Episode 6 (Tiger Lion)

234 9 0
                                    

"So saan galing ang magaling kong kapatid?" Bungad na tanong ni kuya pagka bukas ko palang ng gate

"Kuyaaa..."

"Sino yang kasama mo? Bagong sasakyan ba yan ni Kyler?"

"Hindi kuya friend ko yan asan si dad?" Kabado kong tanong bwal kasi kaming ma late ng uwi pag anjan si dad

"Don't worry sabi ko nasa kwarto mo lang ikaw parang kilala ko kung kanino yung sasakyan nayun"

"So bakit nasa labas ang magaling kong kuya?" Tanong ko

"Inaantay ka malamang kala ko si Kyler ang kasama mo magagalit sana ako kasi anong oras na"

Medyo nawala yung ngiti sa muka ko at nag lakad na papasok ng bahay "pasok na tayo kuya baka mahuli pako ni dad" pag nalaman nyang umuuwi kami ng ganitong oras kaltas sa allowance namin yun

Pag pasok ko sa kwarto ko umupo nako sa pinto naka tulala lang ako tinanggal ko yung wig nilapag sa sahig at unti unti ng pumatak yung luha sa mata ko ansakit talaga tangina napaka sakit ng ginawa nila sakin nag tiwala ako ng sobra!

Sa sobrang iyak ko hindi ko na pinigilan ang sarili ko pag gising ko hindi kona namalayan na nakatulog ako sa sahig sa tapat ng pinto basta kahit tulog nako ansakit parin

- - -

~ KNOCK KNOCK!!
Sino ba yan ang aga aga!

~knock knock knock!!

~Bag! Bag bag!!

~DOOGS!

Nagising yung diwa ko nung kinalampag pinto ko

"Sino ba yan!"

"KINARY BUKSAN MO TONG PINTO!" bulalas ni kuya grabe literal na galit boses nya kaya agad akong umupo syet sa sahig ako naka tulog ni hindi ako nakapag palit ng damit

Binuksan na ni kuya yung pinto binigay ko nga pala yung susi ansakit ng ulo ko syet! Agad kong sinuot yung wig ko

"Tignan mo jan kana nakatulog sa sahig tumayo ka papasok ako!" Tumayo ako naka talikod ako kay kuya napa pikit ako dahil kumirot yung sugat ko syet!

"Mag uusap tayo babalikan kita aalis tayo!"

Kahit masakit yung ulo ko naligo ako ansakit nung tuhod ko ngayon ko lang nararamdaman grabe pumili ako ng pants na hindi fitted then croptop don't worry 1inch lang labas sa tummy ko tska malakas loob kong mag suot ng ganito dahil bagay saakin at subukan nila kong bastusin yari sila kay kuya

Uminom ako ng gamot dahil ansakit talaga ng ulo ko nag d-drive si kuya nakaka takot sya walang expression yung muka tapos ambilis nya mag paandar

"San tayo pupunta kuya?"

"Sa hide out namin!" Medyo pasigaw nyang sambit

"Why? Wait nag paalam kaba kay dad?" Tanong ko

"Shut up!"

-- - -

Nandito na kami sa hideout ng Tiger Lion parang bahay nila tong apat pero dalawa palang nakikilala ko bukod sa kuya ko yung isa kasi hindi daw friendly parang ayaw makihalubilo sa iba yung samahan nilang apat ay sikat mga pogi kasi sila pero tawag ko kay kuya pangit, si Peter pogi rin crush ko nga yun nung una kong makita eh, si Matthew oo gwapo din kaso kilala ko kasi yun napaka impatient nya konting di pag kakaintindihan away bugbugan ewan ko bahala sila jan

"Bakit tumigil sa pakikipag kampihan ang mga water dragon!?"

"E-ewan ko kuya!" Malamang dahil break na nga kami diba

"Una palang alam kona na mang yayari yun pero dahil ayaw mo ng gulo sa grupo namin nagkaisa kami"

"Sorry kuya.."

"Totoo ba!?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong niya "N-naano kuya?" Tanong ko

"Sinong nakipag break?" Tanong ni kuya saakin

Gustong pumatak ng luha ko ansakit sa pride ko na ako yung iniwan

"A-ako, ako yung iniwan kuya..." Wala na paga kuya ko tumulo yung luha ko niyakap ako ni kuya naka upo ako kaya sa tummy nya lang ako naka yakap hinawakan nya yung ulo ko

"It's ok Kina kasama sa paglaki yan" biro ng kuya ko saakin kaso ansakit talaga gusto kong maglabas ng sama ng loob

- - -
Clarence/ Rence P.O.V.

"Sinong nakipag break?" Tanong ko

Nakita kong paiyak na si Kina gusto kong magalit pero natural lang naman kasing mag break ang mag ka relasyo

"A-ako, ako yung iniwan kuya..." Niyakap kona siya kasi umiyak na siya

"It's ok Kina kasama sa paglaki yan" biro ko nakita ko naman sina Peter, Matt, at Caleb kumaway si Caleb senyas na tinatawag niya ako pina tawag ako ni Zach kay Caleb si Matt naka tawa lang mukang gago

"Talaga ba Rence!?" Pang aasar ni Matt saakin

"Paumanhin sa pag interrupt sa bonding nyong mag utol tol Rence gusto ka nyang makausap"

Pinunasan agad ni Kina yung luha niya at tumango means yes kaya lumapit ako sa kanila sa play room namin

"Ano yun?" Tanong ko

"Tol gusto kang kausapin ni Caleb bakit nga ba leb?" Tanong ni Matt

"Tol kilala ko yang kapatid mo nung na hangover ako kahapon andun din sya sa clinic" nanlaki mata ko bakit?

"Tignan mo nalang yung tuhod ng utol mo, at itanong mo kung bakit sila nag break mukang hindi naman private yung breakup nila dahil kalat sa social media"

"Sabihin mona tol"

Tumango ako at lumapit kay Kina, silang tatlo makikinig nalang daw

"Kina?"

"Yes kuya" naka ngiti pa siya hinala lang na kaya nya pang ngumiti pero sa loob umiiyak siya

"Bakit kayo nag break!?" Medyo siryoso ko ng tanong

"Wala lang kuya.." Sagot niya pero hindi siya makatingin saakin

"Hiniwalayan ka nya dahil wala lang kung bug bugin ko kaya sya pag nag kita kami?" Pananakot ko

"Wag!" Yumuko siya "kuya mahal koparin yun"

"BAKIT NGA!!?" GAalit at pasigaw kong giit sakanya

"K-kuya ..."

"Isa!" Bilang ko

"Dalawa! Pag nag tatlo ako na mag tatanong sakanya!"

"Tat-"

"Sila ni Sav!" Humagulgol na ang kapatid ko at yumakap sakin nagulat ako

"Yung bestfriend mo?" Tanong ko

"Ex bestfriend kuya, kuyaaa.. Ansakit ansakit sakit ng ginawa nila saakin kuyaaa nag tiwala ako nag mahal ako" hinayaan ko syang umiyak at mag salita pero gi-gil na gigil na yung kamao kong suntukin si Kyler

"Nung una kuya akala ko kaya nyako iiwan dahil ..." Lumayo siya ng kaunti saakin nanlaki yung mata ko sa ginawa niya naka wig lang siya?

"Akala ko dahil nakalbo ako, pero hindi pala"

Ng gigil na talaga ko hinampas ko yung lamesa "putangina! Sinong gumawa niyan sayo!? Sabihin mo!" Lumabas yung tatlo kaya agad sinuot ni Kina yung wig nya

"Kuya hindi ko alam pero alam kong hindi siya"

Sumenyas yung tatlo papasok ulit sila sa kwarto akala nila siguro mag babasag ako sumenyas si Caleb na tignan ko yung tuhod ni Kina

Inangat ko yung pants ni Kina agad nyang binaba ito

"Ayy putangina ayan sinong my gawa nyan!?" Tanong ko

Yung tatlo pumasok na ulit sa loob syempre ayaw nila maki alam

"Nung nag break kami kuya napaluhod ako sa my bubog dinya kasalanan kuya ako my kasalanan"

"Pinag tatangol mopa!"

My Ex ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon