya. Eeeeeh! Paano kung alam nga nya kaso wala naman syang pakialam? Ooooh! That hurts. So embarrassing.

That’s my love life’s story. Nagkaroon ng crush, dinibdib kaya naging pag-ibig. At kahit na saksakan pa ng pagkasuplado ang crush ko, hindi ko rin naman maitatangging ang gwapo-gwapo nya at ang tali-talino pa.

Ako kaya? Crush nya rin kaya ako? Imposible! I think he doesn’t even have an interest on a girl like me. Siguro ang gusto nya eh yung mga magaganda at may hubog ang katawan. Me? Tsk! Hopeless.

Isa lang naman kasi ang lalaking tinutukoy ko. He’s the heartthrob of the school campus na walang ibang ginawa kundi ang sungitan or else i-snob ang mga babaeng nagtatapat ng pag-ibig sa kanya. Pero kahit ganun ang ginagawa nya, okay lang naman sa mga girls. Yet, girls are still admiring him. Ano nga kaya meron ang lalaking iyon at ganun na lamang ang pagsamba ng mga babae sa kanya? Kulang na nga lang eh maging santo na sya ng mga babae.

Pero alam nyo ba na isa rin ako sa mga humahanga sa kanya? Yes! I also confessed my feelings for him and as expected… BOOM PANES! He did not even bother to give any attentention.  Moreover, I was humiliated. At gaya rin ng ibang mga babae na humahanga sa kanya…. Okay lang din sakin! Haha!

Ngayon, naiinis pa rin ako sa nangyari. I will never forget that day when he rejected my feelings.

 

Simula nung nag-junior high school ako, naging kaklase ko sya. Tatlong taon kong inilihim sa kanya na crush ko sya kasi nahihiya ako. Sino ba namang hindi mahihiya kung may crush ka sa isang tao? Tanging ako lang at wala nang iba pa ang nakakaalam ng lahat-lahat.

Si Ruie Alexander Gatchalian ang pinakamatalino sa batch namin. 184 cm tall, 122 pounds, maputi, galing sa mayamang pamilya, at bunso sa kanilang magkapatid. Kasama sya sa Class A o ang tinatawag ng lahat na Upper Class. Kasama rin kaya ako don noong junior high school pa ako kaso nang mag-senior high school na ‘ko, nalaglag ako from Upper Class to Lower Class. Uy! Parang Royal Status lang ah. Ang saklap nga lang.

Si Ruie ang laging Rank 1. Halos lahat ng exams nya….PERFECT! Eh pano kasi, genius. Ang IQ nya 196. Wow! How I wish na genius din ako katulad nya. Sa klase, wala syang ibang ginagawa kundi umupo sa armchair nya habang pinaglalaruan ang ballpen sa mga daliri nya. Bukod dun, hindi mo sya makikitang kumukopya ng mga notes sa whiteboard. Kaya nga nagtataka kami kung bakit kapag nagsu-submit ng  notebooks sa teachers ay may kopya naman sya? Siguro sa bahay sya nagkokopya? Kanino naman sya humihiram eh hindi naman sya yung tipo ng taong umaasa sa iba.

Imposible namang masaulo nya ang lahat ng mga nakasulat sa board kahit na genius pa sya. Ang dami kaya non! Baka sumabog na ang ulo nya kung ginawa nga nya yun. Well…never mind. He has his own ways. I have my own.

Ako nga pala si Grenn Emmanuel Buendia also known as Gwen. Dating Upper Class at ngayon ay Lower Class na. 164 cm tall, 98 pounds, at solong anak. Ang estado ng pamilya ko ay may kinalaman sa pagbaba ko sa Lower Class. Ganito kasi ang nangyari…

Laki ako sa isang mayamang pamilya. Ang Papa ko ay isang doktor. Dati kaming may ari ng isa sa pinakamalaking ospital sa Maynila kaso ngayon, hindi na kami ang may ari. Ibinenta na kasi ni Papa ang ospital dahil sa kinailangan na namin ng pera dahil kailangan naming ipagamot si Mama. Malubha kasi noon ang sakit ni Mama. Kinailangan syang maoperahan para matanggal ang tumor sa utak nya. Kaso hindi naging successful ang operasyon kaya nawala samin ni Mama.

Na-bankrupt ang pamilya namin pagkatapos mawala ni Mama. Masyado kong dinamdam ang pagkawala nya kaya hindi ko na naituon ang atensyon ko sa pag-aaral ko. Halos wala kasing pumasok sa utak ko noong mga panahong iyon. Pero hindi kami nawalan ng pag-asa ni Papa. Naghanap ng ibang trabaho si Papa. Isa pa rin syang doktor pero hindi sya sa ospital nagtatrabaho kundi sa isang malaking kumpanya at sa isang mayamang pamilya. Ayos din si Papa di ba?

One-Sided LoveWhere stories live. Discover now