Heading north

28 0 0
                                    

"Excuse me sir, here is today's newspaper" sbi ni karen, ang kanyang personal secretary na siyang bumasag ng lalim ng kanyang pagiisip. sabay lapag ng mga dala nito skanyang table. " is there anything else that you need, sir?" tanong nito. "no."  "i just want to remind you sir that your schedule for today starts at eight." sabi nito habang chinicheck ang scheduled appointments niya sa ipad na hawak nito. " its a breakfast meeting with Mr.Cortez of Lumina holdings... after that an early lunch with the president of Lotus Realty.. then.." dredretso nitong briefing sakanya. "spare me the gruelling details, karen. binabasa mo pa lang napapagod na ko." natatawa nitong pigil kay karen. " don't worry sir i'll give you enough time to have a decent lunch." ganting biro nito. sabay ikot ng mata sa opisina niya.

nasa 40th floor at nkaharap sa manila bay ang malaki at modernong opisina ng presidente ng Northlass Builders Inc. na si North Sebastian, a very prominent man in the construction and realty business circle. shrewd and heartless pgdating sa negosyo at bago pa man dumating ang ika 30 nyang kaarawan,  marami na siyang napatunayan. "dito ka nanaman natulog?" nakakunot ang noong sbi ng sekretarya ng makitang nakababa ang recliner ng swivel chair nya. "hindi ko na namalayang nakaidlip ako kgbi sa dami ng planong kelangan ng aproval ko at medyo marami rin ang kelangan ng revisions." depensya niya s sarili. bata pa siya sekretarya na ng ama nya si karen kaya para n niya itong pangalawa ina dahil malapit ito sa kanilang pamilya. nang mamatay ang ama nya ilang taon na ang lumipas at unti unting nalugi ang construction company nito dahil sa mismanagement ng pumalit na presidente kaya kahit mahirap at hindi pa ganong kumikita ang sarili niyang kumpanya ay pikit mata siyang sumugal, nagloan siya sa banko at ginamit nya ang asset ng Northlass upang bilhin ang mga shares ng papaluging kumpanya ng ama. ang dating Solid trade construction pinalago nyang muli sa tuĺong ng mga tapat at mga mapagkakatiwalaang mga tauhan ng ama. dahil dito marami ang mga humanga at bumilib sakanyang kakayahan, at ang Northlass Builders Inc. ay naging isa mga pinakamatagumpay na kumpanya pagdating sa construction.

"I really don't understand why you keep doing this.." sabi nito "what do you mean?" tanong niya kasabay ng paglingon dito mula sa pagkakatitig sa karagatan na nababalutan ng nakakasilaw na liwanag mula sa sumisikat na araw."this, killing yourself for this damn company... alam nating lahat na matatag na ang kumpanya at lahat kmi ay nakahandang magsakripisyo kung gugustuhin mong magbakasyon at ayusin ang mga personal mong problema." seryoso nitong sagot."Hindi ka na bata, its been .. what?..five? six years? mahabang panahon na ang sinayang ninyong dalawa, Maybe its time for you to chase after her.." muli niyang binalik ang tingin s labas ng glass wall, hindi na siya nagpanggap na hindi nya ito naiintindihan at dahil kgaya ng mga executives niya dito na tumanda ang kanyang sekretarya at alam nito ang mga nakatagong lihim ng pamilya, lalo na ang mga lihim na naging dahilan ng pinagsimulan ng alitan nilang magama.

Mula sa pagkakatayo sa tabi ng salamin ay lumakad siya papunta sa lamesa nya na nasa gitna ng magarang opisina. dinampot nya ang dyaryong nkapatong doon at mabilis na hinanap ang isang article sa entertainment section ng broadsheet na iyon. isang malaking larawan ang naroroon isang pares ng nakangiting magandang babae at gwapong lalaki na pinagkakaguluhan ng mga media sa airport at sa taas nun ang caption, naka tiim ang bagang at madilim ang mukhang inabot nya iyon sa nagtatakang sekretary.

CELEBRITY SPOTTING:
European superstar Justice Cohen spotted at NAIA with the beautiful Orchestra pianist Larissa Delgado.

Sa nanlalaking mga mata na puno ng pagkabigla ay tumingin ito sakanya na parang di malaman kung ano ang sasabihin.

"Kahapon pa siya dumating, hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwalang nandito na siyang muli sa pilipinas." he sighed."She didn't even bothered to contact me."  puno man ng pananabik ang puso nya,hindi pa rin maiwasang makadama siya ng kaba na matagal na niyang hindi naramdamn. kahapon pa nya nalaman ang balita pero hangang ngaun di pa rin siya mkapaniwala. Bigla nyang naalala ang kasama nito sa larawan,  umahon ang galit at paninibugho sa puso niya,  sino ito at anong kinalaman nito sa asawa niya? . nakakuyom ang mga palad nyang tanong sa sarili at hindi niya nagugustuhan ang mga sagot na naiisip niya
Asawa? may karapatan pa ba siyang tawagin ito ng ganon? Anim na taon na silang hindi nagkikita, pagkatapos ng halos isang taong pagsasama ay bigla nalang itong umalis ng hindi man lang nagpapaalam. at dahil sa pride hindi man lang niya ito sinubukang hingan ng paliwanag. kahit gusto man ng puso nyang sundan ito ay pinigil nya ang sarili dahil inakala nyang kusa itong babalik sakanya at kaya nyang maghintay gaano man katagal.. hanggang sa lumipas ang maraming taon hindi na ito muling nagpakita sa kanya, ang huling balita nya dito ay meron na itong anak at naglilibot ito sa ibat ibang bansa upang magconcert kasama ang buong orchestra at sa paglipas ng mga panahon ang pag asam na nasa puso nya ay unti unting napalitan ng dissappointment at frustration. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mrs. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon