Prologue & Chapter 1

80 3 0
                                    

Prologue

Tadhana. Tadhana? Naniniwala ba kayo dun?

Ako? Oo. Kasi lahat tayo naka tadhana sa isang tao. Maaaring maaga sya dumating.. Maaaring ma late.

Maaaring bukas makikilala mo na sya. Hindi natin alam kung kelan dadating ang naka tadhana para saatin.

Baka nga nandyan lang sya hindi lang natin napapansin.

Baka isa pala sya sa kaibigan natin. Hindi lang natin alam.

Paano kapag nakita mo na sya? Pakakawalan mo ba?

-------------------

CHAPTER ONE

CELYN BELLEZA

1st day of classes ngayon kaso hindi ako nakapasok. Sinusulit ko pa yung bakasyon eh! Hahaa joke lang, nag celebrate kami ng birthday ni ate cha. Nag punta kami sa sofitel. Relax relax lang hahaha jk! Baka 1 week akong hindi makaka pasok. Susulitin ko lang tong bakasyon ko haha. "CELYN!!! TARA NA!!!" Tawag ni ate cha. Nag mamadali! Kanina pa! "OO!! Wait ka lang!" Sabi kong nagmamadali. Pupunta kasi kami sa may sea side.

KARL CAESAR DIALGO

1st day of classes ngayon. Whoo! Kinakabahan ako ah! Saan ko kaya makikita yung room ko? Hay sana madali lang hanapin.

Time check: 6:00 am

Kailangan ko na umalis. Hahanapin ko pa room ko.

~~~

Nandito na ako sa bago kong school. Woah! Saan yung room ko??

Hinanap ko na yung room ko.

Time check: 6:50

Malapit nq mag simula yung klase ko. Sakto nakita ko na kagad yung room ko.

Pumasok na ako sa room ko. Nakita ko si kyle at umupo ako sa tabi nya. Siya lang kasi kakilala ko. Buti nga kaklase ko siya e.

Class starts at 7:00am kaya madami dami na yung mga tao nung mahanap ko class room ko.

"Kamusta kana?" sabi ni kyle "okay lang. Kamusta basketball?" Sabi ko.

"Ayun nag lalaro paren ako araw araw para matanggap ako sa varsity" sabi ni kyle

"Ah hindi ba sa next school year pa pwedeng mag varsity?" Tanong ko

" sabi nila pwede na daw ngayon" sabi nya

"Ahh ganun ba" sabi ko. Parang siguradong sigurado na siya ah. Ako baka next school year na lang ako sasali.

"Ikaw ba? Sasali kaba?" Tanong niya. Kakasabi lang eh. "Ah baka next sch---"

Biglang dumating yung teacher. At umayos na kami.

"Hello sainyong lahat! Ako si maam jonalyn calimon" Nag sulat sya sa black board. "Pero tawagin nyo akong Ma'am calimon" sabi ni maam at ngumiti. Mukhang mabait nman si maam. Parang hindi sya strikto.

"Isa isa kayong mag papakilala dito sa harap. Sasabihin nyo kung anong pangalan nyo, nickname kung transferee ba kayo o hinde. yun lang" explain ni ma'am. "Simula tayo dito" sabi niya at tinuro yung nasa harap. May nag punta sa harap. Wow parang hindi na siya nahihiya.

"hello! I'm Stephani Frances Sta. Cruz, but you can call me steph and im an old student" sabi ni steph tapos mag smile siya. bumalik na siya sa upuan nya at may nag lakad sa harap......... ang ganda niya....

"hi po. ako po si zasha abygail Zuniga, pero tawagin nyo po akong aby o zasha" sabi niya sabay smile "transferee po ako dito" sabi niya at nag smile ulit. pumunta na siya sa upuan niya.

transferee din pala siya. saang school kaya siya galing? ang ganda ganda niya. lalo na pag nakangiti. parang mabait tong si aby ah. na-love at first sight yata ako dun ah hahahah joke. sino ba naman hindi mag kaka gusto sa kanya maganda na at maba--- "KC huy! ikaw na!" sabi ni kyle at kinakalabit ako. ako na pala. hindi ko napansin. nag lakad na ko papunta sa harap. nakakahiya ang daming tao.

"umm... hello! ako po si KC, Karl caesar Dialgo po. transferee po ako." sabi ko at bumalik na ulit sa upuan ko. hay salamat tapos na hahaha. nung naka upo na ako. kinalabit ako ni kyle "Baket parang wala ka sa sarili?" tanong niya. Napangiti nalang ako at sinabing "wala" at hindi na siya nag tanong pa.

~~~

"okay recess na tayo. who would like to lead the prayer?" tanong ni maam calimon "I would like to maam!" sabi ni stephani at nag punta sa harap. nag lead na siya ng prayer. "be back at 10:40!" sigaw ni maam Calimon.

bumaba na ako sa baba para bumili ng pagkain. pabalik na sana ako ng classroom ng may humarang sa dinadaanan. "uy bro! ako nga pala si JL, di ba taga bronze ka din?" sabi niya sabay akbay. tumango ako. "sabay na tayo" sabi niya at nag lakad na kami pabalik ng room. "ano nga pala pangalan mo?" tanong niya at napakamot siya ng ulo. "KC, KC Dialgo" sabi ko sakanya. "welcom to Blue High University Bro!" sabi niya. " tara papakilala kita sa mga kaibigan ko" tumango lang ako. pumasok kami ng classroom at pinakilala niya ako sa mga kabigan niya. "bro siya si taishi" tinuro niya si taishi. "taishi, siya si KC transferee" sabi niya kay taishi. tumango ako kay taishi. "welcome to Blue high Univ." sabi ni taishi at nag smile tapos bigla nalang siya umalis. may lumapit kay JL na dalawang lalaki. "uy pre! sino tong kasama mo?" tanong nung lalaki kay JL. "mga pre siya si KC transferee" sabi ni JL sa Kanila. "kc, siya si gelo at andre" tinuro niya si gelo at andre. tumango ako. "sige balik lang ako sa upuan ko" sabi ko sakanila. bumalik na ako sa upuan ko. anong oras naba?

Time check: 10:20

maaga pa. tinapos ko na yung kinakain ko at nilapitan si abby. "hello ako nga pala si kc." sabi ko habang tinitingnan ko siya. "Hi! ako si abby! abby zuniga" sabi niya at nag smile siya saakin. nag kwentuhan kami hanggang sa matapos yung recess.

TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon