Well, I have no plans for making a sequel, but yeah. Imagination runs. Hihi. Please do vote and comment. Thank you~ The story is in Tagalog. Warning, mature content ahead.
---
TAO's POV
Dalawang taon na din ang nakalipas. Dahil lang sa isang pagkakamali, nawala 'yung babaeng pinakamamahal ko. Dahil lang sa pagkakamali na inakala kong maitatatama ko pa...iniwanan ako ni Xiara.
Gusto ko siyang makita ulit, mayakap. Mahal na mahal ko pa din si Xiara, simula noong gabing 'yun, para lang siyang bulang mabilis mawala sa paningin at 'yun nga...nawalan na ako ng balita tungkol sa kanya.
Alas-onse ng gabi. Sa mga oras na 'to dapat nasa condo unit na ako, pero nakakawalang gana umuwi. Wala naman siya. Namimiss ko 'yung mga panahon na kahit mag-aalas otso palang atat na akong umuwi, pero dahil sa trabaho ko bilang artista, dapat mag-ensayo pa ako ng mabuti.
Nagsimula na ang tugtog na isinalang ko at kahit mag-isa sa loob ng practice room, tuloy lang ako sa pagsayaw.
Modeungeol geolgo neol deurikin nan
Ije dorikilsudo eopda
Igeon bunmyeong wiheomhan jungdok
So bad no one can stop her
Xiara. Hindi siya mawala sa isip ko. Siya lang ang babaeng sineryoso at minahal ko ng ganito. Sinisisi ko talaga ang sarili ko sa mga nasabi ko sa kanya noong gabing 'yun...
Her love her love ojik geugeotman bara
Geunyeoui sarang hanappuningeol
Chimyeongjeogin fantasy hwangholhan geu ane chwihae
Siguro nga huli na ang lahat. Dapat ko na ba siyang kalimutan...
---
XIARA's POV
BINABASA MO ANG
I Miss You {SPG}
General FictionRATED M. Finally given a day without interviews, fan meetings or dance practice, Tao shown up on your apartment, without informing you. He missed you that much. But he didn't expected that you weren't home―you were busy fangirling with your first ul...