Chapter One ('Til We Meet Again)

21 1 0
                                    

Bakit ganun? Parang ang unfair diba? I love her at sabi niya mahal niya din ako.

Pero bakit niya ko iniwan?

Am i not worth it? I did everything just to make her smile. Pinaramdam ko sakanya kung gaano ako kasincere sa pagmamahal ko sakanya. 

And how could i let her go in just 7 days? 

 

Toby's POV

"We're through" 

*sigh* Naalala ko na naman. Yan yung huli niyang sinabi sakin. Sinong 'di masasaktan diba? Mahal ko siya kahit na 7 days lang nagtagal ang relasyon namin. Bakit Lord? T.T Bakit!? 

 

Anyways, I'm Antonio Billus Garcia but you can call me Toby for short. 17 yrs of age. Hindi ako matalino at medyo hard headed ako. Mag-aaral ako sa Ridgeview University. Ayaw ko naman talaga sa school na yan e, puro kasi maaarte mga tao diyan. Akala mo naman kung sino sila, If i know mabaho din mga utot nila. Tss. 

 

Anong araw ba ngayon? *Tingin sa calendar* Ahh. Monday. First day of class. 1st year college na ko, and i'm taking medicine kasi yun yung gusto ng Dad ko --" 

 

Naligo na ako at nagbihis. At dahil first day ngayon, Di ako pwedeng malate. Orientation pa naman para sa mga freshmen. 

 

Jess's POV 

"Jess malelate ka na! Bumaba ka na dito!" 

Ohh That was Mom. I checked the time and it's.. 

 

 

8:00 AM???!! Srsly? Sobraaaang late na koooo! Sa pagkakaalam ko 7:00 AM ang umpisa ng Orientation. Ugh. Bye muna. I need to fix myslef. I am so messed up :3 

 

Toby's POV 

Matapos ang isang oras na pagtayo para sa lintek na Orientation na yan, Ayun natapos din. Grabe ha. Papunta na ko sa building ko ng biglang.. 

 

*Blagshds* 

"Araaaaay! Ano ba? Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Ako

"So-sorry I'm in a hurry kasi e." Sabi nung babae

Sobrang laking gulat ko ng makita ko ang mukha niya O.O 

Hindi. Imposible. Hindi talaga to pwedeng mangyari.. Multo ng nakaraan? 

 

Bakit ko nasabing multo? Kasi matagal ko na siyang pinatay sa puso't isipan ko. Jessica was my one great love. Siya yung kinekwento ko kanina. And this girl in front of me. Sobrang magkamukha sila. 

 

"Sa susunod mag-ingat ka ng wala kang napeperwisyong tao" Agad akong tumakbo papalayo sa kanya. 

 

Nandito na ako ngayon sa Building ko. 

"Uhm Bro? May nakaupo ba dito?" Tanong ko dun sa lalaki 

"Wala :)" Sagot niya

"Ako nga pala sa Toby" I offer shakehands to him 

"Nicolo at eto nga pala yung friend ko, Si Matteo" Tinuro niya yung guy sa front seat

"Hi" I smiled at Matteo

He smiled back

After 2 Hours of discussion *Ting* Break timeee.

Akala ko sa kinder lang may breaktime :D 

"Toby sama ka na samin, pupunta kasi kami sa cafeteria ni Matt e" Si Nicolo 

"Sige" Sagot ko naman

-Cafeteria- 

"Ui ano yun? Parang may binubully ata" Si Matt 

"Uh-oh Jacob the gangster. Ganyan yang mga yan. Basta bago sa school na 'to at sa tingin nila e mahina pinagtutulungan nila. Highschool pa lang ganyan na sila. Wala ng bago dun. Wala namang naglalakas loob para kalabanin sila. Ate Isang Cheeseburger po" Nicolo 

Matapos ko marinig ang kwento ni Nicolo, Agad kong tinignan yung nangyayari. 

 

"Hahahaha! Kunin mo to oh!" At ipinasa nung matabang lalaki yung bag sa kasamahan niya. 

"Kawawa ka naman HAHA. Sayang ganda mo, Nerd ka kasi" Eto ata yung leader nila. Nagtangka siyang halikan yung babae. At pagtingin ko.. 

 

"Jessica!" Agad akong tumakbo papunta sa kanya at hinila palayo yung lalaki. 

"Aba! Aba! May nagmamatapang oh! Boyfriend mo ba to ha?" At dinuro duro ako nung lalaki. 

"Eh anong pakialam mo?! Tsaka talaga bang wala kayong magawa sa buhay niyo? Pati isang inosenteng babae pinagtitripan niyo" Pasigaw kong sabi

"Sino ka ba sa tingin mo?! Hindi mo ba kami kilala?!"

"Kahit sinong santo pa kayo, Wala akong pakealam!"

"Ah ganon" Bigla akong sinuntok nung leader nila

Bumawi ako ng suntok at hinawakan ang kamay nung babae.

"Takbooo" Ako

 

Habang tumatakbo, Di ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Para bang matagal ko na siyang nakasama, Feeling ko matagal ko na siyang kilala. Pero imposible, Kasi kung siya si Jessica, Edi sana nakilala niya ko.

Nagising na lang ako sa katotohanan ng maramdaman kong tumigil siya sa pagtakbo.

"Jes--"

Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil bigla siyang nawalan ng malay. Binuhat ko siya agad at dinala sa clinic.

 

Jess's POV

Awwww. Whut happened? Ang sakit ng ulo ko. The last thing i remembered was i'm running with a guy and everything went black.

"Gising ka na pala" Sabi nung lalaking nagligtas sakin

"Uhm. Anong nangyari?" Tanong ko

"Nung tumatakbo kasi tayo, Bigla kang nahimatay. Akala ko naman kung anong nangyari sayo, Pero sabi nung Nurse pagod lang daw ang dahilan niyan." Paliwanag niya

"Salamat ha." Ako

"Walang anuman, Sabi ko naman kasi sayo mag-iingat ka. Ayan napagtripan ka tuloy" Sermon niya sakin

Napayuko na lang ako.

"Pwede bang magtanong?" Ako

"Ano yun?" Siya habang nagtetext

"Bakit mo ko tinawag na Jessica?" Tanong ko

Napatingin siya sakin na tila nagulat siya sa tanong ko.

He was about to open his mouth when suddenly a guy came in.

"Bro eto na yung gamot"

"O Nicolo. Salamat" Sabi niya dun sa lalaking pumasok. "Eto na yung gamot mo, Inumin mo yan every after meal para bumalik yang lakas mo. Mauna na kami kasi magsisimula na yung klase ko."

Pagkaabot niya sakin ng gamot ay lumabas na siya.

Bakit tinawag niya akong Jessica?

--

Itutuloy :)

-illbeyourshoulder

7 Perfect DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon