One

57 2 1
                                    

Sa loob ng tatlong araw, nahulog ako sayo.

Oo alam ko hindi kapani paniwala at posible nga ba ito?

Naniwala ako na baka totoo ang pinapakita mo sakin, na baka nga may gusto ka rin sa akin.

Masama bang umasa na baka mayroon nga talaga?

Dahil sa ipinapakita mong hindi ko alam kung totoo nga ba talaga o pinaglalaruan mo lang ako.

Kung totoo ba ang lahat ng mga matatamis na salita mo?

Kung totoo nga ba ang lahat ng pag aalala mo?

Kung totoo nga bang hinahangad mo ang atensyon ko na gusto mo lamang ay para sayo?

Ang mga pagsasabi mo sakin ng mga matatamis na salita na siyang nagpahulog sakin.

Ang sabi mo pa noon, "kung sakali ba ay papayag ka kung liligawan kita?"

Umoo ako at natawa dahil, "sa wakas, mayroon na ding taong tunay na magmamahal sa akin".

Lumipas ang ilang araw at mas lalo akong nahulog sayo.

Sa mga pinapakita at pinararamdam mo

Umasa akong baka nga nahulog kana din sa akin

Ngunit pagkalipas ng tatlong araw,

Anong nangyari sa atin?

'Atin'?

Oo nga pala, walang atin.

Kumbaga, walang tayo.

Isa nga lang pala akong tagahanga mo.

Oo, alam ko wala akong karapatang magalit sayo dahil unang una, ako ang nakipagkaibigan at umamin ng nararamdaman ko sayo

Pero sana ay di mo nalang ako pinakilig kung sa huli ay papaasahin mo lang din ako

Tinanong na kita, "pano kung mahulog na ko ng tuluyan sayo at bigla kang mawala?"

Ang sabi mo, "wag kang mag alala, di ako mawawala. Dito lang ako, pangako"

Asan na ang pangako mo?

Na hindi mo ko iiwan?

Naglaho din ba tulad mo na biglang nawala pagkatapos ng pagpapakilig at ligaya na dala mo sa akin?

Unspoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon