First

573 12 8
                                    

Chapter 1

"Carmela Fatunay ang pangalan ko,ay!Sa aking pamilyay tumutulong ako!Nagtatrabaho ng kahit ano!Sanay akong magbanat ng buto!Si senyor!"

"Ano ba naman Melang ang ingay ingay mo ke aga aga pa oh!susme naman!Huwag mong sirain ang araw namin!"

"Oo nga melang,magtrabaho ka na lang please!"

"Alam niyo ang kiKJ niyo,ang ganda kaya ng boses ko!Che!"

Yung ang ganda ganda ng gising mo tapos sisirain lang ng mga kaofficemates mo?kainis ha!ganda kaya ng boses ko di ba?di ba?hihihihi

Ang ganda ko talaga ngayon sana naman may mangyaring maganda ngayon no?Hayy makapagtrabaho na nga lang.

*type dito,isip dito,type doon,isip doon,type type,type,type,type,type,type,type,ty--

"Okay guys itigil nyo na muna ang pagtatrabaho."

Bigla na lang anunsiyo ng supervisor namin.Buti na lang dahil malapit na akong maloka sa kakatype.

"Alam niyo na naman siguro na aalis na si Ms.Jean bilang Manager."

Aweee mamimiss ko talaga si Ma'am.Napakabait nun saka maasikaso din.Sana naman katulad nya yung papalit sa kanya.

"At ngayon makikilala na natin ang bagong Manager nyo.Please welcome Kim Fajardo."

"Hi everyone.Nice meeting you all."

Biglang nanlaki ang mata ko ng makita ko sya.What the!Bat sya nandito!Bigla akong pinagpawisan kahit na naka todo aircon ang opisina namin.Hindi ko inaasahan na magkikita kami ngayon dito at worst pa ay makakatrabaho ko pa siya.Gosh!

"Hoy melang"Tapik sa akin ng aking bestfriend na si Jessey."Okay ka lang ba?Bat bigla kang namutla dyan?"

"Ah oo wala lang to"ngumiti na lamang ako sa kanya para hindi na nya mahalata pa.Ang lakas nang kabog ng dibdib ko ng igala nya ang kanyang mga mata sa amin.Huwag kang tumingin dito plea--

Shet nagtama ang mga mata namin dalawa pero saglit lang iyon para bang hindi nya ko kilala.Ang sakit!

Xxxxxxxxx

Nandito kami ngayon sa cafeteria at kumakain.Libre lahat ng bagong Manager ang lunch namin ngayon.

"Hay ang gwapo talaga ni Manager kahit tibo sya at ang bait pa"

"Oo nga tsh!ang sarap papakin"

"Mas masarap syang iuwi teh!"

Awtomatikong tumaas ang kilay ko sa mga babaeng nasa kabilang table.Huy mga teh!Akin lng sya no!

"Alam mo Melang,feeling ko magiging ganado ang pagtatrabaho ko dito dahil kay Manager!Eeeehhh!"

At isa pa talaga si Jessey sa magiging karibal ko ah!Hay alam lang niya ay may ex ako ok pero di niya pa nalalaman na si Kim iyon.Speaking of Kim,ganon na ba katagal ang apat na taon para makalimutan niya ako?Wala na bang halaga sa kanya yung pinagsamahan namin dati?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang tinapik ako ni Jessey.

"Huy ano bang nangyayari sayo at bigla ka na lang napapatulala dyan? At hindi mo pa ginagalaw yang pagkain mo."

Napailing na lamang ako

"Ah wala iniisip ko lang yung report na pinapagawa sa akin." at sinimulan ko na rin ang pagkain.

Mayatmaya pa ay nag-aya ng bumalik na si Jessey sa opisina namin.

"Jessey mauna ka na muna.Punta lang akong CR."

"Sige,mauna na ako."

Nagsimula na akong maglakad ng nakayuko papunta sa Girls CR nang biglang may humarang na mga muscles sa mukha ko.

"Sorry Miss"sabi ng nakabangga ko

Napaangat ako ng ulo at nanlaki ang mga mata ng tumambad sa aking ang mukha ng taong minsan ng nagbigay kulay sa mundo ko.

"Ahm sorry din po."paghinging paumanhin ko

"Its okay.Just watch your steps next time.Sige una nako."

At ganon na lamang ang pagkadismaya ko ng umalis sya.Hindi ko inaasahan yon sa kanya pero ano pa nga bang aasahan ko sa kanya pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa?

Hindi ko man maamin pero ang sakit lang ng hindi ka na maalala ng taong mahal mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Here By MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon