Ang Girlfriend kong Sadista
written by: JhayCee lara
Prolouge
Lahat ng babae may kanya kanyang paguugali.
kanya kanya ang kaugalian at paniniwala.
may iba't ibang level ng kasungitan.
ung iba sakanila pikon.
ung iba mabigat ang kamay.ung iba parang laging meron sa sobrang sungit.
at ung iba naman sobrang tahimik.
Pero tao lang din sila na nakakagawa ng pagkakamali at
nagkakamali sa pagdedesisyon.pero kahit ano pa man ang mga pagkalamali nila.
at kahit ano pa mang paguugali o topak meron sila,Karapatan pa rin nilang makahanap ng lalaking magtatanggol sakanila at magaalaga.
ung bang ituturing silang prinsesa.
un lang naman ang gusto nila eh.un bang kahit na anong sungit nila o kahit anong pananakit pa rin ang gawin nila ay pagtyatyagaan parin sila at hindi sila iiwan.
nilalang sila bilang mahihina.
At ang mga lalaki naman ay nilikhan upang protektahan sila at pangalagaan.kaya kahit ano pang itsura meron sila,
o kahit gaano pa kalala ang paguugali nila,
Kailangan parin nilang makaramdam ng pagmamahal at kalinga mula sa mga lalaki.kailangan nila ng tyaga at pasensya dahil madalas silang magkamali.
at katumbas naman nun ay ang pagmamahal at loyalty nila. Un ang isa sa mga pinakamahalagang regalo na maaring matanggap ng isang lalaki.
higit pa sa kahit anong bagay na maari niyang makuha.
higit pa sa pera o sa kahit anong materyal na bagay....
***